Derek Ramsay on marrying girlfriend Joanne Villablanca: "Malapit na."

IMAGE Joanne Villablanca Instagram

Derek Ramsay on settling down with girlfriend Joanna Villablanca: "My mind is set na 'yan na, you know, I'm not looking at other women. I'm not looking at anything else. My mind is set na."


Mahigit dalawang taon na ang relasyon ni Derek Ramsay sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Joanne Villablanca.

At para kay Derek, si Joanne na ang gusto niyang makatuluyan.

“Malapit na,” sagot ng aktor nang tanungin kung may balak na silang pakasal.

Dagdag pa niya, “My mind is set na ‘yan na, you know, I’m not looking at other women.

“I’m not looking at anything else. My mind is set na.”

Itinanggi naman ni Derek na nagli-live-in na sila ng girlfriend.

Paglilinaw niya, “She stays over in the house from time to time, but she doesn’t live in the house with me.

“You know, she can’t leave her daughter, si Sophie, who I adore and love so much.

“An awesome, awesome girl.”

Gusto rin daw ni Derek na magkaroon sila ng sariling anak ni Joanne. Pero nirerespeto raw niya ang kagustuhan ng kasintahang kasal muna.

“Kasal muna, yun ang gusto ni Jo. So, nirerespeto ko yun.

“Pero ako, gusto ko nang magka-baby.

“Gusto ko na ngang magpa-check kung kaya pa. Sa dami kong bagsak, sa dami kong injuries.”

Ang tinutukoy ni Derek ay ang injuries na nakuha niya dahil sa paglalaro ng Frisbee.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derek sa presscon ng Amo, ang miniseries ni Brillante Mendoza sa TV5 na pinagbibidahan ng aktor.

Ginanap ang presscon sa Seda Hotel, sa may Quezon City, noong Martes, July 25.

HEALTHY RELATIONSHIP. Sinamahan pa nga raw siya ni Joanne nang maging delegate ng Pilipinas si Derek sa World Championships of Beach Ultimate, ang World Cup ng Frisbee, sa France noong Hunyo.

Kuwento ng TV5 actor, “Noong nasa France kami, after the World Cup, sinamahan niya ako, sinuportahan niya ako dun.

“She was very, very proud of me. 

“And then after, yung vacation sabi ko ang regalo ko sa kanya for supporting me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’ll show her a side of Europe that she’s never been to. We went to Amalfi Coast.

"And we just rent a scooter and we drove around beautiful place, just eating, drinking.”

Ang Amalfi Coast ay matatagpuan sa Sorrentine Peninsula ng Italy.

Arrivederci ???????? thank you for the wonderful and gluttonous trip love ????

A post shared by Joanne Villablanca (@villablancs) on

Missing the food in Italy ???? pasta and bread all day everyday, worth it though ???? Time for payback ????????‍??

A post shared by Joanne Villablanca (@villablancs) on

Kung sa ibang relasyon ay ibang babae ang karibal ng mga babae sa kanilang mga boyfriend, sa kaso nina Derek at Joanne, tila sports ng aktor ang karibal ng kanyang girlfriend.

Pero ayon sa aktor, “She’s very sporty also.

“Mas masipag mag-workout yun kesa sa akin.

“Kapag gumising kami sa umaga, minsan twice in a day mag-workout ‘yan. She’s healthier than me.

“Noong nasa Amalfi nga kami, every day kaming nagwu-workout.

“Ako, gusto ko nang magpahinga kasi four months kong in-abuse ang katawan ko.

“Pero nandoon kami, umaakyat, tumatakbo sa bundok. Nagti-training kami ng stairs.

“She’s very active and she’s very healthy.” 

DEREK’S SON. Kinumusta rin kay Derek ang anak niyang si Austin, na naka-base sa Dubai.

Si Austin ay anak ni Derek sa dati niyang pinakasalan na si Mary Christine Jolly.

Ayon sa aktor, “He’s good and he was nominated to be the class president.

“He sent me an email the other day and saying na he’s finding it tough to be the president.”

Noong 2015 pa raw ang huli nilang pagkikita ng anak. Pero posible raw na magkasama sila ngayong December.

“He might be flying in December and hopefully spend Christmas with me.

“Last 2015, sa akin siya nag-Christmas, 2016 sa mommy niya.”

Wala siyang planong pumunta ng Dubai para bisitahin ang anak?

Sagot ni Derek, “Mahirap sa schedule, e.

“He’s in school so it’s very difficult for me to go over there and see him.

“So when he has a break, that’s my opportunity for me to have him.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Come Christmas, he’ll be with us again.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN