Garie Concepcion has no issues with boyfriend Michael Pangilinan's past controversies

IMAGE Instagram

Garie Concepcion asserts that she has no issues with boyfriend Michael Pangilinan's past controversies: "Past na po niya yun, e. Basta wala siyang gawing kalokohan while we are together, then we're okey."


Magdadalawang taon nang magkasintahan sina Garie Concepcion at Michael Pangilinan.

Ayon sa actress-singer, “Very quiet lang po kami, pero magtu-two years na po kami.

“Siya unang nag-out kay Tito Boy Abunda. Hindi ko alam.

“Sabi niya lang, 'Manood ka, masaya yung show niya.'”

Unang inamin ni Michael ang relasyon nila ni Garie sa Tonight With Boy Abunda noong May 2016.

Read: Michael Pangilinan admits relationship with Garrie Concepcion

Ikinuwento ni Garie kung paano nagsimula ang romantic connection nila ng singer.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Garie sa taping ng La Luna Sangre, sa Plaza Ibarra, Timog Ave., Q.C. noong nakaraang linggo.

Pagbabalik-tanaw niya, “Nag-meet po kami nung umuwi po ako for the holidays.

“Si Tito Jobert [Sucaldito, manager ni Michael], kinausap niya si Mommy kung puwede akong mag-guest sa show ni Michael after po nung Your Face Sounds Familiar, sa Music Museum po.

“Dapat po paalis po ako nun. Nakiusap lang po sila Nanay Jobert, pinagbigyan ko naman si Nanay.

“So, yun po, nag-meet po kami nung rehearsals 'tapos nag-show na po kami.

“And then, umalis na po ako nun for the States.

“Pero we got to know each other, and then nagkasundo lang po kami talaga.

“Nung pagbalik ko dito, saka lang po kami naging official.”

Ang ina ni Garie ay ang negosyanteng si Grace Ibuna at ang ama naman niya ay ang aktor na si Gabby Concepcion.

HURDLING CONTROVERSIES. Nasangkot si Michael sa isang sex video scandal noong 2016.

Read: Michael Pangilinan owns up to video scandal: "Totoo po na ako yun."

Ayon kay Garie, hindi ito itinago ni Michael sa kanya.

Kuwento niya, “Napag-usapan na po namin yun.

“Wala na po akong magagawa doon, e.

“It happened before na naging kami and it’s already there.

“I believed he learned from what happened.

“Pag nangyari yun na we're together, bahala na siya sa buhay niya, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod dito ay sumulpot din ang isyu tungkol sa pagkakaroon ni Michael ng lovechild sa ibang babae.

Sagot ni Garie, “Hindi na po bago sa akin yun, di ba?

“Ako naman, very open na tayo sa ganyan.

“Like I said, yun nga, the son came in... wala, kami na nun, e.

“He was open about it right from the start.

“It’s the same with me, e. I have a stepfather also.

“Tinanggap ako ng stepfather ko, minahal ako ng stepfather ko na parang totoo niyang anak.

“Parang naging normal na sa akin yung ganon sitwasyon.”

Sa mahigit dalawang taon nilang magkasintahan, hindi pa raw nakikita ni Garie ang anak ni Michael.

Aniya, “Hindi pa po kami dumadating sa ano... siyempre, I respect the mother of the child.”

Iginiit ni Garie na balewala sa kanya kahit anong scandal pa ang lumabas kay Michael na bahagi ng nakaraan nito.

Paliwanag niya, “Past na po niya yun, e.

“Basta wala siyang gawing kalokohan while we are together, then we’re okey.

“Ako po kasi, ayoko ng cheating.

“If you cheat on me, kahit mahal kita, bahala ka sa buhay mo.

“Puwede akong mag-move on.

“Dapat lang naman, di ba?

“Siyempre, iiyak ka, masasaktan ka, e.

“Pero after a while, know your worth, respect yourself. “

KEEPING THEIR LOVE ALIVE. Naggu-glow ang mga mata ni Garie nang tanungin namin kung paano nila napapanatiling matibay ang kanilang relasyon ni Michael.

Saad niya, “Pareho naman kaming nag-a-adjust sa isa’t isa.

“I think, noong una po, medyo hesitant ako dahil ayoko po talaga someone from the same industry.

“Pero I think it works because naiintindihan namin yung trabaho ng isa’t isa.

“Saka kung wala naman po kaming work, nagkikita naman po kami.

“So, we both adjust sa schedule namin sa isa’t isa.”

Pagsasalarawan ni Garie sa qualities ng boyfriend niya, “Napakalambing ni Michael.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Saka very generous siya sa lahat ng bagay.

“Ang gusto ko sa kanya, bago niya ako niligawan, niligawan muna niya ang nanay ko.

“And he asked permission.

“Si Mommy, pinadadalhan niya ng pagkain, ako wala. Ganun!

“Or kung ano meron ako, meron din si Mommy.”

Hanggang ngayon ay hindi pa raw ipinakikilala ni Garie si Michael sa ama niyang si Gabby.

Saad niya, “Wala pa akong ipinakikilala kay Papa. Huwag muna.

“Ano kasi ako, automatic kay Mommy, since kay Mommy ako lumaki.

“Hindi naman sa hindi important na makilala ni Papa, pero parang mas takot ako sa approval ng nanay ko.

“Pero yung kay Papa, darating din tayo doon.”

Nakilala na raw si Michael ng ate niyang si KC Concepcion.

“Oo, ano naman siya, e.

“Nung nag-meet sila, very quiet pa itong isa [Michael], siguro nangangapa pa.

“So, nag-meet lang sila once and then after nun, hindi na kami nakapag-hang out uli,” pahayag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN