Mariel Rodriguez defends husband Robin Padilla's inclusion in Duterte entourage in Russia

IMAGE Noel Orsal

"He did not accept a position in the government, ticket pa kaya at pa hotel tatanggap siya?" says Mariel Rodriguez about husband Robin Padilla, who is being criticized for joining the Philippine delegate in President Duterte's official visit to Russia.


Ipinagtanggol ni Mariel Rodriguez ang mister niyang si Robin Padilla kaugnay ng isyu tungkol sa pagsama ng aktor sa official visit ni President Rodrigo Duterte sa Russia noong nakaraang buwan.

Ayon kay Mariel, taliwas sa naiulat sa isang blogsite, si Robin mismo ang nagbayad ng kanyang mga ginastos papuntang Russia.

“FYI, Robin Padilla paid for his airfare and hotel,” sabi ni Mariel sa kanyang Facebook post ngayong Miyerkules, June 7.

Kalakip ng post ni Mariel ang link sa isang blog na bumabatikos sa kanyang asawa at iba pang mga kasama ni Duterte sa Russia.

Patuloy ng Kapamilya TV host, “He did not accept a position in the government, ticket pa kaya at pa hotel tatanggap siya?? hellooooooo! stupid 'tsuwariwap' blogger... Know your facts!? #wagiinitinuloko #puyatako #hindiakonatutulog.”

Read: Robin Padilla insists he's not seeking government post

Base sa viral Instagram post ni Bernard Cloma, makikitang kasama rin sa delegasyon ni Duterte ang kapwa action stars ni Robin na sina Cesar Montano at Phillip Salvador, at si Sandra Cam.

Si Cesar ay kasalukuyang pinuno ng Tourism Promotions Board ng Department of Tourism.


Burado na ngayon sa Instagram account ni Cloma ang nasabing larawan.

Kasama rin sa delegasyon ng Pangulo ang dating sexy star at ngayo'y assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na si Mocha Uson.

Makikita rin sa video, na kuha mula sa Russia, na kasama ni Mocha si RJ Nieto, may-ari ng blog na Thinking Pinoy.

Kaugnay pa rin ng isyung ito, ipinadala mismo ni Robin sa blogger na si Sass Rogando Sasot ang kopya ng resibo ng binayaran ng aktor para sa kanyang biyahe sa Russia.

Mensahe pa ng blooger sa kanyang FB post: "As promised by Mr Robin Padilla during our FB Live, he sent me the receipt of the payment he made for his ticket to Russia. Yup, folks, hindi po government ang gumastos sa kanya. Pera po niyang pinaghirapan ang ginamit niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE RUSSIA TRIP. Samantala, isa rin si former President Fidel V. Ramos sa mga bumatikos sa dami ng delegasyon ng Pilipinas na sumama sa official visit ni Pangulong Duterte sa Russia.

Aniya, nagmistulang junket ang pagbisita ni Duterte sa Russia dahil sa dami ng government officials na sumama, na dapat sana ay nagtatrabaho rito sa Pilipinas.

Dinepensahan naman ito ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

Sabi ni Abella, “It was important to have key members of the President's administration to accompany him.”

Ang mga kasamang cabinet members sa delegasyon ay sina: Foreign Affairs secretary Alan Peter Cayetano, Agriculture secretary Emmanuel Piñol, Energy secretary Alfonso Cusi, Tourism secretary Wanda Corazon Tulfo-Teo, Science and Technology secretary Fortunato De La Peña, Justice secretary Vitaliano Aguirre II, Health Secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial, Presidential Communications Office secretary Martin Andanar, Defense secretary Delfin Lorenzana, at National Security adviser Hermogenes Esperon Jr.

Mula naman sa Duterte economic team ay sina Finance secretary Carlos Dominguez III, Socioeconomic Planning secretary Ernesto Pernia, Trade secretary Ramon Lopez, Transportation secretary Arthur Tugade, at Public Works secretary Mark Villar.

Kasama rin ng Pangulo ang anak niyang si Baste Duterte, na personal daw hiniling sa ama na isama siya kung sakaling magkaroon ng official visit sa Russia.


Stories We Are Tracking

Baste Duterte reveals reason for joining Russia state visit
Baste Duterte reveals reason for joining Russia state visit


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN