Jessy Mendiola says boyfriend Luis Manzano is ready to get married; she's not

IMAGE Instagram photo of Luis Manzano

Her boyfriend Luis Manzano is ready to settle down, according to Jessy Mendiola, why is she stalling? "I want to achieve so much more before I settle down. Parang I wanna show myself, I want to prove to myself na I can achieve more," she reasons.


Aminado si Jessy Mendiola na sa kanilang dalawa ni Luis Manzano, siya ang hindi pa handa pagdating sa usaping kasalan.

“He's ready. Sobrang halatang ready siya.

"Every day, pinapa-obvious niya sa akin na, 'Ready na ako.'"

Gayunman, handa naman daw maghintay si Luis sa kanya.

“I think that's one way of showing his love for me, na he's patiently waiting.

“Every time na kukulitin niya ako, titingnan ko lang siya, alam na niya yun.

“So, I'm really thankful for him for being like that.”

Ayon kay Jessy, gusto muna niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang career at nagpapasalamat siyang naiintindihan ito ng kanyang boyfriend.

“Parang alam niya na I want to do so much more.

“I want to achieve so much more before I settle down.

“Parang I wanna show myself, I want to prove to myself na I can achieve more.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at TV Patrol si Jessy matapos ang ginanap na charity event na Star Magic Gives Back noong Sabado, December 2, sa Kidzania Manila, sa Taguig City.

SURPRISE, SURPRISE! Samantala, naging espesyal ang pagdiriwang ni Jessy ng kanyang ika-25 kaarawan kahapon, December 3, dahil nakasama niya ang kanyang British-Lebanese dad.

Ilang araw bago ang kanyang birthday, plano raw ng ina ng aktres na sorpresahin siya. Subalit nabuko sila ni Jessy.

Kuwento niya, “Sobrang nakakatawa, kasi my mom called me.

“I put my phone on speaker kasi may ginagawa ako.

"Tapos... walang nagsasalita. Sabi ko, 'Mom? Mom?'

“Walang nagsasalita, tapos may lalaki akong narinig.

"Sabi ko, 'Parang familiar yung voice na yun, ah. Papa? Papa, are you here?'

"Tawa na sila nang tawa.

"Supposedly, surprise siya, pero nabuking ko siya."

Happy birthday @senorita_jessy @luckymanzano #25 #bodybymamakat #jessymendiola

A post shared by Kat (@bodybymamakat) on

Hindi raw inakala ni Jessie na darating ang kanyang ama dahil nakabisita na ito sa bansa noong June.

Aniya, “Sobrang thankful ako, kasi my dad, ang tagal ko siyang hindi nakita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko ini-expect na pupunta siya ulit kasi nakapunta na siya, e.

“Natuwa ako. Dati kasi, he would always be so busy.

"Ngayon, he really made time for me.”

Apat na taon na hindi nagkita ang mag-ama bago ang reunion nila noong June.


Stories We Are Tracking

Carla Abellana and Geoff Eigenmann now in Las Vegas to get some R&R—not to get hitched
Carla Abellana and Geoff Eigenmann now in Las Vegas to get some R&R—not to get hitched
Luis Manzano meets Jessy Mendiola's father
Luis Manzano meets Jessy Mendiola's father

“MAGKASUNDO.” Ayon sa Kapamilya actress, "nag-panic" si Luis sa biglang pagdating ng ama ng aktres.

“Talagang sabi niya, 'Kailangang dalhin natin siya sa ganito, dalhin siya sa ganyan.'

"Sabi ko, 'Kalma. Okay lang, hanggang 17 pa siya.'

“He can't stay until Christmas, he's staying until the 17th.

“I think he just surprised me for my birthday. Ginulat lang niya ako.”

Lahad pa ni Jessy, magkasundo si Luis at ang kanyang ama, lalo na sa pagdyu-joke.

“Kasi yung dad ko is sobrang joker din.

"Kapag nagkikita silang dalawa, wala na silang ginawa kundi mag-joke.”

Isa nga sa mga biro sa kanya ng ama ay ang pag-aasawa.

Kuwento ni Jessy, “Niloloko na nga nila ako. My dad kasi is a believer...

"'Oh, you're turning 25. Do you know the Lebanese way? They get married at 25.'

“Bigla akong nagulat. Sabi ko, 'Wait, no. I have so much to do!'

“Tapos si Luis yung parang... Doon sila nagkakasundo, sa humor ng isa't isa."

Sa hiwalay na panayam kay Luis kamakailan, sinabi niyang ang mga bagay tulad ng pagpapakasal ay hindi dapat minamadali.

Aniya, “Ayaw naming pilitin. It’s better kaysa pinipilit ang mga bagay-bagay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN