Matteo Guidicelli denies latest rumor about girlfriend Sarah Geronimo leaving home

IMAGE Noel Orsal

Matteo Guidicelli says his relationship with girlfriend Sarah Geronimo's parents is okay: "Everything is okay. I would be honest with you guys. I don't wanna say too much but, hopefully, it's okay, everything is okay."


Pinabulaanan ni Matteo Guidicelli ang lumabas na balitang lumayas ang girlfriend niyang si Sarah Geronimo sa kanilang tahanan.

Ayon sa ulat, umalis ang 29-year-old Pop Princess dahil nagkaroon umano sila ng hidwaan ng kanyang amang si Delfin Geronimo.

“People will always talk,” pagkikibit-balikat ni Matteo nang usisain tungkol dito.

Pero totoo bang umalis sa bahay nila si Sarah?

“Hindi totoo ‘yan,” mariing pagtanggi ng 27-year-old actor-singer.

Biro pa niya, “Meron akong kanta, next week lalabas, 'Huwag Ka Nang Umuwi' ang title.” 

Narinig na ba niya ang isyu tungkol sa paglayas umano ni Sarah?

“Yes, somebody asked me in a presscon before,” sagot niya.

Hindi ito ang unang pagkakataong napabalitang umalis ng kanilang bahay si Sarah.

Noong nakaraang taon ay may lumabas ding balitang lumayas ang singer-actress sa kanilang tahanan.

Ngunit mariin itong itinanggi ng Pop Princess sa isang panayam sa kanya.

READ: Sarah Geronimo mum about rumored feud with Mommy Divine

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Matteo sa presscon ng pelikula ng Star Cinema na Ghost Bride, sa Binondo, Manila, nitong Martes, October 17.

RELATIONSHIP STATUS. Kumusta ang relasyon ni Matteo sa mga magulang ni Sarah na sina Delfin at Divine Geronimo? Alam naman ng mga sumusubaybay sa showbiz na mahigpit ang mga ito sa anak.

Sagot ng actor-athlete, “Okay naman. Okay naman... we’ll see.

"Everything is okay. I would be honest with you guys.

“I don’t wanna say too much but, hopefully, it’s okay, everything is okay.” 

Nang kumustahin naman ang relasyon nila ni Sarah, maiksing tugon ni Matteo, “It’s good. It’s good.”

Paano nila hina-handle ni Sarah ang mga isyung patungkol sa kanilang relasyon?

Tugon ng Kapamilya heartthrob, “Wala, smile ka lang. Ilabas lang sa kanta, kumbaga.”

Samantala, maraming fans ang natuwa nang may mag-upload sa social media ng larawan nina Matteo at Sarah habang nagdi-date sa isang magarbong establishment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat malayo ang kuha, hindi maikakailang sina Matteo at Sarah ang nasa larawan.

Ano ang pakiramdam na may mga fans na nakukunan silang dalawa ni Sarah habang nagdi-date at ina-upload sa social media?

Pahayag ni Matteo, “We try to have private moments, but that’s the reality kumbaga.

"You're just thankful that the supporters and people out there are supportive of our relationship.

"So it’s a nice thing, feeling that everybody is positive about it."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN