Enrique Gil on no-label relationship with Liza Soberano: "Kahit wala naman, parang kami na rin."

IMAGE Nikko Tuazon

In their recent trip to Spain, Enrique Gil finally introduced Liza Soberano to his family there. He says, "First girl na in-introduce ko sa family ko. And they all loved her, they accepted her. And I was just happy."


"Parang kami na..."

Ito ang isinagot ng ABS-CBN actor na si Enrique Gil nang tanungin kung ano na ang real score sa pagitan nila ng love-team partner na si Liza Soberano.

Ilang beses na ring natanong ang dalawa tungkol sa estado ng kanilang relasyon, ngunit ayon kay Enrique, no labels muna ang kanilang relasyon bilang respeto sa pangako ni Liza sa lolo nitong si Jeff Soberano.

Paliwanag ng 25-year-old Star Magic talent, "Parang kami na, pero siyempre, I respect her lolo.

"May promise kasi siya sa lolo niya, ever since before, na at a certain age, 23-24, puwede na siya mag-boyfriend.

"So, I’ll respect that. I’ll respect that.

"But I said, where we are right now, okay na po ako, okay na ako."

Sa kasalukuyan ay 20 pa lang si Liza.

Tamang edad ni Liza na lang daw ang hinihintay ni Enrique upang pormal na tanungin muli ang dalaga upang maging girlfriend nito.

Saad ng aktor, "I’ve been waiting, pero sabi ko, parang di naman din naghihintay, e, kasi parang kami na.

"The age kasi, she promised to her grandfather, yung nagpalaki po sa kanya sa States, yun talaga yung parang naging tatay niya, yung lolo niya.

"He just came here, but he’s old na, 'tapos may heart problem.

"So siyempre, as respect, parang ako, bilang respeto po."

Ikinatutuwa rin naman ni Enrique na kahit istrikto ang lolo ni Liza ay magaan ang loob nito sa kanya.

Kuwento niya, "Tinatawag niya na ako 'manu' e, ‘Hoy, manu, halika dito!’ Parang ganun!

"Sabi ko, ‘Anong manu?’ ‘Manugang yun,’ sabi nila. ‘What does that mean?’ sabi ko.

"Nung sinabi sa akin, natuwa naman ako.

"Siya yung very strict, pero parang boto naman siya. Kailangan ko lang siya makausap."

Importante ba sa kanya ang magkaroon ng label ang relasyon ni Liza?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Enrique, "Oo naman, pero kahit wala naman, parang kami na rin.

"I asked her, but since she told me, it was a long time na, okay, I’ll respect that."

Pabirong dugtong pa niya, "'Wala naman akong hinahabol, sure naman ako ikaw na.'

"Sure naman ako na after Forevermore, alam ko forever na 'to.

"Kaya forevermore yung una natin, e."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Enrique sa launch ng Samsung Galaxy J2 Pro, nitong Martes, February 13, sa 7107 Culture + Cuisine restaurant, sa Bonifacio Glocal City.

MEETING THE FAMILY. Samantala, ibinahagi rin ng Bagani actor na nakilala na ng kanyang mga kamag-anak sa Spain si Liza nitong nakaraang Christmas holiday.

Kuwento ni Enrique, "Dinala ko siya sa Europe kasi may sister studies [siya] there, so bumisita lang ako for Christmas.

"Ipinakilala ko rin yung family ko sa Spain, lahat ng family ko dun, ipinakilala ko sa kanya.

"First girl na in-introduce ko sa family ko.

"And they all loved her, they accepted her.

"And I was just happy."

Nilinaw naman ni Enrique na hindi "pamamanhikan" ang pagpapakilala niya kay Liza sa kanyang pamilya. 

Ngunit ikinatuwa ng aktor na nagustuhan ng kanyang pamilya ang dalaga.

Aniya, "Hindi naman ganun [kaseryoso].

"Hindi naman po ganun, parang, ‘Hi, this is my... love,’ sabi ko. Sinabi ko talaga, ‘This is my love.’

"They all know her, kilala naman nila. 

"They know that I’m an actor, 'tapos they watch... nagpapadala kami ng mga videos.

"So, they know her na.

"It’s just weird na she’s the first girl na ipinakilala ko.

"It might seem na, ‘Wow, pamamanhikan!’ Parang ganun!

"But I just really want... kasi my grandma’s really old and I just want her to meet everybody, so yun lang."

Kaya naman masasabi ni Enrique na ito ang best moment niya sa kanilang European trip.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag pa nito, "Spain, I think me and Liza spending time with my family...

"Kasi na-meet ko na yung family niya sa States, nakilala ko na sila lahat.

"Pero siya, she’s never met my side of the family sa Europe.

"So, it’s good to know na everybody loved her."

VALENTINE'S DAY. "In full color" naman kaya ang Valentine's Day nila ni Liza?

Sagot ni Enrique, "Of course, very, very full of color.

"Malalaman ko pa mamaya kung vibrant or hindi, kasi kung may taping ako para sa Bagani, e, di trabaho ako.

"M-W-F-Saturday po kami.

"So, if ever wala, mas magiging makulay ang buhay ko, ang Valentine’s Day ko bukas."

Ano naman ang plano niya kung sakaling matuloy ang kanilang Valentine's date?

Sagot ng aktor, "Ako, simple lang po ang gusto ko, as in simpleng dinner lang.

"Dinner, flowers, usap lang."

Nabanggit din ni Enrique na ang date nila ni Liza noong nakaraang taon ang kanyang pinakapaboritong Valentine's Day so far.

Paliwanag nito, "Our last Valentine’s date, parang first time ko lang ma-feel na parang kami na.

"Parang, ‘Wow, ang sarap ng feeling na may kasama ka sa Valentine’s Day!’

"Dati siguro, pag dumadating yung Valentine’s, pag may mga crush ako, nagbibigay lang ako ng card sa bahay, iiwan lang.

"Pero iba yung feeling na may ka-date ka, 'tapos dinner, usap lang.

"Parang nakaka-mature [yung] feeling, ang sarap ng feeling."

Ano naman kaya ang best gift na natanggap niya mula kay Liza?

Ayon kay Enrique, "Best gift yung pag-aalaga niya po sa akin.

"Yun ang hindi ko maipagpapalit kahit sa ano, yung how she takes care of me.

"Actually, sinasabi ko sa kanya, 'Para kang yung nanay ko,' sinasabi ko sa kanya.

"‘Ha? Hindi!’ sinasabi niya. ‘Ba’t nanay mo?’

"Pero, you know, I meant it in a good way, na compliment siya na very maalaga siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN