Jake Zyrus on MMK life story: "Ang intensiyon ko ay hindi para manira ng tao."

IMAGE Jake Zyrus Instagram

Jake Zyrus on telling his life story in Maalaala Mo Kaya: "I believe na, sa akin, it was my time to speak up, at may right naman ako to speak up about my life and i-share kung ano ang totoo."


Nanindigan si Jake Zyrus o Charice Pempengco na pawang katotohanan ang mga inilahad niya sa kanyang life story na ipinalabas sa ABS-CBN drama anthology na Maalaala Mo Kaya (MMK) noong Sabado, Agosto 26.

Ito ay matapos magalit ng kanyang ina na si Raquel Pempengco dahil sa paglalarawan ng singer dito bilang isang istriktong ina, kung saan pinipilit at sinasaktan diumano siya para sumali sa mga singing contest hanggang sa maging sikat na ito bilang Charice.

Giit ni Jake, wala siyang intensiyong siraan sa publiko ang kanyang sariling ina.

Pahayag ng international singer, “I believe na, sa akin, it was my time to speak up, at may right naman ako to speak up about my life and i-share kung ano ang totoo.

“Ang intensiyon ko ay hindi para manira ng tao, hindi yun ang intensiyon ko at all.

“Ang sa akin lang, I believe dun sa salitang ‘the truth will set you free,’ at yun lang ang ginawa ko.

“Ang intensiyon ko is para sa ibang tao na makita nila na, ‘Hindi pala ako nag-iisa, heto pala ang pinagdaanan ni Jake, so kaya ko ito.’”

Patuloy niya, “Walang halong showbiz or anything na masama ang loob ko, no.

“It was simply stories in my life, my struggles, my experience, yung challenges na lagi kong sinasabi sa interviews.

“Yun lang ang inilabas ko, yun yung story na totoo na sinabi ko.

“Bahala na ang mga tao, hindi ko na sila sasabihan pa or hindi ko na ipipilit kung ano ang gusto nilang paniwalaan.

“Ang sa akin, nasabi ko kung ano ang totoo sa akin.

“I hope marami ang natulungan, marami ang na-inspire, yun yung goal ko sa story na yun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Jake sa studio ng ASAP, sa ABS-CBN compound, noong Linggo, Agosto 27.


Stories We Are Tracking

Jake Zyrus MMK episode depicts
Jake Zyrus MMK episode depicts "abuse" suffered from mom
Raquel Pempengco angry about Jake Zyrus's <em>MMK </em>episode
Raquel Pempengco angry about Jake Zyrus's MMK episode
Jake Zyrus leaves a special note to old self Charice
Jake Zyrus leaves a special note to old self Charice
Jake Zyrus's mother insists she is innocent of Jake's charges
Jake Zyrus's mother insists she is innocent of Jake's charges

STILL A FAMILY. Ayon kay Jake, bukas siya sa pakikipag-ayos sa ina sa kabila ng pinagdadaanan ng relasyon nila ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Sino namang hindi?

“I know na someday magiging okay ‘yan, at tulad din ng iba…

“May ibang mga nagme-message sa akin, ‘Ay, ganun din ang nangyari sa akin, hindi ka nag-iisa.’

“There are families out there na hindi okay, which is normal.

“Sana ma-realize ng ibang tao na, in some other people, the way they react to this situation na parang bago.

“It’s not new, maraming ganitong sitwasyon na nangyayari sa every day na buhay natin.

“I’m glad na marami ang nagme-message sa akin na, in a way, natutulungan ko sila na, ‘Hindi, huwag kang magtatanim ng sama ng loob.’”

Patuloy ni Jake, “This is just an inspiration na gusto kong i-share na, yes, this could happen, but this could change, hindi forever na ganito.

“There’s always hope that someday magiging okay kami na family.

“But, you know, honestly, yung nangyari sa MMK, yung story na yun, it was right timing, it was my time.”

CHARICE’S LOLA. Marami naman ang nagulat na kung dati ay tutol ang maternal grandmother ni Jake na si Thess Pineda sa pagbabago ng pangalan ng singer at pagka-come out nito bilang transgender man, ngayon ay ipinagtanggol nito ang apo.

Ayon sa lola ng singer, siya ang magpapatotoo na pawang katotohanan ang inilahad ni Jake sa “Jumper” episode ng MMK.

Tila tanggap na rin nito ang pagiging transgender ng apo.

Pahayag ng 25-year-old singer, “Well, just like my mom, lola ko siya. She will always be my grandma and I love them.

“Maniwala man ang ibang tao sa hindi, yun ang nararamdaman ko, and I will be open to the people.

“I’d like to say thank you to my grandma, masarap sa feeling yun na marinig ko na sinusuportahan niya ako.

“Yun lang ang kailangan ko.

“I think yun lang ang kailangan naming marinig, especially sa aming mga transgender.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Even not only transgender people, lahat ng tao sa buong mundo, bakla ka, tomboy ka o hindi, straight ka…

“Iba yung feeling na when your family support you, even they don’t understand you.

“Yung moment na sabihin, ‘You know what, I don’t understand what you’re thinking, but I support you.’”

Mensahe pa ni Jake, “Thank you, thank you kay Nanay.

“In a way, na-open ko ang mind niya, naintindihan niya.

“It’s true, there are moments na hindi niya nakikita yung mga situations, thank you.”

Ikinatuwa rin ni Jake ang ginawang pagtatanggol ni Lola Thess sa mga namba-bash sa kanya at sa pakiusap nitong huwag husgahan ang apo.

“That’s really a big step, yung sinasabi ko na there’s reason to be thankful.

“And again, kung nangyari ‘yan sa lola ko, sa akin, someday, lahat magiging okay.

“Tulad nga ng sinabi ko, it’s kind of happening na, step by step.

“Nandun ang hope ko na everything will be okay.”

Sabi pa ni Jake, “Again, I love my family so much.

“Yung story ko, yung goal ko lang is to inspire people.

“Gusto ko lang ipadala sa kanila na hindi sila nag-iisa.”


Stories We Are Tracking

Jake Zyrus's maternal grandmother approves of MMK life story
Jake Zyrus's maternal grandmother approves of MMK life story
Raquel Pempengco mulls filing libel against Jake Zyrus, <em>MMK</em>
Raquel Pempengco mulls filing libel against Jake Zyrus, MMK
Raquel Pempengco says she has forgiven Jake Zyrus
Raquel Pempengco says she has forgiven Jake Zyrus


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN