Vhong Navarro to be charged with alleged rape of Deniece Cornejo?

IMAGE Noel Orsal

Excerpt from official statement of Vhong Navarro's counsel Alma Mallonga: "The prosecution has presented evidence, going beyond the CCTV footages, to prove her claim of rape is a malicious falsehood... [We] are confident that dismissal [of this third complaint] will be the eventual result. After all, the DOJ that will resolve the third complaint is the same DOJ that had already weighed the claim of Deniece to be incredible. It is the same DOJ that has taken the lead in prosecuting Deniece for


Kahapon, Hulyo 9, lumabas ang balitang nakatakdang sampahan ng Department of Justice (DOJ) si Vhong Navarro ng kasong panggagahasa sa modelong si Deniece Cornejo.

Base ito sa magkakasunod na Facebook posts ng journalist na si Tony Calvento, na nagsasabing “THIS COMING WEEK VHONG NAVARRO WILL BE ARRESTED!”

Ibinahagi rin ni Calvento ang kopya ng complaint-affidavit ni Deniece na nagsasalaysay ng diumano’y panggagahasa sa kanya ni Vhong noong gabi ng January 17, 2014, at attempted rape noong January 22, 2014.

Kaugnay ito ng insidenteng pambubugbog, paggapos, at pananakot kay Vhong ng grupo ni Deniece at ng negosyanteng si Cedric Lee, sa loob ng Taguig City condo unit ng dalaga, noong gabi ng January 22, 2014.

Sa official statement na natanggap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw, Hulyo 10, nilinaw naman ni Atty. Alma Mallonga, legal counsel ni Vhong, na wala pang pormal na resolusyon ang DOJ hinggil sa ikatlong reklamo ng panggagahasa na isinampa ni Deniece laban sa It’s Showtime host.

Sabi ni Atty. Mallonga, “We have not received any resolution recommending the filing of charges against Vhong.

“I can confirm, however, that the complaint filed by Deniece for rape almost 2 years ago —the THIRD one she has filed against Vhong—has not yet been resolved by the DOJ  but that a resolution is forthcoming.”

Ayon pa rin kay Atty. Mallonga, tuloy ang pagdinig sa kasong serious illegal detention na isinampa ni Vhong laban sa grupo nina Deniece at Cedric.

Ipinagtataka rin daw ng abugada kung bakit nakabinbin ang ikatlong reklamong panggagahasa laban kay Vhong.

Aniya, “We have, in fact, been urging the DOJ to dismiss the third complaint, for the same reasons that the first two complaints for rape filed by Deniece had already been DISMISSED by the DOJ itself and by the City Prosecutor of Taguig (Taguig OCP): the claim for rape was found to be unbelievable, illogical, ‘astonishing and incredible as it is contrary to human frailty.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DENIECE'S THIRD RAPE COMPLAINT. Sa third rape complaint-affidavit ni Deniece, idinetalye ng dalaga ang panggagahasa diumano sa kanya ni Vhong.

Sinabi ng dalaga na puwersahan umano siyang ginahasa ni Vhong matapos siyang painumin ng dala nitong alak noong gabi ng January 17, 2014.

Nakaramdam daw siya ng pagkahilo at panghihina kaya hindi nakalaban sa diumano’y pang-aabuso ng actor-TV host.

Noong January 20, 2014, o tatlong araw pagkatapos ng insidente, napag-alaman daw ni Deniece mula sa kanyang medical checkup na mayroon siyang "bacterial vaginosis" o "vaginal infection," na nakuha diumano ng dalaga mula sa aktor/TV host. 

Isinalaysay din ni Deniece ang insidente ng January 22, 2014, kung saan pinuntahan siya sa kanyang Taguig condo unit ng mga kaibigang sina Cedric, Bernice Lee, Simeon Raz Jr., at Edgardo Sampana.

Nais daw kasi ng modelo na isangguni sa mga nabanggit na personalidad ang ginawang pang-aabuso sa kanya ni Vhong.

Ayon pa kay Deniece, noong sandaling umalis ng kanyang condo unit ang grupo nina Cedric, ay saka raw biglang dumating si Vhong.

Nais daw ni Vhong na personal na humingi ng dispensa sa diumano'y ginawa nitong panggagahasa kay Deniece.

Base pa rin sa salaysay ng dalaga, gayon na lang umano ang pagkagulat niya nang subukan siyang gahasain muli ng actor-TV host.

Nang mga sandaling iyon ay tiyempo raw na dumating uli ang grupo ni Cedric at nahuli umano si Vhong sa aktong pang-aabuso kay Deniece.

Nang ipina-blotter daw ni Deniece si Vhong sa Southern Police District sa Taguig, nakumpiska raw ng awtoridad mula sa actor-TV host ang isang "small bottle of strange liquid" na napag-alamang "date rape drug"—o mas kilala raw bilang "GBL" o "GHB."

Ayon kay Deniece, ito raw ang ginamit ni Vhong nang diumano'y gahasain siya nito noong gabi ng January 17.

Narito ang kopya ng complaint-affidavit ni Deniece, base sa Facebook post ni Calvento:

VHONG'S CAMP REFUTES DENIECE'S CLAIMS. Mariin na pinabulaanan ng legal counsel ni Vhong ang mga akusasyon ni Deniece.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inalala ni Atty. Mallonga ang ilang ebidensiyang isinumite ng kampo ni Vhong sa naunang rape complaint ni Deniece na ibinasura ng DOJ noong 2014. 

Sa opisyal na pahayag nito sa PEP, bumuwelta si Atty. Mallonga: “Remember the widely circulated CCTV footages showing Deniece going down the elevator less than a minute after leaving Vhong in her condo unit?

“She was smiling at her images while in the elevator, and then calmly walked away.

“This, among other evidence, was what impelled the DOJ to dismiss the first complaint for rape (which allegedly happened on January 22, 2014) that Deniece filed against Vhong.

“Instead, the DOJ filed charges for serious illegal detention and grave coercion against Deniece, Cedric Lee, Zimmer Raz, and others.

“As you may know, trials in these cases are ongoing.”

Read: Cedric Lee, Deniece Cornejo to face illegal detention, grave coercion raps; DOJ junks Deniece’s rape complaint vs Vhong Navarro

"INCREDIBLE" RAPE COMPLAINT. Malinaw na hindi raw tugma ang salaysay ni Deniece maging sa ikalawang reklamong panggagahasa na isinampa nito laban kay Vhong. 

Patuloy ng legal counsel ng It's Showtime host: “In her first complaint, Deniece swore under oath that Vhong simpy left her condo unit sometime after he visited her there on January 17, 2014 and that he complied.

“She reiterated under oath in a petition she filed before the Regional Trial Court of Taguig City that NO RAPE occurred on January 17.

“It is not surprising, therefore, that the second complaint for rape filed by Deniece with the Taguig OCP was also dismissed.

“Her belated claim that she was also raped on January 17 was found to be incredible.

“The Taguig OCP asked: if it is true that Deniece was raped on January 17, why would she invite him again to her condo unit on January 22?”

Read: Deniece Cornejo’s second rape complaint against Vhong Navarro junked

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TALK OF VHONG'S ARREST BAFFLING. Ipinagtataka rin daw ni Atty. Mallonga ang espekulasyong posibleng makasuhan at maaresto si Vhong kaugnay ng nakabinbing reklamong panggagahasa ni Deniece sa actor-TV host. 

“To reiterate: the complaint pending before the DOJ is the THIRD complaint filed by Deniece. Therein, she only repeats what had already been examined before, and presents no other evidence to support her claim.

“Precisely because Deniece had lied about being raped, perjury charges had been filed against her (and two of her co-accused) by the City Prosecutor of Manila, and trial in ongoing in the perjury case.

“The prosecution has presented evidence, going beyond the CCTV footages, to prove her claim of rape is a malicious falsehood.

“So why hasn’t the third complaint been dismissed? We do not know, and we have no explanation. But we are confident that dismissal will be the eventual result. 

“After all, the DOJ that will resolve the third complaint is the same DOJ that had already weighed the claim of Deniece to be incredible.

“It is the same DOJ that has taken the lead in prosecuting Deniece for various criminal offenses in court. And, to repeat: Deniece is on trial for lying about being raped.”

Umaasa rin daw ang kampo ni Vhong na mabigyan ng hustisya ang serious illegal detention case na isinampa ng actor-TV host laban sa grupo nina Cedric at Deniece.

Sabi ni Atty. Mallonga, “We continue to believe in the process and truly appreciate the dedication of the DOJ, through its prosecutors, in the ongoing trial of the cases against Deniece and her co-accused. 

“You can understand why we find it hard to understand and to explain, under the circumstances, how the DOJ is supposedly poised to file charges against Vhong.”

Sinubukan ng PEP na hingin ang pahayag ni Deniece at ng kanyang abugado hinggil sa nakabinbing reklamong panggagahasa na isinampa ng dalaga laban kay Vhong. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilalathala ng PEP ang anumang pahayag nina Vhong, Deniece, at iba pang sangkot na personalidad na nabanggit sa artikulong ito. 



Stories We Are Tracking

DOJ to charge Cedric, Deniece with serious illegal detention
DOJ to charge Cedric, Deniece with serious illegal detention
<p>Deniece second rape complaint vs Vhong junked</p>

Deniece second rape complaint vs Vhong junked






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN