Bea Binene not in favor of live-in relationships

IMAGE Rose Garcia

Bea Binene explains why she's not in favor of live-in arrangements for young couples: "E, di naman kailangang may test ang marriage e, di ba? Di ba, bakit kayo magli-live-in? Gusto niyong ma-test kung okey kayo kapag nagpakasal na. E, ang kasal naman, wala naman 'yang take it or leave it. Wala 'yang kailangang test na kapag ayaw mo, 'wag na."


Napa-“grabe naman!” ang reaksiyon ni Bea Binene nang tanungin namin ang reaksyon niya tungkol sa live-in arrangement, bilang isa sa mga kabataang artista ngayon.

At saka ito nagpaka-totoong sumagot na, “Baka kapag sinagot ko ‘yan, baka mamaya yung mga fans ng JaDine sabihin nangengealam ako.”

Matatandaang nasangkot sa kontrobersiya ang Jadine love team nina James Reid at Nadine Lustre dahil sa bali-balitang nagli-live in na diumano ang dalawa.

Kahit wala namang direktang pag-amin mula sa dalawa, nabahala rin ang ilang netizens dahil sa pinakahuling comment ni Nadine tungkol dito kamakailan.

Read: Nadine Lustre shrugs off negative reaction to her statement about living-in

Pero bilang kabataan din siya, nakikita ba niyang okey rin ang live-in arrangement, lalo na kung magka-boyfriend siya muli?

Lahad niya, “Ako po, hindi.

“Kasi ano po e, parang... alam ko na modern na ngayon.

“Pero siyempre, nandoon pa rin ako sa values na lumaki ako na hindi pa ganito ka-modern ang way of thinking ng mga tao.

“At saka, may nabasa akong article na... bakit ka magli-live-in? Ano yun, it’s a test of marriage?

“E, di naman kailangang may test ang marriage e, di ba?

“Di ba, bakit kayo magli-live-in? Gusto niyong ma-test kung okey kayo kapag nagpakasal na.

“E, ang kasal naman, wala naman ‘yang take it or leave it.

“Wala ‘yang kailangang test na kapag ayaw mo, ‘wag na.”

Dugtong pa niya, “Para sa akin, kung gusto mong makilala ang isang tao, puwede namang makilala.

“Pero hindi sa ganoong way.

“Pero siyempre, nasa sa tao pa rin naman yun.

“Hindi ko naman mapipigilan ang iba kung yun ang gusto nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN