Kris Aquino calls out James Deakin for using her as "shield" in Bongbong Marcos controversy

IMAGE Screengrab from The Kris List

Kris Aquino explains her reaction to James Deakin's post: "'Unprofessionalism' is unacceptable to me."


Pinuna ni Kris Aquino ang motoring journalist na si James Deakin dahil sa pag-post nito ng dating interview sa TV host-actress para sa isang endorsement.


Ito ay ginawa ng CNN Philippines anchor nang maging tampulan siya ng batikos dahil sa kanyang panayam sa dating senador at natalong vice-presidential candidate na si Bongbong Marcos.


Nauna nang nilinaw ni Deakin na ang larawan niya kasama si Marcos, pati na sina Brandon Vera at Jun Falafox, ay para sa vlog niyang “How do you solve a problem like Manila.”

Iginiit din nito sa kanyang Facebook post kahapon, January 21, na parte lamang ito ng trabaho niya bilang journalist.

Pahayag ni Deakin: “So for the record, I’m not a BBM defender. Nor am I a detractor.

"I’m a transport journalist and road safety advocate that is passionate about finding solutions to this traffic crisis we are all going through.

“And that requires having conversations and interviews with a whole range of people.

“Not just people that I like or who agree with me.

“And that is the very least you should expect from an objective journalist.”

Gayunman, hindi pa rin pinalampas ni Kris ang pagkakadawit ng pangalan niya sa isyu.

Sa kanyang Instagram account kagabi, sinabi ni Kris na tila nagamit siya bilang “shield” ni Deakin sa gitna ng kontrobersiya.

Aniya, “[A] Road Safety Enthusiast and Influencer had to drag me as a 'shield' when he got some unwanted reactions because of a picture that had been posted to drum up some noise for an upcoming vlog.”

Kaugnay nito, isang blog din ang inilabas ni Kris para ihayag ang kanyang pagkadismaya sa ginawa ni Deakin.

Sabi ng 46-year-old celebrity, “Let’s be HONEST. We were both hired by Petron to do a webisode for them. NAGTRABAHO TAYO. BINAYARAN TAYO.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You were informative & very good for on cam conversation... Now i understand the need to 'explain' yourself but really? You’ll use 5’3 me as a 'shield'?

Paglilinaw pa ni Kris, "I am a celebrity with a political last name- but up until today i haven’t entered the political arena."

Noon pa man ay kilalang magkatunggali sa pulitika ang mga pamilyang Aquino at Marcos.

Si Kris ay bunsong anak ng pinaslang na si Senator Benigno "Ninoy" Aquino, Jr. at dating Pangulo Corazon C. Aquino.

Nakatatandang kapatid niya si dating Pangulo Benigno "Noynoy" Aquino III.

Si Bongbong naman ay anak ng dating diktador na si ex-President Ferdinand Marcos at kasalukuyang representative ng Ilocos Norte na si Imelda Marcos.

Nakatatandang kapatid niya ang kasalukuyang governor ng Ilocos Norte na si Imee Marcos.

Noong panahon ng martial law, sa ilalim ng rehimeng Marcos, nakulong si Ninoy Aquino. Ang pagkakapaslang kay Ninoy ay inilalatag ng pamilya sa paaan ni Marcos.


Hindi raw napigilan ni Kris ang mag-react sa ginawa ni James dahil, “'Unprofessionalism' is unacceptable to me.”

Aniya pa, “PROFESSIONALISM means you show up, you woman (or man) up, you give them their millions’ worth, and you have the wisdom to separate whatever divisive political views you may have from your endorsements or brand partners. That is simply RESPECT.”


JAMES DEAKIN APOLOGIZES. Hindi naman nagtagal ay nagkapaliwanagan din sina Kris at Deakin.

Sa pamamagitan ng Kapamilya TV host na si Luis Manzano, nakausap ng transport journalist si Kris para humingi ng paumanhin.

Ipinost ni Kris ang ilang screenshots ng kanilang pag-uusap kung saan sinabi ni Deakin, “I see in hindsight now I shouldn't have gone there and for that I am truly sorry.

“You've been nothing but gracious with me.

“And you don't deserve to be dragged into this mess.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I do hope you can accept my apology.”

Tinanggap naman ni Kris ang paumanhin ni James.

Sabi pa niya sa caption ng kanyang post, “James Deakin, i sincerely appreciate the humble gesture to reach out, apologize & clear the air quickly.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN