Claudine Barretto, Mark Anthony Fernandez reunite; are they doing a movie together?

IMAGE Instagram photo of Claudine Barretto

Mark Anthony Fernandez and Claudine Barretto reunite at Viva Entertainment office. Together with them are Viva big boss Vic del Rosario (second from left) and his children Vincent del Rosario and Veronique del Rosario-Corpus.


Magkakaroon ba ng proyektong magkasama ang dating magkasintahang Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez?

Ito ang naging tanong ng karamihan ng followers ng aktres nang mag-post siya ng larawan kasama ang aktor ngayong Miyerkules ng gabi, January 10.

Kasama nila sa larawan ang big boss ng Viva Entertainment Group na si "Boss" Vic del Rosario Jr. at ang mga anak ni Boss Vic na sina Vincent del Rosario at Veronique del Rosario-Corpuz.

Si Vincent ang kasalukuyang president at chief operating officer ng Viva Group of Companies.

Samantala, si Veronique naman ang namamahala sa Viva Artists Agency, na siyang may hawak sa showbiz career ni Claudine ngayon.

Walang anumang sinabi si Claudine sa muling pagkikita nila ni Mark.

Ang tanging caption niya sa kanilang group photo ay: “So happy for you Mark.”

So happy for you Mark!????

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on

Bukod sa larawan, nag-post din si Claudine ng isang video kung saang makikitang masayang nagkukuwento si Mark sa mga boss ng Viva Entertainment.


Hudyat na kaya ito ng pagbabalik sa pag-arte ni Mark Anthony?

Isang taon ding hindi nakagawa ng proyekto ang anak ng sexy actress na si Alma Moreno at yumaong action star na si Rudy Fernandez dahil nahulihan ito ng isang kilong marijuana sa Angeles, Pampanga, noong October 2016.


Stories We Are Tracking

Mark Anthony Fernandez arrested for illegal drugs
Mark Anthony Fernandez arrested for illegal drugs

Nakalabas ng Angeles City Jail si Mark nito lamang December 22, 2017 dahil, ayon sa source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), na-dismiss ang kasong transportation of illegal drugs na isinampa laban sa kanya.

Ang reklamong misdemeanor na lamang daw ang naiwan.

Read: Mark Anthony Fernandez, nakalaya na!

Huling nagkasama sa isang proyekto ang dating magkasintahan sa self-titled drama anthology noon ni Claudine sa GMA-7.

Samantala, ginawa naman nila ang mga pelikulang Pare Ko (1995) at Mangarap Ka (1996) noong magkasintahan pa sila.


Stories We Are Tracking

Ex-lovers Claudine Barretto and Mark Anthony Fernandez reunite as friends after 15 years
Ex-lovers Claudine Barretto and Mark Anthony Fernandez reunite as friends after 15 years
Claudine Barretto and Mark Anthony Fernandez reunite in GMA-7’s anthology show
Claudine Barretto and Mark Anthony Fernandez reunite in GMA-7’s anthology show


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN