Shara Chavez is never getting back with Jovit Baldivino: "Tama na po."

IMAGE Photo grabbed from TWBA

A week after her publicized breakup with former boyfriend Jovit Baldivino, Shara Chavez granted Tonight with Boy Abunda her first-ever TV interview.


“I've reached my limit po.

"Nasaktan po ako,” pahayag ni Shara Chavez na dating girlfriend ng singer na si Jovit Baldivino.

Nagpa-interview ito sa Tonight With Boy Abunda nitong Biyernes, June 23, ilang araw matapos nitong isiniwalat sa Facebook ang diumano'y pambababae ng Kapamilya singer.

Noong June 12 inilabas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang istorya kung saan kinumpirma ni Shara ang hiwalayan nila ni Jovit. 


Stories We Are Tracking

Shara Chavez rants about Jovit Baldivino's excessive gambling
Shara Chavez rants about Jovit Baldivino's excessive gambling
Jovit Baldivino caught by his girlfriend with another girl
Jovit Baldivino caught by his girlfriend with another girl
Jovit Baldivino:
Jovit Baldivino: "Mag-isip muna bago kayo manghusga."
Shara Chavez: The 'fan turned gf now ex' of Jovit Baldivino
Shara Chavez: The 'fan turned gf now ex' of Jovit Baldivino

VENTING OUT HER FEELINGS. Sa interview niya kay Boy, sinabi nitong ang intensiyon niya nung nag-post ito sa Facebook ay para lamang maglabas ng sama ng loob. Hindi nito inasahan ang paglaki ng isyu.

Aniya, “Hindi ko na po kinaya.

"Nailabas ko lang po lahat ng sama ng loob ko, yun po yung way ko na mapagaan yung mga nasa loob.

“Nagtiis po ako nang madami.

"Madami po akong kinimkim lang muna, then napuno na po ako.”

Ang pagkakaroon daw ng third party ang naging trigger para makipaghiwalay ito kay Jovit.

Bukod pa rito, isa rin daw sa mga dahilan ay ang pagsusugal ng singer.

“Pinigilan ko po siya.

"Pero dumating na din po ako sa point na napagod na po ako kakasabi,” ani Shara.

Sa isang social media post, nakiusap si Jovit sa netizens na maging mahinahon at huwag siyang husgahan sa mga nangyari.

Read: Jovit Baldivino: "Mag-isip muna bago kayo manghusga."

Para kay Shara, ang tingin ng singer ay walang masama sa mga ginawa nito.

Sabi niya, "He was denying, kumbaga wala po siyang ginawang masama, yun po yung pinapadating po niya."

Nakapag-usap pa raw ang dalawa subalit hindi raw nag-sorry si Jovit, at sigurado rin daw si Shara na may ibang babae ang dating boyfriend.

NOT AFTER FAME. Sa mga akusasyong gusto lang niyang sumikat at mag-artista kaya ito lumantad, heto ang reaksiyon ni Shara, “Hindi po ako nagsasalita laban sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Itong nilabas ko ay based on may experience lang po.

"Naglabas lang po ako ng sama ng loob.

“Hindi ko po alam na ganito po pala ang kakalabasan sa mga tao.

“Hindi naman po lahat nagsasalita ng ganito ay gusto lang sumikat.

"Talagang dumating lang po sa point na napuno na po ako.”

Tiniyak din niya na hindi na siya makikipagbalikan kay Jovit.

“Tama na po. Pinapanindigan ko po na hanggang do'n na lang po talaga ako.”

Nagkakilala sina Jovit at Shara noong 2014, at isinilang ni Shara ang kanilang anak noong 2016.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN