Kris Bernal on retokada accusation: "Super-napapagod na ako."

IMAGE Bernie Franco

Kris Bernal is being accused by bashers of having an eating disorder because of her thin frame, and that she went under the knife to have her boobs, nose, and lips done. Kris has repeatedly shut down all of these accusations and confessed that she got tired of it. 


Naninindigan si Kris Bernal na hindi siya nagparetoke.

Ito ay sa kabila ng patuloy na pamumuna ng ilang bashers na nagpagawa raw siya ng dibdib, ilong, at labi.

Hindi ito nalalayo sa kanyang role sa upcoming GMA afternoon drama series na Impostora, na kuwento ng isang dalagang inoperahan upang maging maganda at magpanggap bilang ibang tao.

Tampulan din ng online bashing si Kris, at madalas pang akusahan na may eating disorder dahil daw sa kanyang pagiging sobrang payat.

Himutok ng Kapuso actress sa mga birada tungkol sa kanya, “Yes, talagang ang hirap for someone na parang sinasabi nilang nagparetoke ka, tapos alam mo naman na, ‘Anong nagbago?’

"Kasi, parang ngayon, lahat naman puwedeng magawan ng paraan.

"Like, for example, super dyina-judge nila ako from head to toe.

“Sometimes they tell me I had a nose job. Nagpakapal daw ako ng labi.

"When, sometimes it’s really just lipstick na ino-overline ko lang.

“Tapos yung nose, sometimes it’s noseline.

“Sometimes yung boobs, color lang ng cleavage or let’s say I put silicon.

“Sa legs naman, if gusto mong magmukhang matangkad, it just depends on the angle.

“So, parang there’s so much you can do na it doesn’t mean that you had a surgery.

“Yun din ang gusto kong sabihin sa tao na if you see something different in a person, don’t judge right away na, ‘Ay, nagparetoke na agad ‘yan.’

"You have to consider also is it just the make-up, is it just the outfit, na nagkaroon siya ng boobs or whatever."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris sa press conference ng Impostora, na ginanap sa GMA Network Center, nitong Lunes, June 5.

WORKED HARD FOR HER BODY. Aminado ang StarStruck Season 4 alumna na napapagod na siya sa akusasyong nagparetoke siya.

"Super-napapagod na ako," pakli ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As in, parang feeling ko, nasanay na ako na every time na I will post a sexy photo, parang, ‘Okay, be ready Kris, it’s gonna be bashed and it would have more than 200 comments.’”

Sa kabila nito, sinisikap pa rin daw ni Kris magbasa ng ibang komento para sa constructive criticisms.

“I want to consider other’s opinion as well, baka naman tama sila, baka iba na ang nakikita ng tao sa akin.

"But, feeling ko kasi, as long as I’m happy with this figure [I’m okay]."

Patuloy niya, “I worked hard for it and if it’s not sexy to their eyes, maybe yun na rin yung kayang i-improve ng body ko.

"And siguro, I wanna clear up also na I really have a fast metabolism.

"So, no matter how much I eat, kahit hindi ako mag-exercise, tataba ako nang konti, pero you wouldn’t even notice."

DON’T JUDGE. May mensahe rin ang FHM May 2017 cover girl sa lahat ng mga nambabatikos sa kanyang hitsura.

Saad ni Kris, “Rather than saying something nasty or something hurtful, just keep it to yourself or prevent na lang from hurting someone from your comments.

“Kasi hindi lang ako yung nasasaktan, e, pati family ko nasasaktan pag dyina-judge ako ng mga tao.

“So, just keep it to yourself and appreciate yourself na lang.

“Siguro you can see something good about me also.

"Kung hindi man sa physical ko, baka may nagustuhan kang show or ugali ko."

Read: Kris Bernal shuts down boob-job rumors


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN