Robin Padilla says nephew Mark Anthony Fernandez didn't ask for his help to get out of jail

IMAGE Noel Orsal

Robin Padilla's message to nephew Mark Anthony Fernandez: "Naniniwala naman ako na lahat tayo nakadanas ng piitan. Tito Rommel mo nga na-maximum. Ako, sa medium security lang. E, dapat yung mga natutunan natin diyan sa bilibid, huwag natin makalimutan."


Ayon kay Robin Padilla, hindi humingi ng anumang tulong sa kanya ang pamangking si Mark Anthony Fernandez upang makalaya ito.

Ito ay sa kabila ng kilalang pagiging malapit ni Robin kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinsan ni Robin si Rudy Fernandez, ang yumaong ama ni Mark.

Pahayag ng 48-year-old actor, “Natutuwa ako. Hanga ako sa pamangkin ko.

“Hindi humingi ng tulong sa akin ‘yan. Wala ‘tong nagsabi na, 'Tulungan mo ako, Tito Robin.'”

Minsan lang daw nabisita ni Robin si Mark noong kasagsagan ng pagkaaresto ng huli sa Pampanga.

“Nung pinuntahan ko siya doon, nag-usap kami.

“Hindi ako nakapasok kasi ang daming press. Nag-usap lang kami.”

October 3, 2016 nang mahuli ng awtoridad si Mark Anthony na may dalang isang kilong marijuana habang sakay ng kanyang sports car sa Angeles, Pampanga.

Nakulong si Mark nang mahigit isang taon hanggang siya ay makalaya bago mag-Pasko ng nagdaang taon.

Walang nagawang tulong si Robin sa paglaya ng 39-anyos na pamangkin. 

Noong December 2017, naiulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na lumaya na rin si Mark mula sa Angeles City Jail sa San Fernando, Pampanga.

Naiulat din sa PEP ang pagbasura sa kasong transportation of illegal drugs na isinampa laban sa aktor.

Nakasaad sa ulat na "misdemeanor" ang natitirang kasong kinahaharap ni Mark.

Mensahe ngayon ni Robin kay Mark, “Magpasalamat ka at buhay ka. Yun, nakalabas siya.

“Pamangkin, unang-unang masaya diyan, tatay mo. Pangalawa, kami.

“Naniniwala naman ako na lahat tayo nakadanas ng piitan.”

Tinutukoy ni Robin ang pagkabilanggo niya ng dalawang taon sa New Bilibid Prison (NBP) dahil sa kasong illegal possession of firearms.

Ang kapatid naman ni Robin na si Rommel Padilla, 52, ay walong buwang nabilanggo sa NBP dahil sa hiwalay na kasong illegal possession of firearms.

Ang NBP ay mayroong maximum at medium security compound para sa inmates.

Patuloy ni Robin, “Tito Rommel mo nga na-maximum. Ako, sa medium security lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, dapat yung mga natutunan natin diyan sa bilibid, huwag natin makalimutan.”


Sabay na humarap sina Robin at Rommel sa presscon ng iniendorso nilang Bravo food supplement, na ginanap sa Black Mamba building sa West Avenue, Quezon City, ngayong Martes, January 30.

Dito ay nagbigay rin ng mensahe si Rommel para kay Mark.

Aniya, “Hindi ako nawawalan ng pag-asa na yung tuluy-tuloy na pagbabago e nandiyan sa ‘yo.

“Alam kong mahalaga sa ‘yo ang mga bilin ni Kuya Rudy.

“Andito kami, anak.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN