Donita Rose reveals serious talk with son about her separation from husband Eric Villarama

IMAGE Mark Jesalva

Donita Rose on her heart-to-heart talk with son Joshua Paul about their broken family: "Kasi isinasama ko siya sa mga desisyon ko. Hindi lang ako ang nag-decide. Kumbaga, [I asked him], 'How would you feel about Mommy and Daddy not working out anymore? Tapos siya na din ang nagsabi na, 'I think, it's better na wala na, tapusin na, kasi nakikita ko na nahihirapan ka.'"


Ibinahagi ni Donita Rose kung paano niya ipinagtapat sa anak nila ng estranged husband na si Eric Villarama ang tungkol sa hiwalayan nilang mag-asawa.

Nang kausapin niya ang anak na si Joshua Paul o JP ay 12 taong gulang na ito.

Kuwento ni Donita, “Hindi ko masyadong binigyan ng detalye.

"Ang sinabi ko lang, siyempre, ‘Your dad and I, nag-decide na kami na things are not working out. Is it okay with you?'

“Kasi isinasama ko siya sa mga desisyon ko. Hindi lang ako ang nag-decide.

“Kumbaga, 'How would you feel about Mommy and Daddy not working out anymore?'

“Tapos siya na din ang nagsabi na, ‘I think, it's better na wala na, tapusin na, kasi nakikita ko na nahihirapan ka.’”

Base ito sa panayam kay Donita sa May 23 episode ng ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay.

THE BREAKUP. June 2003 nang ikasal ang noo'y MTV Asia VJ-actress na si Donita at non-showbiz boyfriend niyang si Eric.

April 2015 nang kumpirmahin ni Donita ang bali-balitang may pinagdadaanan silang marital problem ng kanyang mister.

August 2015 nang aminin ni Donita na muntik silang magpirmahan ni Eric ng divorce papers; ngunit nagdesisyon silang bigyan ng isa pang pagkakataon ang kanilang marriage.

Ngunit pagkatapos nilang pilit ayusin ang kanilang pagsasama, noong July 2016 ay inihayag ni Donita na tuluyan na silang naghiwalay ni Eric.

Base ito sa panayam kay Donita ng best friend niyang si DJ Mo Twister sa podcast program nitong Good Times With Mo.

Dito ay inamin ni Donita na mayroon nang ipinalit na ibang babae sa kanya ang mister na si Eric, base na rin sa Instagram posts ng huli. 

Sa isang bahagi ng pahayag ni Donita, aniya, “So, now, I guess it made it official when the other day I found out that he came out with a [photo with another woman].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think his profile pic is with [some girl], we did talk about it the other day and he apologized to me.”

Read: Donita Rose admits separation from husband Eric Villarama after he posted photo with another girl

Pati si Mo ay nagpahiwatig na money issue diumano ang isa sa pinag-ugatan ng hiwalayan ni Donita at ng mister nito.

Read: Mo Twister hints at money issue in Donita Rose-Eric Villarama separation

MOVING FORWARD. Ngayong halos sampung buwan na ang nakalipas, sinabi ni Donita na hindi niya inaalis ang pagiging ama ni Eric sa kanilang anak.

Sa pagpapatuloy ng panayam niya sa Magandang Buhay, sabi ni Donita, “Importanteng malaman ng mga tao na kapag naghiwalay ang parents, may co-parenting na dapat malaman.

“Mom is mom and Dad is dad. Walang nagbago, except na hindi na nagsasama ang mommy at daddy.”

Malaki ang pasasalamat ng 42-year-old actress-TV host dahil sa murang edad ng anak ay naiintindihan na raw nito ang kanilang family set-up.

“Yung desisyon, galing sa aming pareho.

"Kumbaga, pinauna ko na yung son ko kung paano ang gusto niyang mangyari.

“Ngayon, noong binigyan na niya ako ng blessing, doon na ako nag-decide na, ‘I’m glad that I have your blessing. Sige, mag-move on na tayo.'”

Dagdag pa ni Donita, pinili niyang i-prioritize ang pagpapalaki sa anak kaysa ang kanyang showbiz career bilang bahagi na rin ng “healing process” nilang mag-ina.

"Dahil siyempre, wala yung tatay niya... talagang nag-decide ako na ganito lang ang puwede kong schedule.

"Para pag-uwi ng anak ko sa bahay, gusto ko nandun ako para sa kanya.

"So, last year, yun yung talagang priority ko—nakapag-bonding kami, nakapag-heal, nakapag-move on."

Tila patunay ng positibong epekto ng desisyong iyon ni Donita ang magandang academic performance ng anak, na nagtapos ng elementary education na mayroong academic honors at iba pang awards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN