Did Maine Mendoza deactivate her Twitter account?

IMAGE Twitter

Local netizens are abuzz with speculations regarding the apparent deactivation of Maine Mendoza's Twitter account. Though not conclusive, many believe this may have stemmed from her recent frustrations regarding the misplaced loyalty and mounting hostility of their AlDub fans online.


Maraming fans at followers ng phenomenal star at Dubsmash Queen Maine Mendoza ang nagulat nang bigla na-deactivate ang Twitter account nito.

Kapag pinuntahan ang kanyang Twitter account, walang tweets na mababasa.

Bago nangyari ito, nag-tweet si Maine noong June 1 ng kanyang nararamdaman sa ilang fans niyang tila nagiging overprotective sa love team nila ni Alden Richards.

Read: Maine Mendoza pleads to fans: "Enough with the foul words, guys."

Nakarating na kasi kay Maine ang ilang hindi magagandang ginagawa ng ibang fans niya sa social media.

Tila hindi matanggap ni Maine na may fans sila ni Alden na gumagamit ng mga hindi magagandang salita, bilang pagtanggol sa kanila, laban sa ibang mga artista o fans club.

NOT HAPPY WITH FANS' FOUL WORDS. Bagamat pinapasalamatan ni Maine ang pagtatanggol at pagmamahal ng ilan sa mga fans nila, hindi raw maganda ang pamamaraan ng mga ito dahil apektado sila ni Alden sa mga hindi magagandang aksiyon ng ilan nilang fans.

Rason niya, kung ano naman ang ugali na ipinapakita ng fans, reflection daw iyon sa kanilang hinahangaang artista.

Baka isipin nga naman na kinukunsinti nina Maine at Alden ang kanilang fans na maging bastos sa social media.

"I do not get how people can throw so much hate on others. I mean.. inano ba nila kayo?” paunang tweet ni Maine.

Sinundan niya ito ng isa pang tweet: “I know how much you love us and how hard you try to protect us but enough with the foul words, guys.. Hindi na tama.”

May isang fan pang nagtanong kay Maine kung sino ba ang pinoprotektahan o pinagtatanggol nito.

Sinagot ito ni Maine ng: "Dapat ba laging may pinagtatanggol? Hindi ba puwedeng sabihin lang kung ano yung tama? Oh btw, that tweet is for all of you."

MISPLACED LOYALTY. May ilang fans na sumang-ayon kay Maine dahil pati raw sila ay nadadamay sa mga pasaway na fans na mahilig gumamit ng hindi magagandang mga salita sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Good vibes ang pinapairal ng AlDub loveteam.

Nabuo ito dahil sa pagmamahal at hindi naman maganda kung may mga fans na binabasag ang good vibes na ito dahil sa pakikipag-away sa social media.

Marahil ay hindi rin nagustuhan ni Maine ang pamba-bash ng ilang fans nila ni Alden sa mga artistang nakakatrabaho nila o nagiging malapit sa kanila.

Para kay Maine, nagiging professional lang ang mga kapwa-artista nilang ito, kaya walang dapat mang-bash o manlait sa kanila, lalo na’t nakakasama nila ito sa trabaho at itinuturing nilang mga kaibigan.

BASH VICTIMS. Kabilang sa mga artistang nakatanggap ng mga hindi magagandang salita mula sa ilang AlDub fans ay sina Julie Anne San Jose, Thea Tolentino, Koreen Medina, at kamakailan lang ay ang Kapuso comedian na si Sef Cadayona, na sinabing magkaibigan lang sila ni Maine at wala silang itinatagong relasyon.

Sa biglang pag-deactivate ng Twitter ni Maine, marami ang nalungkot pero may ibang naintindihan kung bakit ito ginawa ni Maine.

May mabigat na dahilan siguro si Maine kung bakit ito nagdesisyong manahimik muna sa Twitter.

"Maine deactivated her acct. and it is time. She needs a break and I agree. Have fun bibigirl. We will wait for you

#ALDUBPrayForPeace," tweet ni Cindy Kournikova o nas kilala bilang si Cindy Harvard ng Kalyeserye.

May isa ring nag-tweet na: "she never complain but now.....?????pagod na siya, she needs a break! #ALDUBPrayForPeace"

Sa ngayon, mukhang walang ibang magagawa ang 4.5 million followers ni Maine kundi abangan ang pagbalik niya sa Twitter.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN