Nar Cabico gives advice to other gay couples: "Always choose love."

IMAGE Nerisa Almo

"After ng kasal, I'm just a ball of love ngayon. Gusto ko, lahat ng malalapit sa aking tao, maramdaman yung nararamdaman ko," says Nar Cabico about being being newly married.


Kitang-kitang masaya ang bagong kasal na singer-actor na si Nar Cabico sa ginanap na listening party para sa debut album niyang Nar Cabico: In Eksena, noong October 1.

“Mas naging mapagmahal ako,” sabi ni Nar tungkol sa pagbabagong naganap sa buhay niya matapos ang same-sex marriage nila ng long-time partner na si VJ Capule.

Ikinasal sina Nar at VJ sa Los Angeles, California, USA, noong August 19.

????????????????????????????????????????????????

A post shared by Nar Cabico (@narcab) on

Patuloy ng dating My Love From the Star actor, “Mapagmahal naman ako, pero after kong ikasal, hirap nang pumasok ang hatred sa puso ko, honestly.

“Wala, wala akong words to describe.

“I have a loving family, supportive family.

“Tanggap kami pareho.

“Noong ikinasal kami, yung mom niya ang nag-prepare ng feast for us noong gabi.

“Tapos, mahal siya ng magulang ko.

“How lucky are we?”

Umaasa si Nar na maibahagi ang kaligayahang nararamdaman sa pamamagitan ng kanyang nilikhang mga awitin.

Aniya, “After ng kasal, I'm just a ball of love ngayon.

“Gusto ko, lahat ng malalapit sa aking tao, maramdaman yung nararamdaman ko.

“I share the love to people.

“Yun lang naman ang maise-share ko, pag-ibig ko.”

A post shared by Nar Cabico (@narcab) on

“CHOOSE LOVE.” Ano naman ang maibibigay na mensahe ni Nar sa mga katulad niyang gusto ring magpakasal sa kaparehong kasarian?

“Siguro always choose love,” tugon niya.

“That includes love for yourself.

“If you love yourself, hindi ka puwedeng magpa-control sa sinasabi ng tao.

“Maikli lang ang galit, mas mahaba ang pag-ibig.

“Ang pag-ibig ay mahaba at makapangyarihan.

“It will conquer everything, hindi lang sa same-sex [relationship], pati sa lahat ng takot, lahat ng feeling neglected, lahat ng feeling nila wala silang chance to find love.

“Always choose love for yourself, for your family, for those who are always there for you.”

Hirit pa niya, “I feel like yun talaga ang solusyon sa world peace—pag-ibig!”

LONG-DISTANCE RELATIONSHIP. Nakabase sa Amerika ang partner ni Nar, ngunit dumalo ito sa launch ng album niya kagabi, kasama ang iba pa nilang malalapit na kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Nar, wala pa silang plano kung saan sila mananatili ngayong kasal na sila.

Itutuloy lang daw nila ang kani-kanilang career—si VJ bilang nurse sa Amerika at si Nar naman ay mananatiling talent ng GMA Artist Center.

Sabi ni Nar, “Titingnan ko, kasi kaka-renew ko lang sa Artist Center.

“I feel like three years is a good time.

“After that, depende sa momentum kung ano ang mangyari rito o kung may job dito that will support the lifestyle that we want, puwede ring dito kami.”

Diin pa niya, “Walang pressure, that's the best thing!”

Sa palagay ni Nar, wala ring magiging problema sa kanila ni VJ kahit long-distance ang relationship nila. Alam na raw nila kung papaano ito i-handle.

Paliwanag pa niya, “Milyun-milyon kasi ang mga tao.

“Kapag nahanap mo yung isang connection na alam mong wala nang papantay, you stick to that.

“Iisipin mo na lang na yung distance is just a greater force.

“Dahil long distance kami, I have more time for myself to create music, create a show, put up an event.

“Kasi, kung nandito siya, mahahati ang oras ko, gusto ko lagi lang akong nasa kanya.

“So, medyo nagkataon na sakto, sakto ang mga gusto namin pareho—mag-build ng careers individually.

"Hindi na namin pinuproblema yung pagseselos o walang oras sa isa't isa, kasi we're living independent lives.

“But, you know, our relationship goes beyond the distance, and it's really strong.”

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN