Willie Revillame hints at timeline for Kris Aquino's Wowowin guesting stint; names new co-hosts

IMAGE Instagram / YouTube screengrab

After announcing his new co-hosts Nelda Ibe (left) and Pekla (right), Willie Revillame (center) also revealed details about Kris Aquino's expected involvement in his Wowowin game show: "Gusto rin ni Kris Aquino na mag-guest sa Wowowin. Pag-uusapan pa namin, siguro bago mag-Pasko. Aayusin natin para maganda ang impact."


Umapela ang mga supporters ng Wowowin ni Willie Revillame na pabalikin ang former co-host niyang si Tekla.

Pero ayon kay Willie, malabo na raw mangyari ito, lalo na't may bago na siyang mga co-hosts.

Ibinalita ito ng batikang game-show host kamakailan lang nang kumpirmahin niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang planong tutulungan niya sa TV comeback si Kris Aquino.

Read: Willie Revillame reveals plan to help Kris Aquino make a TV comeback

NEW CO-HOSTS. Ayon kay Willie, ang mga bagong co-hosts niya ay ang 23 anyos na beauty queen na si Nelda Ibe at isang baguhang singer na nagngangalang Verna.

“Si Nelda Ibe, siya yung reigning Bb. Pilipinas Globe. Piloto siya.

“May bago rin kami na co-host, si Verna. Parang Tekla na babae.

“Hindi siya maganda pero ang galing kumanta,” kuwento niya tungkol sa mga bago niyang recruits.

Nadiskubre ni Willie si Verna sa audience gallery ng Wowowin nitong nakaraang July 2017.

“Naku, I found it!” reaksyon ni Willie nang mapansin nito si Verna, na binansagan niya agad na Pekla.

Sinadya kaya ni Willie na gawing katunog nito ang pangalan ng dati niyang co-host na natanggal sa programa dahil sa diumano'y pagkakaroon ng attitude problem?

KRIS AS GUEST CO-HOST? Nabanggit din ni Willie sa PEP ang kagustuhan ni Kris na mag-guest sa Wowowin, at ito raw ang pinaghahandaan niya.

“Gusto rin ni Kris Aquino na mag-guest sa Wowowin.

“Pag-uusapan pa namin, siguro bago mag-Pasko.

“Aayusin natin para maganda ang impact,” pahayag pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN