Ai-Ai delas Alas clarifies rehab status of Jiro Manio: "Paiba-iba 'yan ng isip."

IMAGE Jiro Katakura Facebook / Reielle Deslate

Ai-Ai delas Alas confirms that former child actor Jiro Manio is currently back on rehab. 


Nilinaw ni Ai-Ai delas Alas na labas-pasok sa rehabilitation center ang dating child star na si Jiro Manio dahil na rin sa kagustuhan nito.

Matatandaang noong Marso ay inihayag ni Ai-Ai na nais ng mga kamag-anak ni Jiro na ilabas ito ng rehabilitation center na kinaroroonan nito.

Read: Jiro Manio to be released from rehab center against Ai-Ai delas Alas's wish

Sa kanyang Instagram post nitong Biyernes, Hunyo 30, ibinalita ng Kapuso comedienne-TV host na kakabalik lang ulit ni Jiro sa rehab center.

Ayon pa kay Ai-Ai, patuloy ang pagsustento niya sa rehabilitation program ni Jiro hanggang sa kasalukuyan.

“SI JIRO PAIBA IBA YAN NG IISIP SO MINSAN WALA NA LANG AKO MAGAWA KUNDI IPAG PRAY SYA... yan ang text nya noon june 3...

“at ngayun araw na ito nandoon sya ulit sa REHAB ....

“AKO PA DIN ANG NAG BABAYAD HANGGANG NGAYUN NG REHAB NYA...”

Patunay rawng pabagu-bagong isip ni Jiro ay ang ibinahagi ni Ai-Ai na text message ng dating child actor na nagsasabing mas gusto muna nitong mamalagi sa tinutuluyang bahay.

Narito ang buong text message ni Jiro sa doktor nito noong June 3:

“Good am po doc liz. Gusto ko lang po sabihin na ayoko po muna bumalik sa center and about sa advocacy its sounds good but i cant do that ng nagsstay sa rehab gusto ko magstay na po ako dito sa amin magrereport report nalang po ako sa center just in case i feel any of those cravings..

“sarili ko po desisyon ito sana po marespeto natapos ko naman na po gusto ni ms ai siguro sa ngayon its time to move on and i will look on things in other ways and also taking good care of my family and maintain taking medicine." 

Magandang tanghali sa iNYONG lahat.. HINDI ko po ugali ang mag post ng tungkol sa mga bagay bagay na itinutulong ko or problema s buhay ko .. nakikita naman siguro ng mga followers ko na puro positive lang ang inilalagay ko dito ... and sa mga balita reg jiro ayoko ng mag paliwanag kasi sabi sa bibliya at gusto ng DYOS pag tumutulong ko d mo kailngan ipag sabi .. its between you and GOD .. hanggang sa kagabi isang hindi sikat na reporter ang nag blind item saken sa facebook na alam na alam mong ako yung tinutukoy na gusto ko daw palabasin si jiro sa rehab dahil ayaw ko ng gastusan??? Huh??? Aba may ganun na palang lumalabas na balita kaya ikaklaro ko lang ... DOON SA MGA HINDI NAMAN NAKAKATULONG AT NANINIRA LANG SI LORD NA BAHALA SA INYO .. and SI JIRO PAIBA IBA YAN NG IISIP SO MINSAN WALA NA LANG AKO MAGAWA KUNDI IPAG PRAY SYA .. yan ang text nya noon june 3... at ngayun araw na ito nandoon sya ulit sa REHAB .... AKO PA DIN ANG NAG BABAYAD HANGGANG NGAYUN NG REHAB NYA... Kaya kayong mga walang magawa mapanghusga at walang naitulong OR maiitulong ... SHUT UPPPPPPPPPPPP!!!!!! ( yun lang po !) #mgapabida #mgaepal #kayokayamagbayad #akonamanmaninirasainyoparamaiba ????

A post shared by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) on

Matatandaang Hunyo 2015 nang makita si Jiro na pagala-gala sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hulyo 2015 nang maiulat na si Ai-Ai ang boluntaryong tumulong kay Jiro sa pagsailalim nito sa rehab.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN