Nadine Lustre shrugs off pregnancy rumors: "It's funny na may mga ganung issue."

IMAGE Nadine Lustre Official on Instagram

Nadine Lustre on pregnancy rumors: "It's funny na may mga ganung issue. At least, I know kahit medyo matagal akong nawala, napag-uusapan pa rin kahit papaano. At least, may kaunti pa ring relevance."


Ipinagkibit-balikat ni Nadine Lustre ang kumalat na balita kamakailan na buntis siya, courtesy of boyfriend James Reid.

Lalo pang tumindi ang espekulasyong ito nang mag-tweet ang aktor ng mensaheng, “Today my world has changed,” na inakala ng iba ay may kaugnayan sa kundisyon ni Nadine.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa aktres nung nakaraang Lunes sa set ng It’s Showtime, positibo pa rin ang pananaw ni Nadine sa isyu dahil nangangahulugan lang daw itong relevant pa rin pala siya sa industriya at napag-uusapan pa.

Lahad niya, “It's funny na may mga ganung issue.

“At least, I know kahit medyo matagal akong nawala, napag-uusapan pa rin kahit papaano.

“At least, may kaunti pa ring relevance.”

Napag-usapan din ang Instagram story ng kapatid ni James na si Lauren Reid kunsaan dinig na dinig ang pagbibiruan ng ama ni James, si Daddy Malcolm, at ni Nadine tungkol sa pagbubuntis diumano ng aktres.

Read: Nadine Lustre and James Reid poke fun at pregnancy rumors

Tinanggi ni Nadine ang isyu at pabirong sinabi na baka si James ang buntis at di siya.

Paliwanag niya, “Naglolokohan kami, kasi nagdi-dinner kami one time, ang sabi sa akin ng Daddy ni James, 'So everybody thinks you’re pregnant.'

“Sabi ko, di ako pregnant, maybe James is pregnant.

“Nagtatatawanan lang kami, weird lang talaga siya na issue.”

HAPPY FOR JAMES' NEW BLESSING. Tungkol naman sa tweet ni James na, “Today my world has changed,” ipinaliwanag sa amin ni Nadine na may kinalaman ito sa bagong blessings na natanggap ng kasintahan.

Aniya, “It’s another blessing for James, pero di na ako yung magkukuwento.

“Hayaan na natin siya.”

DENGUE ORDEAL. Naospital kamakailan si Nadine dahil sa dengue.

Nang kumustahin namin ang health condition niya, siniguro ni Nadine na nasa mabuti na siyang kalagayan matapos nang halos tatlong linggong pagkakasakit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Nadine, “Okay na, still on and off pa rin yung fever.

“Mayroon pa rin kaunting weakness, pero I think ganun naman yata talaga ang dengue, hindi kaagad nagre-recover.

“But then again, okay na rin naman. Mataas na uli ang platelets ko.

“Di ko talaga alam na may dengue ako until after three weeks na on and off ang lagnat ko.

“Sobrang thankful ako na yung body ko sobrang lakas ng resistance.”

“Honestly, di ko alam kung saan galing.

“Puwedeng sa Sagada, puwedeng sa bahay.

“Di ko talaga alam kung saan nanggaling.

“Basta ang alam ko lang, few days simula nang bumalik kami, nag-start na siya.

“Uso rin naman kasi talaga.”

NEW PROJECTS. Masayang-masaya naman si Nadine sa mga bagong projects ni James.

Kabilang na rito ang remake ng pelikulang Pedro Penduko na gagawin ng Viva Films, at ang isa pang project kunsaan maaaring sinasabing makapareha ni James si Sarah Geronimo.

Sabi ni Nadine, “Super excited kasi it’s an action film kasi, parang kumbaga hero na siya dito sa Pilipinas.

“Sobrang saya ko na siya na yung susunod na gaganap at gustong-gusto naman niya talaga kasi nga action.

“With Sarah? Ayokong i-confirm ‘yan, pero mayroon talaga.

“But then, sila na ang bahala sa updates about that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN