Renz Fernandez hasn't visited brother Mark Anthony in jail lately

IMAGE Noel Orsal

Renz Fernandez on his last visit to half-brother Mark Anthony Fernandez: "Noong nandoon kami, parang kaibigan niya lahat ng mga tao. Parang nakita ng ibang mga tao na mabait siya. Sabi pa nga ng mga pulis doon, 'Dapat pala hindi na namin hinuli 'to, e.'"


Walang balita si Renz Fernandez tungkol sa kaso ng kanyang half-brother na si Mark Anthony Fernandez, na nakakulong pa rin ngayon sa Pampanga dahil sa illegal possession of marijuana.

Non-bailable ang kasong isinampa laban kay Mark kaya hindi pa rin ito makalabas.

Read: Mark Anthony Fernandez arrested for illegal possession of 1 kilo of marijuana

Sina Renz at Mark ay magkapatid sa ama—ang yumaong aktor na si Rudy Fernandez.

Si Renz ay anak ni Rudy kay Lorna Tolentino, habang si Mark naman ay anak ng yumaong action star kay Alma Moreno.

Pag-amin ni Renz, matagal na niyang hindi nakakausap at nabibista ang kanyang Kuya Mark.

“Two months, I think, na hindi siya ko siya nabibisita.

“Naging busy rin kasi, e. Saka ang layo, e,” paliwanag niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Sa pinakahuling pagkikita nila, may nakita naman daw pagbabago si Renz sa kapatid.

Kuwento niya, “I guess, he’s adapting doon sa lugar. 

“Of course, yung totoo, mahirap doon sa prison.

“Yun, ipinagdadasal ko siya.

“Nong first time na nakita ko siya, hindi siya okey, kasi siyempre fresh pa, e.”

Nagbiro naman si Renz sa pangungumusta namin sa hitsura ni Mark.

Sabi niya, habang nakangiti, “Pogi pa rin siyempre!

“Noong nandoon kami, parang kaibigan niya lahat ng mga tao. 

“Parang nakita ng ibang mga tao na mabait siya.

“Sabi pa nga ng mga pulis doon, ‘Dapat pala hindi na namin hinuli ‘to, e.’

“E, too late, kaya yun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Renz sa grand launch ng upcoming Kapuso primetime series na My Love From The Star.

Ginanap ito sa Studio 7 ng GMA Network Center noon nakaraang linggo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN