Teresa Loyzaga breaks silence on issue between Cesar Montano and their son Diego

IMAGE Photo grabbed from Magandang Buhay

Teresa Loyzaga finally breaks her silence about the issue involving son Diego Loyzaga and his dad Cesar Montano last February. 


Ayaw ituring ni Teresa Loyzaga na problema ang isyung kinasangkutan ng anak na si Diego Loyzaga at ng ama nitong si Cesar Montano.

Nagsimula ang isyu sa pagitan ng mag-ama nang mag-post si Diego sa social media noong Pebrero, hinggil sa bintang umano sa kanya ni Cesar na gumagamit siya ng droga.

Sa kanyang rant ay inilabas ni Diego ang kanyang sama ng loob laban sa ama.

READ: (UPDATED) Diego Loyzaga rants about dad Cesar Montano: "SANA LUMABAS LAHAT NG BAHO MO. Duwag!"

Sa buong kaganapang ito, nanatiling tahimik si Teresa, na naging karelasyon ni Cesar.

Ngunit sa episode ng ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay nitong Lunes, May 22, nagsalita sa unang pagkakataon ang actress-singer.

Pahayag ni Teresa, “Huwag naman nating sabihing problema.

"Nagkaroon lang ng… not even conflict, e.

“Gusto kong sabihin, iwan na natin sa kanila yun.

"Kung anuman ang nangyari, sila rin mag-aayos niyan.

"Kasi, the more we meddle, pakialamero lang ang labas natin. Hindi naman natin maaayos.

“Ang makakaayos, sila din.”  

A MOTHER'S ADVICE. Pinayuhan daw ni Teresa ang anak na manahimik pagkatapos nitong mailabas ang sama ng loob sa ama.

“Be quiet. Just be quiet.

"I know you’re affected, but be quiet.

"Kasi it means less error. Mas konti sasabihin, mas konti pagkakamali.

"Tumahimik ka na lang. Lilipas din lahat ‘yan.

"Nailabas mo na, e. One point ka na, tama na."

Dagdag ng aktres, “At saka alam naman natin na mahal siya ng tatay niya.

“Naniniwala ako dun.”  

Paliwanag ni Teresa kung bakit siya nanahimik noon, “Ang akin lang, I cannot wait for all of these to die down and for people not to meddle.

“Pero hindi mo naman maalis sa tao yun, gusto nilang to give their two cents.

“Pero I think normal lang sa tao, so hindi ko sila masisi.

“Sana ang gawin na lang natin, let’s pray na maayos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat naman maaayos in time. Let’s not push it. Huwag natin silang pilitin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN