Kris Bernal refutes Renz Fernandez's claim that she told him to court her

IMAGE Bernie Franco

Kris Bernal on Renz Fernandez's statement that she asked him to court her: "Parang ang pangit namang tingnan sa akin na ako yung babae, tapos ako ang magsabi sa lalaki na ligawan mo ako. So, parang naalangan din ako, di ba? Hindi naman ako ganun klaseng babae."


Kinontra ni Kris Bernal ang naging pahayag ni Renz Fernandez sa isang panayam nito sa PEP na sinabihan daw siya ng aktres na ligawan niya ito.

Pahayag noon ni Renz: "Kung gusto niya akong i-pursue siya ulit. Siya naman ang may sabi na ligawan ko siya. Noong ligawan ko, wala naman."

Read: Renz Fernandez on how he courted Kris Bernal: "Parang alipin ang dating."

Ngunit sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kris, ikinagulat nito ang sinabi ni Renz.

Pahayag ng Kapuso actress, “May interview siya na sinabi niyang sinabihan ko siyang ligawan niya ako.

“E, hindi ko naman siya sinabihan in the first place na ligawan niya ako. So, nagulat ako. 

“Tinext ko siya kasi, as a woman, parang, ‘Teka lang, bakit ako nagpilit sa ‘yo, ‘di ba?’

“Tinext ko siya and I even forwarded the article.

“Sinabi ko sa kanya na, ‘Sinabi mo ba talaga ‘to?

“‘Kasi, you know that between us, sinabi ko lang sa ‘yo na posible kitang sagutin, posible kang manligaw, but I didn’t ask you to court me. Hindi ko sinabi sa ‘yo na ligawan mo.’”

Pero pinatotohanan naman ni Kris na nanligaw nga sa kanya ang bunsong anak ni Lorna Tolentino at ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez.

“Sa totoo lang, nanligaw talaga siya.

“Pinapadalhan niya ako sa bahay ng flowers, chocolates sa taping.

“Pero katulad ng sinabi ko, hindi ko hiningi sa ‘yo lahat yun.”

Pero magkaibigan naman daw sila.

“Magkaibigan pa rin naman kami hanggang ngayon.

“Nag-sorry naman siya sa akin. Parang hindi raw yun ang ibig niyang sabihin.

“Alam naman daw niya ang pinag-usapan namin.

“Siguro na-misinterpret lang din daw siya.

“Kasi, sabi ko nga, parang ang pangit namang tingnan sa akin na ako yung babae, tapos ako ang magsabi sa lalaki na ligawan mo ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, parang naalangan din ako, di ba?

“Hindi naman ako ganun klaseng babae.”

Nakapanayam ng PEP si Kris sa presscon ng kanyang bagong afternoon drama series, ang Impostora, na ginanap sa GMA Network Center nitong Lunes ng gabi, June 5.

TURNED DOWN. Binasted niya ba si Renz?

“Hindi ko alam kung yun ang term, ha,” paunang sabi ni Kris.

“Ayoko kasing gamitin ang term na basted, kasi parang ang sakit nun for a guy. 

"Siguro turn down na lang?

“Basta ayoko rin naman kasing makasakit. 

“Hindi na rin naman niya itinuloy, siguro napansin na rin niya.

“Hindi na rin naman ako nakaka-reply. Hindi na rin naman nasundan ang first date, yung ganun.

“Napansin niya na rin, so nag-let go na rin siya.”

NON-SHOWBIZ SUITOR. Bagamat wala pang inaamin si Kris na karelasyon niya ngayon, hindi naman niya itinangging may non-showbiz suitor siya.

Ito rin daw ang nagpapadala sa kanya ng mga bulaklak.

“Okey naman, ganun pa rin, masaya,” sambit niya.

Sabi pa ni Kris patungkol sa manliligaw niya, “Kasi parang mas-relax, e. Mas relax kapag…

“Hindi ko naman sinasabing partner, pero yung may kaibigan ka na mas malapit sa ‘yo na hindi alam ang mundo mo sa showbiz.”

Dating pa lang daw ang status nila ngayon.

Hindi ba ito seloso, lalo na’t may kissing scenes at love scenes siya sa Impostora?

Sagot ni Kris, “Hindi siya seloso at saka mas naiintindihan din niya.”

GODMOTHER TO ALJUR’S CHILD. Samantala, masaya si Kris sa nalalapit na pagiging ama ng dating ka-love team niyang si Aljur Abrenica.

Malapit na kasing magsilang ang girlfriend ni Aljur na si Kylie Padilla.

Sa katunayan, kung sakaling kunin siyang maging ninang ng anak nina Aljur at Kylie ay papayag daw siya.

“Oo naman, gusto ko nga, e,” sambit niya.

Natatawang sabi pa ni Kris, “Hinihintay ko nga [na sabihin]!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko pa naman nakakausap si Aljur, pero kung invite ako, why not?”

Gusto niya talagang maging ninang ng anak nina Aljur at Kylie?

“Oo, totoo, kasi hindi naman ako against sa relationship nila.

“And, at the same time, si Aljur, kilalang-kilala ko ‘yan.

“So, parang mata-touch ako kung bibigyan ako ng ganung responsibility.

“Pero wala pa naman sa ngayon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN