Why Aiko Melendez declined co-starring a movie with Ara Mina

IMAGE Instagram account of Ara Mina / Facebook account of Ogie Diaz

Aiko Melendez explains why she feels it's not yet the right time to do any movies or acting projects with Ara Mina: "Ayoko pa. Gusto kong irespeto yung proseso na kakabati lang namin at ayokong paglaruan, haluan ng mga tao at isipin nila na ginamit ang sitwasyon, so ayoko muna."


Dahil nagkabati na kamakailan sina Aiko Melendez at Ara Mina matapos ng labing-anim na taong hidwaan, may mga nakaisip na sana raw ay muling magsama ang dalawang aktres sa isang pelikula.

Read: Ara Mina, Aiko Melendez kiss and make-up after longtime rift

Pareho naman kasing award-winning actress ang dalawa, kaya magandang mapanood sila sa isang pelikulang maganda ang istorya na pantay ang lalim at bigat ng roles.

Pero hindi pa raw tamang panahon, ayon kay Aiko nang nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa presscon ng pelikulang Balatkayo ng BG Productions nung September 29, sa Salu restaurant sa Quezon City.

Lahad niya, “Ayoko pa.

“Gusto kong irespeto yung proseso na kakabati lang namin at ayokong paglaruan, haluan ng mga tao, at isipin nila na ginamit ang sitwasyon, so ayoko muna.

“When she texted me that Patrick is very much interested in producing a film, sabi ko, 'Hahahaha! That’s really funny, but I am not interested.'

“Importante sa akin na kakabati lang namin nung tao.

“Pagpipiyestahan lang kami, then mauungkat na naman yung dati na kinalimutan na namin.”

Si Patrick Meneses ang ama ng anak ni Ara Mina, at naging ex-boyfriend ni Aiko.

Pero sa kabila ng pagtanggi ni Aiko, hindi naman nagsasara ng pinto ang aktres sa posibilidad na muli silang magsasama ni Ara sa isang proyekto sa tamang panahon.

“Anything is possible.

“It’s just like this, who would've thought that after sixteen years, magkakabati kami?

“But when you pray about it nga, it would happen.

“If it’s meant to happen, it would happen, but I just don’t think now is the right time,” paliwanag pa niya.

Nag-ugat ang away ng dalawa nung nagkaroon ng relasyon sina Ara at Jomari Yllana, na noon ay kasal kay Aiko.

NOT A PUBLICITY STUNT. Hiningan din ng reaksyon si Aiko sa paratang ng iba na parte lang daw ng gimik ang lahat dahil pareho raw silang may pinu-promote na pelikula ni Ara ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Depensa niya, “I don’t even know na may movie si Hazel [Ara's real name] ngayon, and I didn’t even know that she was there.

“Dun sa mga nag-iisip na parang timing, that’s why I don’t want to share much about what happened, I don’t want to use that opportunity.

“Nagkataon lang na nakita ng tao sa Instagram na nauna siyang mag-post.

“Ako talaga, ayokong mag-post.

“Pinauna ko talaga siya kasi gusto kong irespeto yung pagkakataon na nagkabati kami.

“I was touched, kasi siya yung una.

“Like, 'Picture tayo,' sabi ko. 'Sige, tara, tara!' pero di ko inasahan na siya ang unang magpu-post.

“Sabi ko, hihintayin ko muna na siya ang mag-post kasi ayokong sabihin na, 'O, gagamitin lang.'

“Kaya pinauna ko talaga siya.”

TENSE ENCOUNTER AT RUFA MAE'S WEDDING. Sa interview naman kay Ara ay nabanggit nitong hindi raw iyon ang unang pagkakataon na nagkita, bumati, at bumeso siya kay Aiko.

Nangyari na rin daw ito noong kasal ni Rufa Mae Quinto noong November 25, 2016.

Kuwento ni Ara, “Feeling ko kasi, at that time, parang may tension pa, parang wala lang, at di ko ine-expect na nandun siya.

“Yung pagkaka-kiss pa niya sa akin, yung pagkakabati, may tension.

“Mapi-feel mo na di pa siya ready, di kami nag-chikahan.

“Itong nagkita kami, mas kumportable na kami, so feeling ko yun ang right time talaga.”

MOVIE. Bukod sa pagiging abala niya sa seryeng Wildflower, mapapanood din sa big screen si Aiko sa pelikulang Balatkayo, kunsaan umiikot ang istorya tungkol sa sex video scandal.

Tinanong ang aktres kung ano kaya ang gagawin niya kung saka-sakaling ma-involve dito ang anak niyang si Andre na isa nang binatilyo ngayon.

“I played the role of an OFW here, 'tapos yung son ko, nasangkot sa isang sex scandal, so umuwi ako from Singapore to Manila para ayusin yung relationship ko with my son.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre masasaktan ako.

“It will break my heart, kaya constantly pinaaalala ko kay Andre, wag naman sanang mangyari sa kanya yun, wag niyang gawin.

“Masarap 'yan sa una, pag napaso siya baka pagsisihan niya for the rest of his life, so wag namang mangyari."

HOPING FOR AN AWARD. Masayang-masaya naman ang aktres sa magandang feedback ng seryeng Wildflower kunsaan mahusay niyang ginagampanan ang role niya bilang Emilia Ardiente.

Pagpapasalamat niya, “I’m very blessed. I’m very thankful..

“Sana mapansin ako this year sa award-giving bodies for Emilia para lang yung hirap ng pagiging lukaret ni Emilia ay mabigyan naman ng pagkakataon.

“I’m very blessed to be part of a very good and interesting show.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN