Baron Geisler faces criminal charges over QC resto-bar incident

IMAGE Twitter (@wengsalvacion)

Baron Geisler is now facing unjust vexation and scandal charges after he allegedly started a commotion in a resto-bar, Monday night, October 16.


Pormal nang sinampahan ng reklamong unjust vexation at alarm and scandal ang aktor na si Baron Geisler, sa Quezon City Hall of Justice, ngayong Martes, October 17.

Ito ay kaugnay ng insidenteng nangyari nitong Lunes ng gabi, October 16, kung saan nagpakita raw ng "unruly behavior" ang 35-anyos na aktor sa isang restobar sa Tomas Morato, Quezon City.

Inamin ni Baron na nakainom siya subalit itinanggi niyang nagsimula siya ng gulo.

Inaresto ang aktor at iditena sa Kamuning Police Station.


Stories We Are Tracking

Baron Geisler arrested for allegedly causing uproar in restobar
Baron Geisler arrested for allegedly causing uproar in restobar

Base sa kopya ng formal complaint na ibinahagi ng ABS-CBN reporter na si Doland Castro, sa pamamagitan ng Twitter, ang mga complainant sa reklamo laban sa aktor ay sina Nora Quilang, general manager ng resto-bar na pinangyarihan ng insidente, at Edward Evangelista, security guard ng establisimyento.

Inaprubahan ni Assistant City Prosecutor Marizen Grutas ang paghahain ng reklamo.

Pahayag ni Grutas sa resolusyon: “There is probable cause for the filing of unjust vexation and alarm and scandal considering that respondent was actually seen by the complainant committing the acts complained of at TGIF, and intent to vex and annoy was apparent as shown in the sworn statement.”

Inatasan din si Baron na magbayad ng P4,000 bilang piyansa.

Ngunit hindi pa tiyak kung nakapagpiyansa ang kampo ng aktor dahil suspendido ang pasok sa government offices ngayong Martes dahil sa second-day transport strike.

BARON’S FAMILY APOLOGIZES. Samantala, humingi naman ng paumanhin ang nakatatandang kapatid ni Baron na si Donald Geisler III.

Pag-uusapan pa raw ng kanilang pamilya kung isasailalim si Baron sa rehabilitation for alcohol.

Taong 2011 nang sumailalim sa 90-day rehabilitation program si Baron dahil sa alcohol problem nito.

Ni-require ng Professional Artists Managers Inc. o PAMI ang pagpapa-rehab ni Baron matapos siyang ireklamo ng beteranang aktres na si Cherry Pie Picache ng pangha-harass.

Nagkasama ang dalawa sa teleserye ng ABS-CBN na Noah (2010-2011).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

READ: PEP EXCLUSIVE Baron Geisler straight from rehab: "I have no reason to mess up anymore... I know my purpose now."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN