Maymay Entrata on real score with Edward Barber: "Mag-bestfriend kami."

IMAGE Mark Atienza

Maymay Entrata on real score with Edward Barber: "Mag-bestfriend kami. Nagpapakatotoo lang kami. Kung ano po yung nakikita nila, yun lang po."


Simula noong magkasama at maging isa sa mga kinikilalang loveteam ng Kapamilya network ang MayWard, masasabi raw ni Maymay Entrata na malaki na ang ipinagbago ni Edward Barber mula noong makalabas na sila pareho sa loob ng Bahay ni Kuya.

Si Maymay ang itinanghal bilang Lucky Big Winner sa Pinoy Big Brother Lucky Season 7 noong 2017, at si Edward naman ang hinirang na fourth Lucky Big Placer.

Ayon kay Maymay, “Si Edward, nagbago po talaga.

“Mas nag-improve na ang Tagalog niya. At saka, mas nakilala ko siya.

“Noong nasa loob kami, 'Ah, ‘eto lang pala si Edward.'

“Pero nung lumabas kami, palagi kaming nagsasama.

“Ito pala talaga siya.”

Ano ang mas naging pagkakakilala niya kay Edward?

“Mas mabait, mas baliw. Kung caring siya dun, ngayon mas caring siya—para sa lahat,” natawang sagot niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Maymay sa ginanap na presscon para sa Star Cinema movie na DOTGA (Da One That Ghost Away) sa 9501 Restaurant noong April 12.

Kasama sina Edward at Maymay sa cast ng pelikula.

INDEPENDENT. Nabanggit ni Edward na si Maymay daw ang nagsisilbing “power bank” niya kapag nawawalan na siya ng energy. Hindi raw kasi siya nalo-low batt si Maymay.

“Siguro kasi sanay ako na sinasarili ko lang.

“At saka, okey ako kung low batt ako, okey lang din kung wala akong kasama, parang ganun.

“Pero may natutunan ako sa kanya.

“Yung pagiging independent ko, siguro nung bata ako, lumaki ako na dalang-dala ko na siya.

“Pero yung natutunan ko sa kanya, minsan pala, dapat hayaan mo ang isang tao na tutulong sa ‘yo.

“Kasi, baka mas mag-grow ka pa.”

Inamin ni Maymay na mas naging “dependent” daw siya ngayon kay Edward.

Aniya, “Mas natutunan ko sa kanya ang pagiging expressive.

“Mas nae-express ko ang problema ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi minsan, di ba po, kinikimkim mo na lang ang problema mo?

“Minsan iiyak mo na lang, hindi pa pala nawawala.

“Pero naranasan ko na, kasi expressive po siya.

“Nung na-express ko na, mas nawawala po talaga ang bigat.”

NO PRESSURE. Napakarami na rin ng tagahanga ng MayWard loveteam.

Pero ayon kay Maymay, wala raw silang nararamdamang pressure mula sa mga ito na dapat, maging sila na talaga sa totoong buhay.

“Yung MayWard fans po kasi, sobrang bait nila.

“Palagi silang, 'Okey, naiintindihan namin.'

“Sa pagkakakilala namin sa kanila, palagi po talagang number one yung, 'Naiintindihan namin kayo.
Kung anuman ang ginagawa niyo, naiintindihan namin.'

Natawang sabi pa niya, “Minsan nga may nagsabi, ''Wag mo siyang lokohin ha?'

“Hala, hindi pa kami!”

BEST FRIENDS ONLY. Sa isang banda, naiisip din ba niya kung paano nga kung sakaling isang araw, mauwi na sa totohanan yung loveteam nila?

Mabilis niyang sagot, “Mag-bestfriend kami.

“Nagpapakatotoo lang kami.

“Kung ano po yung nakikita nila, yun lang po.”

Natawa naman si Maymay dahil parang ibinuko sila ng co-star nila sa DOTGA na si Ryan Bang na madalas daw ay para silang galing palagi sa honeymoon.

Tanggi niya, “Hindi po, sobra!

“Komedyante po si Kuya Ryan Bang kaya kung anu-ano ang sinasabi niya.”

Bakit may ganung impresyon si Ryan sa kanilang dalawa?

Paliwanag niya, “Hindi po, kasi nasanay na kaming palaging nag-uusap.

“Minsan, hindi namin alam na parang minsan iba na kami.

“Parang nasa ibang mundo kami kapag nag-start na ang tawanan namin or biruan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN