Martin del Rosario sympathizes with Ahron Villena over photo scandal

IMAGE Noel Orsal

Martin del Rosario on handling his photo scandal: "Pag alam kong hindi totoo, e, di hindi talaga pinapansin. Pag totoo, e, di aminin mo. Ganun naman po ang ginagawa ko, e. Ganun po ako mag-handle ng problema."


Naiintindihan daw ni Martin del Rosario ang pinagdadaanang kontrobersiya ngayon ng kapwa-aktor na si Ahron Villena.

Ito ay kaugnay ng in-upload ni Ahron na sarili niyang nude photo sa Instagram, na kumalat na agad sa social media kahit binura ito agad ng aktor pagkatapos ng ilang minuto.

Ayon kay Martin, narinig lang niya ang tungkol sa isyu kay Ahron ilang sandali bago siya humarap sa presscon ng pelikulang Ang Manananggal Sa Unit 23B, na ginanap sa Gypsy Gourmet restaurant, Roces Avenue, Quezon City, nitong Martes, August 1.

Nakaka-relate daw siya kay Ahron dahil nasangkot na rin siya noon sa photo scandal.

Pahayag ng Kapuso actor sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Naiintindihan ko siya kasi pinagdaanan ko na ‘yan.

“So, ganun… mag-ingat na lang, kasi pagkakamali ‘yan.

“Narinig ko, in-admit daw niya, e.

“So, hindi naman niya sinasadya, pagkakamali raw yun.”

Dagdag pa ni Martin, “Minsan yung mga tao, pinalalaki lang [yung isyu]. Huwag na lang po nating palakihin.”


Stories We Are Tracking

Ahron Villena posts his nude photo on Instagram
Ahron Villena posts his nude photo on Instagram
Ahron apologizes for mistakenly uploading nude pic
Ahron apologizes for mistakenly uploading nude pic

MARTIN’S NUDE PHOTO. Bumalik sa alaala ni Martin nang kumalat ang sarili niyang nude photo sa internet.

Sa nasabing larawan ay naka-military design na sando shirt ang aktor, nakatayo sa harap ng salamin, at sinisipat ang sarili. 

Walang suot na pang-ibaba si Martin kaya kita ang pribadong bahagi ng kanyang katawan.

Read: FIRST READ ON PEP. Martin del Rosario admits viral nude photo scandal: "Oo, ako 'yan."

Hanggang ngayon ay hindi raw alam ni Martin kung paano kumalat sa internet ang nude photo niya.

“Hindi ko po talaga matandaan kung paanong kumalat po yun, kung paano nakuha… baka nakatago, baka nakainom...

“Ewan ko, hindi natin alam.”

Paano hinarap ng aktor ang kinasangkutang kontrobersiya?

Sabi ni Martin, “At first po, mahirap. Nakakapraning. 

“Pero just move on, kasi wala ka naman nang magagawa, nandiyan na, e. Tanggapin na lang ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At least, natuto na lang ako na mag-ingat.

“Ingat na ingat na po ako ngayon sa ganyan.”

Dagdag pa niya, “Ako naman po kasi, yung pumutok ang issue… ganun ang mag-handle ng mga issue, e.

“Pag alam kong hindi totoo, e, di hindi talaga pinapansin. 

“Pag totoo, e, di aminin mo.

“Ganun naman po ang ginagawa ko, e. Ganun po ako mag-handle ng problema.

“Hindi po ako masyadong nagpapaapekto, lalo na pag hindi naman totoo ang isyu.

“Ganun lang po ang natutunan ko, yung ganung attitude.

“Positive ka lang, hindi ka magpapaapekto sa issue.”

Patuloy niya, “Saka nakakatulong din sa sarili mo, e. 

“Kasi kung masyadong nag-o-overthink, mapapraning ka, baka maging suicidal ka.

“Inaamin ko, naapektuhan din ako noon, yung family ko.

“Siyempre yung reputation namin, yung pamilya ko na nakita ako ng mga tita ko na hindi ko naman close. 

“Pero bandang huli, okey, ako ‘yan, tapos na.

“Dapat mag-ingat na lang.”

Panatag na raw ang loob ni Martin kahit alam niyang hindi na mabubura kahit kailan angnude photo na posibleng magpabalik-balik sa internet sites.

Aniya, “Wala na po akong magagawa. Inamin ko na rin naman po yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN