Dingdong Avanzado, Jessa Zaragoza admit jealousy almost cost them their marriage

IMAGE Instagram (@iamjessaz13)

It was not all a harmonious 16 years of marriage for Dingdong Avanzado and Jessa Zaragoza. The couple revealed in an interview that they almost separated a number of times. 


Inamin nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza na maraming beses na silang muntik maghiwalay.  

“Quite a number of times,” pagkumpirma ng male singer sa episode ng Tonight With Boy Abunda, nitong Martes, November 21.

Kuwento ni Dingdong, 49, muntik na silang maghiwalay dahil sa tagal na nilang pagsasama bilang mag-asawa at dahil sa pagseselos ni Jessa, 38.

“Medyo matagal na yung ano, e…

"I think it was a period, di ba, parang papunta sa seven-year itch."

Seven-year itch ang tawag sa pakiramdam na hindi na masaya ang pagsasama ng mag-asawa pagkatapos ng pitong taon, na nagiging dahilan minsan ng pagtataksil.

Dugtong pa ni Dingdong, “I think it was just, like, for instance, dahil selosa siya, so there were times na parang, feeling ko, ang pagseselos niya was already too much.”

Depensa naman ni Jessa, “Pero meron namang mga pagseselos na I’m sure maraming makaka-relate na mga kababaihan.

“Pag nagseselos naman ang isang babae, hindi lang ibig sabihin nai-insecure siya.

“Ibig sabihin, meron lang siyang hinahanap na kunwari assurance or dun sa taong yun na i-acknowledge ka kung ano ang posisyon mo sa [sa relasyon].”

Sundot ni Dingdong sa tinuran ng asawa, “Parang she felt di ko daw naipaparamdam sa kanya.”

Hindi raw sila magtugma noon ni Jessa.

“So we had to [sort it out]. Inisa-isa namin yun.

“But at that time, eto ako, andito siya. Hindi kami nagtutugma.

"Iba yung pag-iisip ko," at iba rin daw ang pag-iisip ni Jessa.  

Ang pagiging ispiritwal daw nila ang nagsalba sa kanilang pagsasama.

Sabi ni Dingdong, “Diyos. Because that time, I remember, our pastor became involved.”

Ikinasal sina Dingdong at Jessa noong March 2001.

Mayroon silang isang anak, si Jayda, na sumasabak na rin sa showbiz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN