Jake Zyrus's grandmother approves of MMK life story; slams daughter Raquel Pempengco

IMAGE Instagram / Facebook

Nagsalita na rin ang lola ni Jake Zyrus na si Thess Pineda (kanan) kaugnay ng life story ng international singer na ipinalabas sa Maalaala Mo Kaya. Ipinagtanggol ni Lola Thess ang apo laban sa bashers at maging sa ina nitong si Raquel Pempengco.


Sa gitna ng panibagong alitan na nilikha ng life story ni Jake Zyrus sa ABS-CBN drama anthology na Maalaala Mo Kaya, nakahanap ng kakampi ang international singer.

Ito ay sa katauhan ng kanyang lola na si Thess Pineda, nanay ng ina ni Jake, na unang nakilala bilang Charice, na si Raquel Pempengco.

Kung si Raquel ay nagsabing puro kasinungalingan ang inilahad ni Jake sa kanyang life story, na umere nitong Sabado ng gabi, Agosto 26, pinatunayan naman ni Lola Thess ang mga napanood na eksena rito.

Sa pamamagitan ng mahabang mensahe sa Facebook ngayong Linggo ng umaga, Agosto 27, sinang-ayunan ni Lola Thess ang mga ibinahagi ng apo sa MMK.

Pahayag ng lola ni Jake Zyrus, “PARA SA AKIN, TAMA LANG YAN.

“SIGE, SWEETHEART, ISIGAW MONG SAKIT NA NARARAMDAMAN MONG YAN, BATA KA PA LANG DINANAS MO NANG KALUPITAN NA YAN.

“HWAG KANG MATAKOT. NANDITO AKONG MAGPAPATOTOO NYAN AT TAMA ANG YANG GINAWA MONG YAN.”

FIRST MMK. May personal na isyu din naman si Lola Thess sa Maalaala Mo Kaya, na noong 2008 ay nagsadula na ng buhay ni Charice batay sa salaysay ng ina ni Charice na si Raquel. 

Panay daw ito “kasinungalinan.”

Sa 2008 episode ng MMK, tinalakay ang pagiging single mother ni Raquel (na ginampanan noon ni Zsa Zsa Padilla) at kung paano niya itinaguyod ang singing career ni Charice.

Pinalabas daw doon na naging masamang ina si Thess kay Raquel.

Saad ni Lola Thess, “ANG UNANG MMK, ALAM MO CHARICE, NI TULDOK NG KUWENTO NA YON AY KASINUNGALINGAN.

“AKO ANG BUMUHAY NAGPALAKI SA INYONG LAHAT AT AKO ANG MENTOR TRAINOR MO. INALIS KAYO NG MOMMY MO SA AKIN.

“LUMALABAN KA SA AMATEUR CONTEST, SIYA SA SARAP, IKAW ANG SA HIRAP.”

Pasaring pa niya sa ina ni Jake: “MABUTI KA PA NGA [CHARICE] BINUHAY MO AT NAPAKAIN MO. PINADAMA MONG SARAP SA BUHAY SA KANYA .

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“SI RAKEL, ANONG NAGAWANG MABUTI SA BABAENG NAGSILANG SA KANYA? WALA, WALA.

“KASUMPA-SUMPA PANG IPAPA MMK NYA ANG MATANDANG NAGDUSA NG SIYAM NA TAON SA SAUDI ARABIA MABUHAY KO LANG SILA.

“NASA AKIN ANG MGA RESIBO NG MGA PADALA KO SA KANILA.

“NAGPUNDAR NG BAHAY AT PAGDATING KO, UBOS LAHAT NG PINUNDAR KO.”

JAKE ZYRUS BASHERS. May mensahe rin si Lola Thess sa mga bumabatikos sa kanyang apo.

“MARAMI PA KAYA KAYONG WALANG ALAM. SANA MANAHIMIK NA LANG.

“AKO LANG ANG TAONG BUMUHAY AT NAGLAGAY KAY CHARICE SA KALAGAYAN NYAN.

“TAKOT ANG NASA PUSO AT ISIP NG APO KO... BAYAAN NYONG ISIGAW NYA YANG NASA DAMDAMIN NYA.

“MALAYA SYANG GAWIN YAN DAHIL NAGAMPANAN NA NYANG TUNGKULIN NYA SA MOMMY NYA.

“SI RAKEL AY WALA PANG NAGAWANG TAMA SA BABAENG NAGSILANG SA KANYA.

“HARAPIN NILA AKO AT AKO ANG SASAGOT NG LAHAT...”

Sa mga nagtatanggol naman sa ina ni Jake, ito ang mensahe ni Lola Thess: “NUONG APAT NA TAON GULANG SI RAKEL, ALAM NYO BA KUNG ANONG NANGYARI SA KANYA KUNG TALAGANG KILALA NYO SYA?

“KUNG HINDI NYO ALAM, MANAHIMIK NA LANG.

“AKO LANG ANG TAONG MAKAKAPAGSABI NG TOTOO AT KUNG GAANO ANG HIRAP KO NUNG PINALALAKI KONG LAHAT YAN

“KAHIT KAPITBAHAY DITO, ALAM ANG BUHAY NAMIN

“KAYA BAYAAN NYO SI CHARICE NA ISIGAW AT PALAYAIN NYA ANG NASA PUSOT DAMDAMIN NYA. HWAG HUSGAHAN ANG MMK NYA

“BAKIT MAGAGALIT SI RAKEL? YONG GINAWA SA AKIN NA PALABASIN AKONG MASAMA, NAGPA JAPAYUKI NG ANAK

“WALANG NAGPUNTANG JAPAN SA KANILA. SYA ANG MAY GUSTONG MAG JAPAN. HINDI KO PINAYAGAN.

“NASA SAUDI AKO, NAGPAPASARAP SA BUHAY YAN DITO SA PINAS

“KAYA TAMA LANG SI CHARICE SA GINAWA NYA.

“BASTA INGAT LANG SA BAWAT DESISYON MO, SWEETHEART.”

ACCEPTING JAKE ZYRUS. Sa comment section ay nagpatuloy sa pagbibigay ng mensahe si Lola Thess.

Pagkatapos daw niyang mapanood ang life story ni Jake Zyrus sa MMK ay nauunawaan na niya ang apo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napagtanto rin daw niya ang ginawang pananakit ni Raquel sa anak nito.

Saad ni Lola Thess: “ngayon nauunawaan ko na sya (jake zyrus/charice)

“tanging nalaman ko lang yong pagpunta nya sa kapulisan, kontrolado nyang mga anak nya, mga takot sa kanya.

“walang patawad pag nanakit ng anak nuon kaya ganyan ang bata sa kanya ngayon.

“suerte nya napadama ng anak nya ang sarap ng buhay sa kanya

“si rakel, anong nagawa sa babaeng nagsilang sa kanya? Wala, wala at wala.

“bwisit yan, sya pang may ganang magalit yong ginawa sa mmk sa akin.

“Bakit ngayong ginaya ni charice ang ginawa nya, galit sya?

“ako, natutuwa sa mmk ni charice, at least nasisigaw na nyang nasa loobin nya.

“nawawala ng takot na tinanim ni rakel sa puso nya.

“sige anak move on na. im happy for that heheheeeee”

Dagdag pa niya, “sa aking napanuod kagabi, maraming kadahilanan bakit nagawa ni charice yon, para makarating sa akin ang totoo.

“pinag aralan kong maigi ang mmk ni charice. mayroon syang message na gustong iparating sa taong yon na hindi nya nakakausap ng personal dahil takot sya sa mommy nya.

“natutuwa ako nagawa nyang palayain ang nasa isip nya.

“tulungan na lang natin sya. naaawa ako sa kanya sa hitsura nya.

“isa yan sa dahilan bakit sya nagkaganyan, rebelde ang nasa puso nya, sa sarili nya binubuhos.

“anak, sabihin mo sa kanya, buhay pang matandang nagpalaki sa kanya.”

Sa isang punto ng pakikipagpalitan ng mensahe ni Lola Thess sa mga nagkokomento sa kanyang FB post, tila nakasagutan niya ang ninong ni Charice/Jake Zyrus na si Robert Ybera.

Unang komento ni Robert, “Magandang istorya din yan nanay tess sana ma MMK din ang buhay mo.”

Sagot ni Lola Thess, “Bakit obet, hindi pa ba ginawa sa akin yan nuon? ikaw pa nga ang kasama sama nila nuon, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang dali mo namang nakalimot? ang pinayo mo kay rakel nuong ginawa rin sa mmk at palabasin masama akong nanay, natuwa siguro, di ba?

“dahil ikaw ang kasama nya nuong panahon nayon. tama ba ako, obet?”

Nagtatakang sabi naman ni Robert, “Ibig nyo bang sabihin pinayuhan ko si raquel at pinalabas kayong masama? Panoorin nyo nga po ulit?”

Tugon dito ni Lola Thess, “Hindi kita binintangan. para mo akong tinutuya kasi sa salita mo.

“hindi ako bobo. may aral ako at may takot sa ama.

“di ba, ako lang ang dapat magsalita ng ganun?

“nasaan ka nuong na mmk ako? nasa southdrive ako nakatira nuon tinuya mo pa ako.

“hindi ako makalimot.

“basta ang alam ko, lahat ng dinaluyan na ugat na binayad sa kanila sa mmk na yun magsa-suffer na.”


Stories We Are Tracking

Jake Zyrus MMK episode depicts
Jake Zyrus MMK episode depicts "abuse" suffered from mom
Jake Zyrus leaves a special note to old self Charice
Jake Zyrus leaves a special note to old self Charice
Jake Zyrus's mother insists she is innocent of Jake's charges
Jake Zyrus's mother insists she is innocent of Jake's charges


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN