Pia Wurtzbach's half-brother to Miss Universe 2015: "You are a liar!"

IMAGE Facebook / Instagram

Umalma rin ang half-brother ni Pia Wurtzbach na si Alexander Wurtzbach dahil sa pagsira umano ng Miss Universe 2015 sa pangalan ng kanilang yumaong ama. Ito ay kaugnay ng pagsasadula ng buhay ni Pia sa episode ng ABS-CBN drama anthology na Maalaala Mo Kaya noong Sabado, June 3.


Umalma rin ang sinasabing half-brother ni Pia Wurtzbach dahil sa pagsira umano ng Miss Universe 2015 sa pangalan ng kanilang yumaong ama.

Ito ay kaugnay ng pagsasadula ng buhay ni Pia sa episode ng ABS-CBN drama anthology na Maalaala Mo Kaya noong Sabado, June 3.

Ang Kapamilya star na si Liza Soberano ang gumanap bilang Pia sa naturang episode.

Sa kanyang Facebook post kahapon, June 4, isang mensahe ang ipinarating ni Alexander Wurtzbach.

Hindi man direktang nagbanggit ng pangalan, malinaw na ang mensaheng ito ay patungkol kay Pia.

Ayon kay Alexander, siniraan daw ng kapatid na beauty queen ang kanilang ama na si Uwe Wurtzbach, isang German.

Pahayag ni Alexander, "Sa lahat lahat ayaw ko yung sisiraan mo ang patay na. wala ng kinalaman yun eh.

"Karmahin sana kayo parang walang pinagaralan.

"Wag mung dadalahin ang apelyedo na yan kung alam mo ganyan ugali ng tatay mo.

"Kala ko ba babaero sya at wala sya kwenta bakit mahal mo parin sya."

Tinawag din niyang "liar" si Pia, at sinabihang huwag nitong gamitin ang apelyido ng kanilang ama kung hindi ito gusto ng beauty queen.

"your a freeking liar dont use my father's surname if you don't like him you'r a millionaire now so change it!

"Don't say your money will help you. you are a liar!!!"

Nauna nang nagpahayag ng galit ang ina ni Alexander na si Robie Asingua dahil sa paglalarawan sa yumaong ama ni Pia sa episode ng Maalaala Mo Kaya.

Read: Pia Wurtzbach accused of making up story by late dad's partner

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ng lahat ng mga nabanggit sa artikulong ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN