McCoy de Leon hits back at Elisse Joson's basher

IMAGE Instagram photo of Elisse Joson

McCoy de Leon on netizen criticizing his closeness to Elisse Joson: "Ako ang unang lalaki na nagmamalasakit sa kanya."


Ipinagtanggol ni McCoy de Leon ang onscreen partner na si Elisse Joson laban sa isang netizen na nagpu-post ng mapanirang tweets.

Isang netizen, na may Twitter username na @JessicaRacal, ang sunud-sunod na nag-tweet ng masasamang salita laban sa 21-year-old Kapamilya actress.

Ito ang isang tweet ng nasabing netizen: “Hay naku @ElisseJoson kaya ka sguro nagkakaganyan kse lumaki kang walang ama nuh.kaya sabik ka sa lalaki.”

Hindi naman ito pinalampas ni McCoy.

Buwelta ng 22-year-old Hashtags member: “Ako ang unang lalaki na nagmamalasakit sa kanya.

“Kung sino man to magpasalamat ka nalang dahil may ama ka na nagmamalasakit sayo.”

Nag-post din ang Twitter user ng larawan ni McCoy kasama ang isang di kilalang babae.

Subalit agad namang ipinagtanggol ng fans ng tambalang McLisse ang dalaga sa pamamagitan ng pag-post din ng larawan kung saan kasama si McCoy at ang di kilalang babae sa isang group photo.

Ayon sa mga sumagot na netizen, ang babae sa larawan ay kaibigan ng Kapamilya actor-dancer.

Bukod sa pagiging magka-love team, napapabalita ring nililigawan ni McCoy ang co-housemate niya noon sa Pinoy Big Brother" Lucky Season 7 na si Elisse.

Ngunit bago sila naging magkapareha, na-link noon si McCoy sa Girltrends member na si Maris Racal.

Naging magkapareha rin sina McCoy at Maris sa dating teleserye ng ABS-CBN na We Will Survive.

Ito marahil ang dahilan kung bakit may ilang fans si Maris na nagbabato ngayon ng masasamang salita laban kay Elisse.

Gayunman, nilinaw ni Maris na maayos ang relasyon nila ni McCoy.

Sa isang panayam, sabi ni Maris tungkol kay McCoy, “We are friends with good understanding."

Read: Maris Racal reacts to McCoy de Leon's love team with Elisse Joson


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN