Alex Gonzaga opens life to the public via her own vlog

IMAGE Noel Orsal

Alex Gonzaga has racked up hundreds of thousands of views for her vlogs on YouTube which mostly features her parents, her ate Toni, and her nephew Seve. Alex admitted that while she captures them in their candid state, she knows the limitations of what to shoot and upload. She told PEP, "E, siyempre, kung halimbawa at naliligo sila kinunan ko, baka wala na 'kong bahay."


Bukod sa pagiging TV host at actress, isa na ring video blogger si Alex Gonzaga.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 660,000 subscribers and kanyang six-month-old YouTube channel. 

Ang madalas na bida sa vlogs ni Alex ay ang kanyang mga magulang at ang kapatid niya na si Toni Gonzaga.

Kung noong una raw ay hindi pa alam ng mga ito na ipu-post niya ang videos kasama sila, ngayon ay aware na sila sa tuwing kukuhanan niya.

Kuwento ni Alex, “Siyempre, noong unang mga shoots ko, hindi nila alam.

“Hindi naman nila alam na dadami ang viewers. Ang alam lang nila, baka magkaroon ng 1,000 views.

"Hindi nila in-expect na ganun [karami].”

Ang isa sa parating kaasaran ni Alex sa kanyang videos ay ang kanyang Mommy Pinty. Marami naman ang natutuwa sa dynamics nilang mag-ina.

Patuloy niya, “Yung mommy ko, yung unang post ko sa kanya yung tungkol sa [recipe niya ng spaghetti].

“Nagpunta raw [siya] sa simbahan at lahat daw naghahanap sa kanya ng spaghetti. 'Anong spaghetti?!'

“Hindi niya alam sa post ko. Ngayon lang sila medyo aware.

“'Ano na naman ‘yang ginagawa mo? Ginagamit mo na naman kami!'” natatawang kuwento ng Kapamilya TV host.

Ang Ate Toni naman daw niya ang nagsabing mag-video siya sa travels nila dahil nababalikan nito ang mga pinuntahan nila sa pamamagitan ng vlog ni Alex.

“Parang ginawa niya akong videographer!” natawang biro ni Alex.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alex sa launching niya bilang bagong endorser ng Krem-Top Coffee Creamer habang sakay ng van sa Bonifacio Global City, Taguig, noong March 5.

OPEN TO THE PUBLIC. Hindi lahat ng artista ay open sa social media. Yung iba, hanggang sa Instagram o Twitter posts lang.

Pero si Alex, sa pamamagitan ng kanyang vlog, madalas ay nakikita ang kuwarto niya o kung anuman ang ginagawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit niya naisip ibahagi ang mga ganitong parte ng kanyang buhay?

Sagot ni Alex, “Kasi, kapag nag-i-Instagram Stories ako, di ba, one minute lang yun?

“Ang daming nagsasabi... kasi, nagsimula yun nung gumawa ako ng episode with Seve [anak nina Toni at Paul].

“Yung 'Ninang and Seve' episode. After nun, ang daming nag-a-ask na episode 2, episode 2.

“Parang sa ending, may fulfillment ako na ang ganda naman ng nagawa namin.

“So, naisip ko... actually, ang first plan namin was to make a YouTube channel for me and my ate.

“E, sabi ni Ate, parang tinatamad daw siya. 'Tapos nagkaroon na ako ng team agad.”

Kahit sa vlog niya sa YouTube ay nakakatanggap pa rin daw si Alex ng pamba-bash mula sa netizens.

Pero konti lang naman daw ito at may isang beses na sumagot  siya.

“Kasi minsan, kung may isa kang bash na nabasa, 'tapos titingnan mo, meron kang 3,000 plus na comments na maganda, parang hindi ka na ano...

"Pero yun nga, minsan pinapatulan ko.”

Yung pinatulan pa raw niya, hindi sa mismong channel niya nag-post ng comment.

Kuwento niya, “Nakalimutan ko na naka-susbscribe sa Alex Gonzaga. Sa channel yun ng I Can See Your Voice.

“Kasi, nasanay akong nagbabasa ng comments sa channel ko. Hindi ko naman pala channel yun, nakalimutan ko.

“Parang sabi niya, 'Hay naku, kung wala si Toni, hindi ka makapapag-artista. Kasi naman ganito, ganito.'

“Nag-reply ako. Sabi ko, 'Sana magkaroon ka na rin ng kapatid na artista para makapag-artista ka.'

“E, wala na, nai-post ko na, okey na lang yun!” natawa niyang sabi.

Patuloy ni Alex, sinagot naman siya ng kanyang basher.

“Sabi niya, fan daw siya.

“Grabe siyang fan, ha, mas okey siyang maging basher kesa fan.

“Sabi niya, 'Actually, I’m a fan, Alex.' Sinabi lang daw niya ang nao-observe niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero galit na galit siya sa pagkaka-comment niya.

“Pero siguro nga, sa dami naman ng magagandang comments, titingnan mo na lang yun, nakaka-touch talaga. Hindi mo na maiisip yun.”

Mahigit 300,000 subscribers na lang ay mahi-hit na ni Alex ang 1 million mark.

Nagbiro si Alex na kapag naabot niya ito ay baka mag-nip slip na siya.

ALEX KNOWS HER LIMITS. Kahit pa madalas na spontaneous ang pagkakakuha ni Alex sa kanyang videos, kabilang na ang candid moments nilang pamilya, alam naman din daw niya ang kanyang limitasyon.

Aniya, “E, siyempre, kung halimbawa at naliligo sila, kinunan ko, baka wala na 'kong bahay, baka wala na akong isang mata.”

Ayon pa kay Alex, siya naman ang may “say” sa ina-upload niya at hindi na niya ito kinakailangan pang ikonsulta sa mga magulang.

Paliwanag niya, “Hindi, kapag naririnig lang nila. Hindi ko na ipinapakita.

“But, like with my [video] editors, minsan sasabihin nila, 'Sure ka ba? Baka may ma-offend tayo.' 

“Ako naman, 'Hindi, nakakatawa nga.'

"Pero yun, may tatanggalin sila kasi baka may ma-offend.

“Pero siguro mga isa o dalawa pang lang yung ganun.”

Bukod sa kanyang Ate Toni at asawa nitong si Paul Soriano at ang boyfriend ni Alex na si Mikee Morada, may ilang celebrities na rin ang nag-cameo appearance sa vlogs niya.

Ilan sa kanila ay si Luis Manzano at ang singer na si Moira dela Torre.

Ngunit kung meron daw gustong makasama pa si Alex sa vlog niya, ito ay si Vice Ganda.

“Si Vice actually, tine-text ko na siya.

“Gusto kong gumawa kami ng make-up vlog.

“Kaso yung schedule namin, hindi nagtatagpo.

"Payag naman siya kasi, di ba, meron din naman siya yung Vice Cosmetic, so sabi niya sige.

“Kaso, yung gusto ko at gusto niya, hindi pa kami nagtutugma ng gagawin namin.”

ALEX AND MIKEE. Bagamat may ilang maikling pagkakataong lumalabas sa kanyang vlogs si Mikee, bakit wala pang solo feature ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Alex, “Wala namang problem sa kanya, okey lang naman sa kanya.

“Pero, like, gusto ko siyang gawan... like, noong Valentine’s Day namin, sabi ko, 'Puwedeng mag-blog ako?'

“Sabi niya, 'Huwag na. Date natin ‘to.'

“Sa Tagaytay yun. Mag-iinarte lang daw ako. Mag-iinarte lang daw siya. Hindi raw kami mag-e-enjoy.

“Pero meron na rin akong naiisip ngayon, parang pumapayag na siya.”

Kumusta naman ang naging Valentine’s date nila?

“Umikot-ikot lang kami, pagtingin namin sa SLEX na kami!” natawa niyang sabi.

“Hindi, nag-lunch lang kami. Sa Antonio’s.

"Masarap naman pero medyo mahal lang talaga.

“Pero ang daming tao rin. Medyo mahal talaga.

"Kaya sabi ko, mag-appetizers na lang kaya ako.

“Ine-expect ko hindi ganun kamahal.”

Siya ba ang nagbayad?

“Hindi, pero parang kasi naiisip ko... hindi ko in-expect na ganun kamahal.

“E, si Mikee, ayaw niya ng nagsasayang ng pagkain. E, ako, normally o-order, takaw-mata lang.

“And since mahal yun, dapat kung ano ang oorderin ko, maubos ko, sisimutin ko.”

Ang isang dahilan daw siguro kung bakit sila nagki-click na magkasintahan ay pareho raw silang komedyante.

Ani Alex, “Kapag kaming dalawa lang, mas komedyante siya.

“Dapat pala ang trinust ko noon sina Kuya Long [Mejia], Empoy [Marquez] para hindi ako na-heartbroken.”

Pero dugtong din niya, “Siguro kasi, sa lahat ng nanligaw sa akin, si Mikee lang ang pareho ko ng family values.

“Even our families, very the same kami on how we were raised.

“Even yung aming core values, religion namin, respect sa family, very the same.”

Hindi na naranasan ni Mikee yung istrikto ang mga magulang niya tulad noong si Toni na boyfriend pa lang si Paul?

Sagot ni Alex, “Expected niya yun, na-experience niya.

“So, inuuwi niya 'ko. Pero expected niya kasi ganun din naman sa family nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN