Ella Cruz moves on from 2017 Miss Manila dressing-room incident

IMAGE Noel Orsal

Ella Cruz moves on from 2017 Miss Manila dressing-room incident involving Ganiel Krishnan, despite being alluded to by bashers online: "Kesyo may gawin kayo o wala, may masasabi't masasabi ang tao kung gusto nila."

 

"Sweet naman po ako."


Ayaw na sanang pag-usapan pa ni Ella Cruz ang tungkol sa dressing-room issue na nangyari noong nakaraang June sa 2017 Miss Manila beauty pageant, dahil klinaro na rin ito ng ABS-CBN Sports courtside reporter at beauty queen na si Ganiel Krishnan.

Kung matatandaan, nagpost si Ganiel sa kanyang social media account tungkol sa isang aktres na ayaw siyang makasama diumano sa dressing room.

Nasabit ang pangalan ng mga sikat na aktres na sina Sarah Geronimo, Yassi Pressman, Nadine Lustre at Sarah Lahbati, pero katulad ni Ella ay inabsuwelto rin sila ng dating beauty queen.

Read: Ganiel Krishnan clears Nadine, Sarah, Yassi on Miss Manila 2017 dressing-room issue

Pero hanggang ngayon, base sa mga reaksyon ng ilang netizens, patuloy na si Ella ang pinagbibintangan nila.

Kaya pagkatapos ng grand presscon ng pelikulang FanGirl FanBoy na ginanap sa Le Reve. sa Quezon City noong August 18, nagpahayag pa rin si Ella ng kanyang saloobin tungkol sa isyung ito.

Bungad niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Ang alam ko sa sarili ko, hindi ako yun.

"Hindi ko siya nakita that time, and yung dressing room, yung roon namin, sobrang dami namin dun.

"So yun.

“Pero ako naman, dinedma ko [yung Twitter post ni Ganiel] kasi...

“I mean, di ako sumagot na when people are saying na ako yun.

"Kasi dun sa mga sinabi niyang mga pangalan na hindi sila, ako lang ang hindi nabanggit.

"I know naman na she will reveal na hindi ako yun, kasi hindi naman po talaga ako yun."

GANIEL'S CLARIFICATION. Naapektuhan ba siya kahit paano dahil sa pangyayari?

Aniya, "Na-bother ako nun, kasi hindi nga ako yun.

"Parang, 'Hala, di naman ako ito.'

"At saka, kaya ko pong i-explain kung ano ang dressing room ko, ang hitsura ng dressing room ko, kasi sobrang dami nga namin nun.

"Kasi din nga, after a week, nag-tweet na rin siya na, 'Hindi yun si Ella, she' so sweet,' ganyan-ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako naman sabi ko, 'Thank you.'

“Thank you dahil na-clear niya ako."

Read: Ganiel Krishnan clears Ella Cruz on Miss Manila 2017 dressing-room issue

ROOM ASSIGNMENTS. Pero kung hindi siya yun, bakit wala sa listahan ng mga nabanggit na pangalan sa unang tweet ni Ganiel kunsaan itinanggi nga niya na sina Sarah, Yassi, Nadine at Sarah Lahbati ang pinatutungkulan niya?

Paliwanag ng young actress, "Naisip ko rin yun.

“Pero baka nakalimutan lang niya na andun ako.

"Kasi may mga room assignments naman nun, e.

"E ako, ang mga kasama ko, sina Julian [Trono], ako and the whole PPOP Generation team.

"Na-bother lang ako kasi, sa sarili ko, hindi ako ganun.

"Baka mamaya ay na-misinterpret lang.

"Pero yun nga, kesyo may gawin kayo o wala, may masasabi't masasabi ang tao kung gusto nila.

"Sweet naman po ako."

FRIENDLY. Noong nagsisimula siya, wala naman daw siyang naranasan na pangmamaldita mula sa mga mas nauna sa kanya sa showbiz.

Saad ng Viva actress, "Wala nga, e.

"Kaya, ba't ko naman ipaparanas 'yan sa ibang tao, di ba?

"You know how friendly I am."

MOVIE. Sa puntong ito, mas ginusto na niyang pag-usapan ang tungkol sa pelikula nila ni Julian Trono.

Tinanong namin si Ella kung anong klaseng fan siya sa kanyang mga artistant iniidolo.

Siya ba yung tipong makikipagbalyahan sa mga kapwa tagahanga? O baka naman siya yung tipong stalker?

Napapangiting sambit ni Ella, "Siguro po.

"Oy, ginagawa ko din naman 'yan kahit artista ako.

"Kahit silip lang,makita lang, ganun.

"Magpapaka-fan mode talaga ako.

"Like kapag nanonood ako ng concert, makikipagsiksikan ako para lang makapunta sa unahan."

Ang FanGirl FanBoy ay ipapalabas na sa September 6 sa direksiyon ng baguhang si Barry Gonzalez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN