Beauty Gonzalez shuts down John Lloyd Cruz-Ellen Adarna wedding reports: "Wala pong kasal."

IMAGE Instagram @maria.elena.adarna/Noel Orsal

Beauty Gonzalez (right) dismisses earlier reports saying that preparations are already underway for the upcoming wedding of John Lloyd Cruz and Ellen Adarna (left): "Di po sila ikakasal, wala pong kasal. I don't need to clarify, 'coz I know if they're gonna get married, they're gonna call us."


Agad na pinabulaan ni Beauty Gonzales ang balitang ikakasal na raw sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz.

Si Beauty ay malapit na kaibigan ng magkasintahan.

Ito ay salungat sa naunang ibinalita ng veteran columnist/talent manager na si Lolit Solis sa kanyang Instagram account noong January 5 na may mga preparasyon nang ginaganap para sa isang beach wedding sa Cebu.

May taga Cebu na nagsabi sa akin nag-contact na daw caterer at florist para sa kasal ni John Lloyd Cuz at Ellen Adarna sa isang beach resort sa Cebu at mangyayari daw ito last week or either early February , kaya pala dun na sa Cebu kapiling pamilya ni Ellen nag christmas at New Year si John Lloyd. Among major sponsor daw Dr. Cuanang ng St Luke's at dating secretary na si Bert Romulo , tatay ni Roman at Mons. Bongga , sarap isipin na sa kasalan hahantong ang relasyong John Lloyd at Ellen . So happy na talagang gagawin nila legal ang kanilang love , bongga talaga Salve A. dahil di ba kahit ano pa sabihin nila , na parang walang paki sa paligid niya si Ellen naniniwala pala siya sa kasal. Nasa edad na si Lloydie at siguro nga ito na ang tamang panahon para sa kanya , hayy happy love news for us especially di mo aakalain na dito hahantong ang relasyon ng dalawa, best wishes and we wish you well talaga. #instatalk #lolitkulit #70naako #jolit #pilipinostarngayon #pangmasa #instascoop

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Read: John Lloyd Cruz and Ellen Adarna start wedding prep, says Lolit Solis

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Beauty sa nakaraang farewell/thanksgiving presscon ng Pusog Ligaw kagabi, January 6, sa 9501 restaurant sa ELJ building sa ABS-CBN, madiing klinaro ng aktres na walang katotohanan ang lumabas na balita.

Sabi niya, “Di po sila ikakasal, wala pong kasal.

“I don’t need to clarify, 'coz I know if they're gonna get married, they're gonna call us.

“They're gonna tell their friends. Si Joem [Bascon], close sila ni Idan [John Lloyd].

“Ako close ako ni Ellen.

“Alam ko naman sasabihan nila kami, bakit ako tatawag?

“Sabihin pa niya sa akin may anu-anong tumatakbo sa utak ko.

“Sabihin pa nun sa akin, 'Oy, magpahinga ka na, masyado ka nang nagtatrabaho diyan, kung anu-ano ang iniisip mo. Kuwento-kuwento lang yun.'”

HAPPY FOR ELLEN AND LLOYDIE. Sa kabila ng kontrobersiya kina Ellen at John Lloyd, masaya si Beauty sa nakikita niyang kaligayahang natagpuan ng dalawa sa isa’t isa.

Kamakailan nga ay nag-post si Ellen sa kanyang Instagram ng larawan ng kanyang buong pamilya at kasama na rito si John Lloyd.

Lahad niya, “Oo naman, happy ako para sa kanila.

“Deserve nila na maging masaya, deserve mo ring maging masaya, deserve ko rin na maging masaya.

“Kailangan maging masaya tayo, and let’s be kind to everyone.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN