Angel Locsin willing to work with Bela Padilla: "Wala akong issue sa kanya."

IMAGE Noel Orsal / Mark Atienza

Angel Locsin on the possibility of working with Bela Padilla, who is the former girlfriend of Neil Arce, Angel's current boyfriend: "Ako naman sinasabi ko ever since, wala akong issue, wala akong problema talaga. Magaling na artista si Bela at alam ko mahusay makisama din."


Bilang patunay na walang isyu sa pagitan nina Angel Locsin at Bela Padilla, kinumpirma ni Angel na dapat pala ay dadalo siya talaga sa nakaraang premiere ng pelikulang Meet Me in St. Gallen noong nakaraang Martes, February 6, pero hindi nga lang siya nakarating dahil sa traffic.

Read: Bela Padilla to invite Angel Locsin, Neil Arce to Meet Me in St. Gallen premiere night

Ayon sa aktres, ang nag-imbita sa kanya ay si Direk Joyce Bernal, isa sa producer ng Spring Films, at si Bela mismo.

Pagkumpirma niya, “Yeah, nag-text siya [Bela] sa akin, even si Direk Joyce.

“Kaya lang kasama ko naman ang family ko, pero dapat hahabol talaga ako nung time na yun.

“Pero dahil sa traffic, di na ako nakahabol.

“Nandun pa rin naman ang suporta ko para sa kanila.”

Dahil sa nangyaring ito, nangangahulugan kayang willing si Angel na makipagkaibigan kay Bela kahit na ex nito ang boyfriend niyang si Neil Arce?

“Alam mo, walang masamang tinapay si Bella, e.

“Wala siyang ginawang masama sa akin.

“Wala akong issue sa kanya,” diin ni Angel.

Dahil pareho silang nasa bakuran ng ABS-CBN at Star Cinema, hindi imposibleng magkasama sa isang proyekto sina Angel at Bela.

Ang concern lang daw ni Angel ay tiyak na lalagyan ng issue ang pagtatrabaho nila, at ayaw daw niya itong mangyari kung sakali.

Muli niyang iginiit, “Ako naman sinasabi ko ever since, wala akong issue, wala akong problema talaga.

“Magaling na artista si Bela at alam ko mahusay makisama din.

“Why not? Kaya lang naiisip ko, wag lang malagyan ng isyu.

“Baka imbes na mapansin yung proyekto, imbes na happy set, baka magkaroon ng issues.”

Kuwento pa ni Angel, impressed at nagagalingan din siya sa talento ni Bela bilang manunulat.

Nabasa pala niya ang script para sa pelikulang Last Night na pinagbidahan nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag-amin ni Angel, “Na-impress ako kay Bela.

“Una kong nakita, first draft pa lang niya dun sa movie nila Toni and Piolo, una kong nabasa yung script nun.

“'Tapos, may script pa na nabasa ko na gagawin dapat ni Bea [Alonzo] yata, kaya sinubmit ko sa Star Cinema. 'Ito kailangan ninyo itong gawin na pelikula kasi sobrang talented talaga.'

ACTING CITATION. Si Angel ay isa sa mga pinagkalooban ng pagkilala sa katatapos lang na FDCP Film Ambassadors Night 2018 nitong nakaraang Biyernes, February 9, sa Sampaguita Gardens, Valencia St., Quezon City.

Pinarangalan siya dahil sa pagkapanalo niya bilang Best Supporting Actress sa isang award-giving body sa Cambodia para sa pelikulang Everything About Her.

Masaya at proud si Angel na nahilera siya sa mga kasama sa industriya na nagbigay ng karangalan sa bansa.

Aniya, “I'm very honored.

“Nakita ko lang kanina sila Sylvia [Sanchez], Iza [Calzado], mga magagaling na mga artista ang nandirito, parang nakakataba ng puso.

“Yung ganitong klaseng award, di ito yung parang siniksik mo ang sarili mo.

“Mabigyan ka ng pansin na maimbitahan ka rito, parang bunga ito sa lahat ng paghihirap.mo.

“I'm very honored and thankful.

“May mga natanggap ako from my peers before like sa FAMAS, pero ito kasi international ang nire-recognize nila.

“Di ko ine-expecr na sa Everything About Her, mabibigyan ako ng ganitong klaseng recognition.

“Akala ko nga sa Emmy's pa, sabi ko matagal na yun pero ito pala yung sa Cambodia."

Isang pelikula at serye pala ang nakalinyang gawin ni Angel ngayong 2018.

Pahabol niya, “Ito, may inaayos kaming movie and teleserye.

“Katatapos ko lang mag-contract signing."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN