Joshua Garcia on reported Mylene Dizon-John Estrada slapping incident: "Labas ako diyan."

IMAGE Noel Orsal / Screen cap from The Good Son (inset)

Joshua Garcia asked: Was John Estrada's character in The Good Son killed due to reported conflict with Mylene Dizon?


Nasorpresa si Joshua Garcia sa napabalitang insidente kung saan sinampal diumano ni Mylene Dizon si John Estrada dahil sa pambabastos daw ng huli sa aktres.

Si Joshua ay gumaganap bilang anak ni Mylene at tiyuhin naman niya si John sa ABS-CBN prime time series na The Good Son.

Pahayag ni Joshua, “May ganong isyu ngayon? Wala. Labas ako diyan. Sorry po.”

Wala raw ideya ang young actor sa kontrobersiyang kinasangkutan ng dalawa niyang co-stars kamakailan.

“Hindi ko alam na may ganyang nangyari, actually. Walang nagsasabi sa amin.

"Wala akong masasabi diyan," pag-ulit ng binata.  

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang reporters si Joshua sa media conference para sa nalalapit na pagtatapos ng The Good Son.

Ginanap ang #TGSFinaleMediaCon sa Tivoli Royale Clubhouse sa Quezon City, ngayong Lunes, March 19.

Base sa ulat ng PEP Alerts noong February 25, “nabastusan” si Mylene sa “inaasal” ni John kaya’t nagkainitan dalawa sa set ng The Good Son.

Sinasabing ito ang dahilan kaya “pinatay” ang karakter ni John sa March 2 episode ng teleserye.

Pero ayon kay Joshua, parte talaga ito ng takbo ng kuwento ng The Good Son.

“Hindi, alam na namin na mangyayari yun.

“Pero siyempre, nakakalungkot na hindi mo makakasama sa taping.

"Pero alam na namin, simula pa lang, na mamamatay si Kuya John."

So, hindi biglaang pinatay ang karakter ni John?

“Hindi, hindi. Abangan niyo kasi may mamamatay pa.

“Yung teaser na lumalabas ngayon? May mamamatay dun.

"Talagang marami pang mamamatay bago yung finale," saad ni Joshua.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN