Jodi Sta. Maria thankful to son Thirdy's "second mom" Iwa Moto

IMAGE Instagram (@iam_iwa)

Jodi Sta. Maria is thankful to son Thirdy's "second mom" Iwa Moto: "Hindi man nag-work out yung sa amin ng daddy niya, pero yung little family namin, yung blended family namin, di ba parang mas dumami pa yung mga taong nagmamahal sa kanya?"


Ang nag-iisang anak ni Jodi Sta. Maria na si Thirdy Lacson ang isa sa mga dahilan kung bakit pinangarap at ginusto ni Jodi na balikan ang kanyang pag-aral.

Kasalukuyang naka-enrol si Jodi sa Southville International School and Colleges kung saan tinatapos niya ang kanyang BS Psychology course.

Ipinaliwanag ni Jodi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung bakit pursigido siyang tapusin ang kanyang napiling kurso.

Lahad niya, “Oo naman, kasi kumbaga, kahit paano, yung anak ko rin talaga ang nagiging inspirasyon ko.

“Siyempre as a mother, I want be able to be his example.

“Ayoko naman na dumating din yung panahon na if I tell him, ‘Kailangan mag-aral, mag-aral ka,’ I myself parang hindi man lang ako nakapagtapos.

“So, siyempre ang hirap mag-preach about something na talaga namang hindi mo ginagawa.”

Nakapanayam si Jodi ng PEP matapos ang presscon proper ng bago niyang serye, ang Sana Dalawa Ang Puso Ko na team-up reunion nila ni Richard Yap sa telebisyon, under Star Creatives.

Ito rin ang first time na makakasama ng dalawa si Robin Padilla.

Ginanap ang prescon nitong nakaraang Sabado ng gabi, January 13, sa 9501 Resto, ELJ Bldg, Kapamilya network compound.

THIRDY'S “EXTENDED FAMILY.” Isa sa mga ikinatutuwa ni Jodi ngayon ay ang magandang samahan ng kanyang anak at ni Iwa Moto, ang current girlfriend ng kanyang ex-husband na si Pampi Lacson.

Hindi lingid sa kaalaman ng mga showbiz fans na nasangkot sa kontrobersiya sina Jodi at Iwa noon.

Noong 2013 lang nag-reconcile sina Jodi at Iwa nang mag-reach out si Jodi kay Iwa matapos nitong isilang ang kanilang anak ni Pampi na si Mimi.

Mula noon ay nanatili nang close friends sina Jodi at Iwa.

Sa katunayan, last year ay matatandaang nag-celebrate ng graduation si Thirdy sa isang restaurant kunsaan magkakasama sina Jodi, Pampi, Iwa at Mimi.

Base sa larawang naka-post sa Instagram ni Jodi, makikitang napakasaya niya noong mga sandaling iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masayang pag-alala ng aktres, “Last year yun, it was his graduation and parang moving up day.

“Pero siyempre, you know I’m very happy na parang si Thirdy, no matter how busy he is sa school, he really puts a premium on his studies.”

Nang mabanggit kay Jodi ang tungkol sa mga posts ni Iwa Moto na nagpapakita ng pagmamahal at pagtrato kay Thirdy na para na rin niyang sariling anak, napangiti at masayang nag-comment si Jodi.

Pagpapasalamat niya, “Oo, I’m very happy din sa relationship nila.

“And I’m very thankful din dun sa friendship namin ni Aileen [Iwa's real name] at nagpapasalamat ako kasi si Aileen din yung parang tumatayong pangalawang ina ni Thirdy pag nandun siya sa daddy niya.

“And of course, doon sa nag-blossom na friendship namin.”

UNEXPECTED FRIENDSHIP. Marami ang natuwa at na-inspire sa Instagram post ni Iwa ng mga photos na magkakasama sila nina Jodi, ang boyfriend nitong si Jolo Revilla, Pampi at ang kani-kanilang mga anak sa bakasyon nila sa Singapore noong nakaraang taon.

Bukod dito, nag-post din si Iwa ng bonding photos nila ni Jodi habang nagwu-workout.

Ito rin ang pinost ng ABS-CBN premium actress sa kanyang wall na nagpapasalamat sa moment nilang dalawa.

Malaya na ngang ipinapakita nina Jodi at Iwa ang kanilang pagkakaibigan sa netizens.

“It all started a few years back when she had just given birth to Mimi,” pahayag ni Jodi sa kung paano sila nagsimulang maging magkaibigan ni Iwa.

“And ayun, I reached out to her and congratulated her for their new baby, and I just sent a little something din.”

Tila talagang panatag ang loob ni Jodi pag si Thirdy ay nasa poder nina Iwa.

Mabilis na sagot ng Emmy Award nominee para sa pagganap niya sa nagwakas nang serye na Pangako Sa 'Yo, “Alam mo, siguro there’s no greater feeling na malaman mo na yung anak mo, minamahal siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Natutuwa ako na parang… yun nga ang sinasabi namin kay Thirdy.

“Hindi man nag-work out yung sa amin ng daddy niya, pero yung little family namin, yung blended family namin, di ba parang mas dumami pa yung mga taong nagmamahal sa kanya?”

THANKFUL FOR BLESSINGS. Base sa takbo ng buhay ni Jodi, isa siya sa mga Kapamilya stars na may maayos na pamumuhay at blessed sa dami ng mga magagandang kaganapan sa buhay nito.

Tinanong namin si Jodi kung ano ang assessment niya sa mga nangyari sa kanyang career at personal na buhay noong nakaraang taon.

Tugon niya, “Ako, masasabi ko lang na parang every year din naman din has been good and the Lord has been good to me and to my family.

“Ang masasabi ko lang, hindi man naging madali yung journey ng life, pero ano ba talaga ang madali, di ba?

“Kumbaga, may mga times din naman talaga na we go through troubles and hardships, and at the end of the day, what we go through, it will always be for the good.

“Because you know, we all know that the Lord is with us.”

APPRECIATION AND GRATITUDE. Paano nagawa ni Jodi na umabot siya sa puntong ang aayos-ayos ng buhay niya, mapa-career man at sa kanyang personal life?

Pahayag niya, “Siguro ang masasabi ko, hindi naman na ako bumabata.

“I mean, I’m turning 36 years old. 

“Habang nagkakaroon ka ng edad, habang nagma-mature ka, parang ang gusto mo, parang mas simple at payapa yung buhay mo.

“At yun nga yung nagiging goal mo, hindi lang yung parang acquisition na sabihin mo na mas
maraming ganito or mas maraming ganyan.

“It’s really appreciating what you have and who you have in your life.

“Kung hindi mo naman ma-appreciate yung mga bagay na yun ngayon, paaano ka nakakasigurado kung mas more yung dumating at ma-appreciate mo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, it’s really about appreciation and gratitude.”

PROJECTS. Samantala, sinasabi na ng Star Creatives na walang time element kung kailan matatapos ang Sana Dalawa Ang Puso Ko.

Noong panahong busy si Jodi sa Be Careful with my Heart, wala siyang ibang ginawang pelikula habang umeere ang nasabing daytime soap nila ni Richard mula 2012 hanggang 2014.

Nakagawa lang ng movie si Jodi noong mga huling episodes na ng serye, ang horror-suspense na Maria Leonora Teresa opposite Zanjoe Marudo at Iza Calzado.

Tatanggap ba siya ng movie project habang ginagawa niya ang Sana Dalawa ang Puso Ko?

Sagot ni Jodi, “About the movie, I really don’t know kung may mai-offer ang Star Creatives, di ba?

“Kahit paano, nandoon din naman talaga yung decision ng management.

“And hindi naman sa hindi natin binibigyan ng halaga yun, pero importante rin na makita natin yung proyekto.

“Pag maganda naman, bakit naman hindi?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN