Jasmine Curtis-Smith admits depression over anorexia accusations

IMAGE Noel Orsal

Jasmine Curtis-Smith to bashers: "Na-hurt ako dun sa tingin ninyo nagpapaka-anorexic ako. Do you know what anorexia is? Do you know how serious the condition that is to be calling someone anorexic? Do you know the impact of your comments or sayings towards receiving it?"


Naging emosyunal at hindi napigilang maiyak ni Jasmine Curtis-Smith nang tanungin tungkol sa pamba-bash na tinatanggap niya kaugnay ng malaking ibinawas ng kanyang timbang.

May ilang tumawag sa kanyang “anorexic” at “malnourished,” na labis palang dinamdam at nagbigay ng depresyon sa aktres.

Pahayag ni Jasmine, “I just want to share my opinion as a mental health advocate.

“It affected me, it gave me anxiety, it made me so depressed that people calling me out like that.

“It is so hurtful that people don’t understand na kaming mga nasa industriya, tinatanggap naman namin lahat.

“Huwag n'yo lang kaming pangaralan, as if hindi naman kami pinaparangalan ng mga manager namin, ng family namin.”

Patuloy ng 23-year-old actress, “Sorry, sensitive topic for me...

"I’ve never been humiliated by my weight, shamed by my weight, because di kayo happy na payat ako.

“Hindi lang… it was like, ‘Oh, my gosh, napakapangit ko palang tao dahil payat ako!’ or ‘Oh, my gosh, napakasama ko palang tao dahil di ninyo gusto ang hitsura ko!’

“Ganun na pala tayo sa society ngayon, wala nang love.

"People think you just want to be praised or masabihan ka ng maganda, no, it’s not that.

“Kaunting respeto naman kasi sine-share ko naman ang buhay ko sa inyo, not because it’s my obligation, not because I owe it to you guys, but because I want to, but because happy ako, di ba?”

Bakit sa lahat ng isyung naipukol sa kanya ay itong isyu ng extreme weight loss ang sobrang nakaapekto o nakasakit sa loob niya?

Paliwanag ni Jasmine, “Personal na siya and it’s about my weight.

“And ako kasi, pagdating sa timbang ng tao, huwag mong i-discriminate.

“Wala ‘yan sa timbang, wala ‘yan sa hitsura, nasa kalusugan ‘yan ng tao.

“Ako naman, lagi akong nagtatanong, ‘Okay ba ang katawan ko?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaming nasa spotlight as celebrities, napakalaki ng pressure na naibibigay sa amin na maging ganito ang korte ng katawan.

“‘Ang pangit, wala siyang shape! Ay, diretso ang katawan! Ay, may taba dito.’

“Gosh, ano pa ba, heto na nga payat na nga ako, sa’n pa ba ako lulugar?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Jasmine sa presscon ng 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Siargao, na ginanap sa STKD Zeppelin, sa Pasig City, noong December 13.

ANSWERING BASHERS. Nagsimulang punahin ng netizens si Jasmine dahil sa kanyang pagpayat nang mag-post siya ng picture na naka-bathing suit sa isang swimming pool.

Kuha ito habang nagbabakasyon sila ng kapatid na si Anne Curtis sa Los Angeles, California, noong Oktubre ng taong kasalukuyan.

Sunday break ???? #lostANNEgeles #JCSTrips #TravelWithAccess #Deserve

A post shared by Jasmine (@jascurtissmith) on

Dito ay hindi napigilan ni Jasmine na sumagot sa ilang netizens na pumuna at nagkomento sa kanyang pagpayat.

Saad niya, “It’s a matter of ano lang naman, people feel like they are so entitled to call out the way you look dahil hindi nila gusto.

“Sumagot na ako ‘coz nababastusan na ako sa paraan ng pagsasabi.

“Naiintindihan ko naman, kaya nga sumagot na ako na sabi ko, ‘I understand where you guys are coming from…’

“To be honest, nalungkot lang ako, ang daming vicious magsalita.

“Parang nawawalan na tayo ng respeto sa isa’t isa, na porke’t madali nang mag-share ng comment or mag-express ng opinion, basta na lang ba natin bibitawan online?

“Kaunting ano lang naman, kaunting alaga sa sarili.

“Kasi ugali mo rin ang ipinapakita mo pag nagko-comment ka ng hindi maganda.”

Ayon pa kay Jasmine, “For those naman na nag-comment na parang nagulat lang or whatever, I didn’t mind it.

“It’s more of those people na nagsabing magpa-checkup ka sa doktor or concerned lang daw sila.

“My family themselves will tell me if I am underweight, my family themselves will bring me to a doctor if they are worried, my manager herself will tell me if I’m too underweight.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman ako yung obsessed magpapayat, obsessed magka-abs. I’m not that kind of person.

“Hindi ako obsessed sa diet, wala sa akin yun.

“Na-hurt ako dun sa tingin ninyo nagpapaka-anorexic ako.

“Do you know what anorexia is? Do you know how serious the condition that is to be calling someone anorexic?

“Do you know the impact of your comments or sayings towards receiving it?

“May mga tao na hindi naman ganun kalakas ang loob, pero nagtatrabaho pa rin kasi gusto nila ang trabaho nila.

“Hindi naman ibig sabihin nun nasa public image na kami, kailangan lahat tanggapin na lang namin.

“There are times you have to put people in place.”

WEIGHT LOSS. Ibinahagi rin ni Jasmine ang mga rason na sa palagay niya ay naging dahilan kung bakit siya nagkaroon ng extreme weight loss.

“Siguro na-excite lang ako this year, ang daming nangyayari with my family.

“Nakita n’yo po naman na kahit anong grabeng kagasgas namin sa trabaho, hindi naman ako pumapayat, di ba?

“Pumayat ako because it’s a personal matter to me. And ako, I want to make sure everything is perfect for my family.

“Na-hurt ako na ang kapalit pala nun, e, ganun.

“Hindi kasi ako mabiyaheng tao, hilig kong mag-travel, pero hindi ako mabiyahe.

“This year, ang dami kong biniyahe. Pabalik-balik sa Australia, sa LA, so nabigla ang katawan ko, I guess.”

Nilinaw rin ni Jasmine na hindi siya nagda-diet at walang dapat ipag-alala ang ibang tao sa pagbawas ng kanyang timbang.

Aniya, “Wala akong diet, I eat rice, I eat potatoes, pasta.

“Nangarag lang this year in a personal environment.

“Happy na ako sa weight ko... ano lang, educating people.

“It’s not fair, hindi okay, hindi tama na basta-basta mo na lang bibitwan ang salitang anorexia, anorexic or malnourished.

"Kita n’yo ba ang mga bata sa lansangan na walang kinakain, yung mga bata sa Africa? ‘Yan ang malnourished."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila ng lahat ay matapang namang hinaharap ni Jasmine ang mga namba-bash sa kanya. Patunay nga nito ay wala siyang bina-block na sinuman sa bashers niya.

“Blocked? Wala.

“Sinagot? One time, like, ‘Ano ba, huwag kayong mag-worry, healthy ako.’

“It was taken out of context, it was put on the wrong light.

“After nun, hindi na ako sumagot. Kasi walang point, e, walang point pag sumagot ka.

“Titingnan nila nang masama or ilalagay nila sa lugar na wala ka namang inisip na ganun, di ba? Wala ka nang magawa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN