Paolo Bediones refuses to play victim card in video scandal

IMAGE Paolo Bediones Facebook

Paolo Bediones on his leaked private video: "Puwede siguro na biktima ako dahil lumabas, pero had I not done it in the first place, had it not been fixed… the laptop, had I not trusted certain people, hindi lalabas."


Tulad ng pamagat ng kanyang toprating program noon sa GMA Network, ang Survivor Philippines, maituturing na survivor si Paolo Bediones dahil nalampasan nito ang pinakamatinding pagsubok sa kanyang career.

Ito ay ang pagkalat ng mga private video niya noong July 27, 2014—ang araw na hinding-hindi malilimutan ng TV personality.

Inamin ni Paolo na dumaan siya sa matinding depression.

Saad niya, “After my controversy, I kindly gave up.

“I let go, I allowed what I was hearing around me to put me down.

“It was really bad, not suicidal, but it reached the point na ayoko nang lumabas ng bahay.

“The shame, siguro mga first two, three months… it was more of, ‘Anong gagawin ko?’

“Na-depress ako about a year, but nawala ang depression nung I decided to just get up and pursue this.

“Kasi nangyari yun, 2014, nawala ako isang buong taon.

“Nag-expire ang kontrata ko sa TV5, January 2016.

“Since then, I was hosting events lang, but it’s different.”

BACK TO SCHOOL. Dahil na rin sa eskandalong kinasangkutan, dumalang ang offers sa kanya.

Pero ito raw ang naging daan upang bumalik siya sa pag-aaral.

Ayon kay Paolo, “Walang kumukuha sa akin.

“And then I realized, I need to find something that will distract me at first, so nag-enroll ako.

“I took up my Master’s sa AIM, Masters in Entrepreneurship.

“So, simula ang distraction, ngayon, I’m really into it.

“I’m dedicated to graduate with my Master’s degree this coming March.

“So it has really given me direction.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paolo sa grand launch ng Good Vibes With Paolo, na ginanap sa Edsa Shangri-La Garden Ballroom, Miyerkules ng gabi, July 12.

Si Paolo ang producer at host ng Good Vibes With Paolo, ang programa niyang malapit nang mapanood sa Cignal TV.

THE VICTIM CARD. Bagamat itinuturing ni Paolo ang sarili bilang biktima sa pagkalat ng kanyang private videos, inamin niyang may pagkakasala rin siya sa nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag niya, “Yeah, biktima ako, pero ang puno’t dulo, ako, e.

“Carelessness ko, kapabayaan ko. Fault ko ‘yon.

“Puwede siguro na biktima ako dahil lumabas, pero had I not done it in the first place, had it not been fixed… the laptop, had I not trusted certain people, hindi lalabas.

“So, I don’t wanna play the victim card.”

Isiniwalat ni Paolo na bago pa man kumalat ang private videos niya ay may kopya na ang ABS-CBN nito.

“Four and half years bago pumutok, nandoon na sa ABS-CBN.

“Imadyinin mo, living your life, four and a half years, tutulog ka sa gabi, magdarasal ka, sana hindi lumabas.

“Gigising ka sa umaga, gigising ka, magdarasal ka, sana hindi today.

“And then, July 27, 2014, that was a Sunday. That was the day.”

Read: Paolo Bediones’s alleged sex video goes viral

Nang sabihin ng PEP kay Paolo na positive ang mga feedback sa leaked online private videos niya dahil “magaling” daw siya, sinagot niya ang obserbasyon ng: “Yeah, saan ‘to? Huwag na nating balikan.”

Saad pa niya, “Tama siguro ang tao, sinasabing either laos na ako o wala na akong karapatan to be on TV, this and that, and I gave up the fight.

“I’ll admit that it lent a certain notoriety and popularity, right?

“But then, ang gusto natin, long-term din.

“So, the challenge now is, dahil hindi ako millennial, to be relevant kaya ginawa ko itong Good Vibes With Paolo.

“Nakita ko na always relevant ang OPM.

“Always may mga banda, gustong maging sikat, gustong makilala, gustong i-share yung passion for music.

“Kaya ‘yan ang tinarget ko, and it’s close to my heart.”

INDECENT PROPOSALS. Inamin ni Paolo na pagkatapos kumalat ng kanyang private videos ay nakatanggap siya ng indecent proposals.

“After the controversy, siyempre hindi naman mawawala ‘yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, it led to the demise of my career if you would really think about it.

“Ano namang klaseng newscaster ‘yan kung ang iniisip ng tao, iba.

“But I also understand the point of view of the network, kasi you represent the network, and if something like that is out there, mahirap.”

Naikuwento rin ni Paolo ang nabuong pagkakaibigan nila ni Hayden Kho Jr. at iba pang mga personalidad na nasangkot din noon sa video scandal.

Sabi niya, “Yeah, it’s funny… I see Hayden, I see the others, you know, who were involved in similar ano…

“We have a certain understanding. We try to give each other advice.

“We try to give each other words of encouragement, but we don’t wanna hype it.

“Ayaw namin yung, ‘Huy guys magpa-picture tayo!’

“We have a nice brotherhood. We don’t need to see each other.

“We send messages once in a while, once in a blue moon.

“Iba yung when you know pinagdaanan din ng tao yung pinagdaanan mo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN