Nadine Lustre shrugs off negative reaction to her statement about living-in

IMAGE Noel Orsal

Nadine Lustre wants to achieve her goals first before settling down: "Parang di ko pa po naaano 'yan… matagal pa 'yan. Tingnan po natin, pero marami pa po kasi akong gustong gawin. So, ngayon po, hindi ko pa po talaga iniisip. Not until ma-achieve ko na ang lahat ng gusto ko."


Ipinagkikibit-balikat lang ni Nadine Lustre ang negatibong reaksiyon ng netizens kaugnay ng pahayag niya sa balitang nagli-live in na umano sila ng boyfriend na si James Reid.

Sa panayam niya sa TV Patrol noong July 7, hindi direktang sinagot ng 23-year-old Kapamilya star ang tungkol sa balitang ito.

Pero aniya, "If that was true, so what?"

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Nadine sa press conference ng Sony Philippines, na ginanap sa Seda Hotel, Quezon City, Huwebes ng gabi, July 13.

Dito ay inusisa siya tungkol sa negatibong reaksiyon ng netizens sa naging pahayag niya.

Sabi ni Nadine, "Wala naman po. I mean, tuloy naman yung buhay. Hindi naman ako affected."

Dagdag niya, "Normal naman po yun talaga na hindi mo naman mapi-please lahat.

"And as for me naman po, hindi ako nagpi-filter ng mga isasagot ko.

"Kasi, bakit naman po ako magsisinungaling, di ba?

"So, parang ganito po ako, e, kung ayaw niyo po…

"Pero salamat na lang din dun sa mga sumusuporta siyempre."

Pagpapatuloy pa ng It's Showtime host, "Basta nasabi ko na po yung dapat kong sabihin the last time. I-leave na po natin sa ganun."

NOT AFFECTED. Hindi rin daw nakaapekto sa kanilang relasyon ni James ang isyung ito.

"Kasi kami naman ni James, ayaw po namin nung, as much as possible, nagtatago or nagla-lie about sa kung ano yung nangyayari sa amin."

Diin pa ni Nadine, "But then, siyempre kasi yung mga ibang bagay na po na ‘yan, parang di naman na po kailangan i-broadcast or sabihin pa sa iba.

"Parang sa amin na lang po yun, ganun po."

Isa sa mga ipinupukol na isyu kay Nadine matapos ang balita ay kung dapat muna bang magpakasal ang dalawang tao bago sila magsama.

Ayon sa aktres, matagal-tagal pa niyang nakikita ang sariling lumalakad sa altar dahil marami pa raw siyang nais makamit sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang di ko pa po naaano 'yan… matagal pa 'yan.

"Tingnan po natin, pero marami pa po kasi akong gustong gawin.

"So, ngayon po, hindi ko pa po talaga iniisip.

"Not until maging ano na po ako... ma-achieve ko na ang lahat ng gusto ko."

Ano naman ang reaksiyon ng kanyang pamilya sa isyung ito?

"I mean, yung parents ko naman po and relatives, they know me naman talaga.

"I don’t hide anything from them.

"So, basta sila, 'Okay ka, okay kami.'"


Stories We Are Tracking

PEP List: Will AlDub and KathNiel score repeat victories?
PEP List: Will AlDub and KathNiel score repeat victories?
Nadine Lustre reacts to live-in issue with BF James Reid
Nadine Lustre reacts to live-in issue with BF James Reid
Nadine Lustre thankful for 2017<em> FHM </em>Sexiest Woman title
Nadine Lustre thankful for 2017 FHM Sexiest Woman title

FHM'S SEXIEST. Samantala, muling nagpasalamat si Nadine sa FHM Philippines at sa lahat ng bumoto sa kanya bilang No. 1 Sexiest Woman sa bansa.

Pero hindi makakarampa si Nadine sa annual event ng nasabing magazine dahil walang gaganaping victory party para rito ngayong taon.

Pahayag ng dating On The Wings of Love star, "Wala silang event, pero siyempre gusto ko pa rin pong magpasalamat sa lahat ng bumoto sa akin.

"Sa mga JaDine fans and non-JaDines din naman po.

"Sa FHM din as well for recognizing, kasi according nga po sa kanila, yung definition ng sexy is every year, nagbabago 'yan.

"So, I guess, this year, yung confidence, ganun."

Suportado na rin daw ni James ang kanyang bagong achievement, kahit iba ang initial reaction nito sa partial results ng FHM poll.

Saad ni Nadine, "Nagulat po kasi kaming lahat na bakit parang nasa listahan nga.

"But then, this year naman, okay naman, kasi kinuwento ko sa kanya.

"Sabi ko, tingin nga ng FHM, iba-iba yung sexiness every year."

Handa na ba siya sa sexy projects?

Tugon ni Nadine, "Nagtu-two-piece naman po ako sa beach, kasi normal naman po yun, e, I guess.

"But then, yung sa projects po, yung sexiness, hindi naman super sexy, pero yung sakto lang sa age ko.

"Kasi 23 na din naman po ako, so puwede nang konting sexiness, ganun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN