James Reid denies blogger's claim about Ivan Dorschner speaking ill of Nadine Lustre

IMAGE Noel Orsal

James Reid deems his MTV Europe Music Award as launching pad for an international music career, saying, "I always hope my music will reach international and this is the start."


Itinanggi ni James Reid na pinagsalitaan ng masama ng kaibigan niyang si Ivan Dorschner ang girlfriend ng una na si Nadine Lustre.

Ito ay kaugnay ng alegasyon ng isang female blogger na narinig niya diumano si Ivan sa isang party nang ilarawan nito si Nadine bilang “controlling bitch  of a girlfriend.”


Stories We Are Tracking

Nadine Lustre, Ivan Dorschner react to blogger accusations
Nadine Lustre, Ivan Dorschner react to blogger accusations
James Reid reacts to blogger's allegation against Ivan
James Reid reacts to blogger's allegation against Ivan

Ayon kay James, naroon din sa nasabing party ang kaibigan niyang si Bret Jackson, at wala raw itong narinig na sinabing masama si Ivan tungkol kay Nadine.

“My best friend Bret was there... Bret was there the whole time.

“He said that’s impossible, that is not true.

“She’s just a fan who wants to start trouble,” sabi pa niya tungkol sa blogger na nagpakalat ng isyu.

Samantala, tiniyak naman ni James na mas maayos na ang kalagayan ni Nadine ngayon matapos dumaan sa matinding pagsubok ang kanilang pamilya nang mag-suicide ang nakakabatang kapatid ng aktres.

“She’s better,” sambit niya.
  
Banggit pa ni James, “I have a music video coming out directed by Nadine and Christian Vargas. It’s fun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si James sa studio ng ASAP noong Linggo, November 19.

GOING INTERNATIONAL. Samantala, hangad ni James na magsilbing tulay ang pagkakatanghal sa kanya bilang Best Southeast Asia Act sa 2017 MTV Europe Music Awards para ma-penetrate ang international music stage.

Pahayag ng 24-year-old actor-singer, “It was incredible, I always hope my music will reach international and this is the start.”

Nasa Pangasinan daw si James para sa show ng isang produktong iniendorso nang malamang niyang nanalo siya.

Kuwento niya, “One of the fans showed me a phone saying that I won for MTV.

“When I found out I was on the stage, it was Emperador night, so we were drinking.

“I gave a toast, I was so happy.

“I was already celebrating, yeah, dream come true.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“My goal is really to make this label kind of music reach international stage, the world stage.

“So I was so happy, this is the first step.”

Ginanap ang 2017 MTV Europe Music Awards sa London noong November 12.

Ilan sa mga nakalaban ni James sa nasabing kategorya ay sina Faizal Tahir ng Malaysia, Dam Vinh Hung ng Vietnam, Isyana Sarasvati ng Indonesia, Slot Machine ng Thailand, at ang social wildcard winner na si Palitchoke Ayanaputra ng Thailand.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN