Arjo Atayde defends mom Sylvia Sanchez amid allegations concerning firstborn daughter

IMAGE Noel Orsal

Arjo Atayde defends mom Sylvia Sanchez amid allegations concerning her firstborn daughter, Pia Marie: "She didn't mean anything wrong, she just wasn't loud about it. As I've said, whatever reason it is, whatever dramatic reason, whatever reason there is behind it, that story, that's for us."


Agad na dinepensahan ni Arjo Atayde ang ina niyang si Sylvia Sanches mula sa ilang netizens na nagpahayag ng pagkadismaya kung bakit ngayon lang daw inamin ng aktres ang tungkol sa panganay nitong anak na nagngangalang Pia Marie.

Read: Sylvia Sanchez insists she never lied about her firstborna

Ayon kay Arjo, walang kahit sinumang may karapatan na husgahan ang ina dahil kahit kailan ay hindi nito itinanggi ang tungkol sa kanyang panganay na anak.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Arjo sa nakaraang media conference ng Hanggang Saan noong nakaraang November 21 sa 14th floor ng ABS-CBN.

Lahad niya, “She’s my mom, I’ll protect her. She didn’t mean anything wrong, she just wasn’t loud about it.

“As I’ve said, whatever reason it is, whatever dramatic reason, whatever reason there is behind it, that story, that’s for us.

“I wanna leave that to my family, much respect for at least a little bit of privacy towards our personal life.

“My mom didn’t do anything wrong. That’s the personal choice of my sister.

“Whatever reason she has, I don’t want to say anything, that’s for us, I guess.”

Sa mga interviews nga ni Sylvia ay nabanggit nito na maganda ang samahan ng mga anak lalo na sina Arjo at Pia, kunsaan sila ang nagsisilbing protector ng isa't isa.

Ayon naman sa aktor, higit pa sa pagiging protector ay magkapatid kasi sila ni Pia.

Dagdag niya, “More than being each other's protectors, I guess it’s just being a brother.

“My mom never denied her, you can backread all the awards, she mentioned my sister’s name.

“It’s just that she chose to have another life, she chose to be with other people.

“I guess that’s her option, that’s her choice. Just letting her live the way she wants to live her life.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO PRESSURE IN ACTING WITH MOM. Magbibida si Arjo at ang kanyang ina sa seryeng Hanggang Saan, na masisimulan nang mapanood sa darating na November 27.

Sa ngayon ay hindi pa rin daw nagsi-sink in kay Arjo ang tungkol sa bagong serye, pero di niya maitago ang excitement para dito.

Aniya, “Di ko ma-explain kung gaano ka-excited e, kasi di ko pa nakikita.

“Sabi ko nga I’m still in disbelief, I can’t put into words what I feel right now, but I’m very blessed and thankful to ABS for giving me this opportunity, and to GMO unit for putting me and mom in one serye, for all the trust they've given us, and I’m very thankful.

“Right now I’m very happy, thankful and so excited, at the same time di pa nagsi-sink in.

“Until the first day, siguro dun pa lang.”

Sa isang interview sa ina ay nabanggit nito na higit sa pressure ng pagkakaroon ng bagong serye ay mas pressured ito na magkakasama sila uli ng anak na si Arjo sa isang proyekto.

Agad naming tinanong ang aktor kung tulad ng ina ay nakakaramdam din siya ng pressure dahil magkatrabaho sila.

Saad niya, “There’s nothing to be pressured about. We're gonna help each other no matter what.

“She’s a great actress and the pressure on us is how gonna make people believe na talagang mag-ina kami.

“I mean, nandun na naman, pero our challenge as actors is to portray our roles properly.

IN PRAISE OF SUE. Kapareha ni Arjo sa Hanggang Saan si Sue Ramirez. 

Para kay Arjo ay dream come true para sa kanya na makapareha ang aktres na para sa kanya ay isa sa artista na nilu-look forward niya talaga na makasama sa isang proyekto.

Pagpapasalamat niya, “Sobrang saya ko, it’s a dream come true for me to be able to work with her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Honestly speaking, Sue is one of the leading ladies I’ve always been looking forward to working with.

“Like I’ve said, fame does not matter to me, name does not matter to me.

“It’s the skill, it’s the way I think I learned.

“I think I'm a lousy actor, I think I still have a lot to learn, I think one thing or another, I always get to learn from her.

“One lesson, two, three, four or five, in a day kahit taping or regular taping, I got to learn something from her.

“Her emotions are there. She gives it her all. I’m so blessed.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN