Female models speak up about "tabig-selfie" incident involving James Reid, Nadine Lustre

IMAGE Noel Orsal

Nagsalita na ang female models na nasa Revel at the Palace noong nangyari ang insidente ng pananabig ni Nadine Lustre sa isang female fan na nagpa-selfie sa nobyo nitong si James Reid.


Nagsalita na ang grupo ng female models na bina-bash ng fans nina James Reid at Nadine Lustre dahil sa pagpapa-selfie ng mga ito sa aktor noong madaling-araw ng Sabado, April 14.

Hindi raw kasi sila tinitigilan ng JaDine fans at kung anu-anong mga masasakit na salita ang ibinabato sa kanila.

Pati mga kamag-anak daw nila ay idinadamay ng mga nangba-bash sa kanila.

Ngayong Martes, April 17, isang mahabang post ang ibinahagi sa Facebook ni Darline Paranada, isa sa mga nasa Revel at the Palace sa Bonifacio Global City, Taguig, kung saan nangyari ang insidente.

Sa kanyang post, inilahad niya ang kanyang bersiyon sa nangyari at ipinagtanggol ang mga kaibigang bina-bash din ng JaDine fans.

Panimula ni Darline, “Okay andami ng nagmamarunong at nakikisawsaw sa issue ng James and Nadine na ‘yan, cge magsasalita na ako bilang andun ako at ako naman yung kaibigan ng kaibigan nila Jadine.

“Anyway, nangyari po ‘yan April 13 sa Revel BGC, birthday party yun ng isang kaibigan namin from the States and birthday din ni Kay Shivaun so andun relatives niya and some friends, so sa sobrang dami namin kumuha pa sila ng extra table so bale magkaharap yung table namin…

“Andun na kami 12 am pa lang yung mga ibang bisita hindi na namin namamalayan kasi sobrang saya na ng group namin 4 lang ata yung mga guys and the rest mga girls na yung isang picture na lumabas na puro kami babae, isang table pa lang yun hindi pa kasama yung isang table na puro pinsan ni Karen Gonzaga.”

Ang tinutukoy marahil ni Darline na "April 13" ay noong Biyernes ng gabi kung kailan sila dumating sa lugar.

Pero nangyari ang insidente noong madaling-araw na ng April 14, Sabado.

Patuloy niya, “Dumating yung group nila JaDine around 3am wala silang mapuwestuhan or makuhang table sa baba… may VIP tables naman sa 2nd floor at that time sobrang puno na sa baba, so may available na tables sa 2nd floor hindi ko alam bakit sila samin nakikipuwesto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako bilang may sariling mundo at wala naman ako pakialam kung sino pa nasa harapan ko tuloy lang ang pag-shot ko ng Tequila with my gfs and then biglang may sumigaw ng pangalan ko…

“Nung una hindi ko siya namukhaan dahil madilim sa Revel and medyo lasing na ako so nung paglapit nyia dun ko lng siya nakilala...

“So habang nagkukuwentuhan kmi, nakilala ng mga gfs ko si JaDine so kinuha nila yung opportunity na magpa-picture sa dalawa since andun nga sila sa table namin.”

“ASAN ANG HUSTISYA?” Ang una raw nagpa-picture sa grupo nila ay si Nika Madrid, na inakusahan diumano ng JaDine fans na nilandi raw si James.

Kuwento ni Darline, “Okay, unang nagpa-pic si Nika Madrid, yung sinasabi nilang nadikit yung boobs, e, hindi naman talaga nakadikit.

"It's just yung pagkakuha ng picture, mukhang nakadikit. pero it’s not [just] crowded yung place and sa sobrang daming tao gusto magpapic sa JaDine that time, nagtutulakan na kung meron mang dumikit hindi na sinasadya yun…

“Plus, hindi yun enough reason para sabihan malandi, pokpok, etc. si Nika.

"Sobrang kitid ng utak, ‘pag pangit nagpapicture ng nakayakap, ok lang, pero ‘pag maganda nadikit lang ng onte malandi na? Asan ang hustisya?

“Bago siya magpa-pic kay James, nagpaalam siya kay Nadine, mas nauna pa siya magpa-pic kay Nadine at mas marami siyang pic kay Nadine."

Pagkatapos nito ay inalala ni Darline ang pagkakatabig ni Nadine sa isang babae na nagpapa-selfie kay James.

"Yung tapik issue na ‘yan ganito ang pagkakaalala ko…

“Andaming pumunta sa table namin, nung nakita nila andun ang JaDine pagtapos nila magpa-pic kay Nadine siyempre lipat kay James to the point na antagal na naghihintay ni Nadine sa kabilang side kaya siguro nairita na rin siya, at nakita ni James na mag-isa si Nadine so kinalabit niya si Nadine and tinapik niya yung 18 years old na first time makapasok sa Revel na pinsan ni Karen Gonzaga…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She took advantage [of] the opportunity na makapagpa-pic sa Jadine.... na capture sa IG stories ng mga gfs ko kung anu nangyari dun and siyempre pinost nila not to make fun of Nadine’s attitude pero dahil natuwa lang sila sa pagiging protective ni Nadine kay James.”

Ang tinutukoy ni Darline ay ang viral video ni Nadine kung saan makikita talaga na parang napalakas ang pagtabig niya sa isang babaeng nagpa-selfie kay James.

“WALA NAMAN TALAGANG ISSUE.” Dagdag pa ni Darline sa kanyang mahabang post, wala talagang isyu sa kanila doon sa bar. Ngunit parang big deal daw masyado sa JaDine fans ang nangyari.

Saad niya, “After nun 3 beses pa silang bumalik sa table namin hindi naman sila puwede dun kas andami na namin kaya nakakuha sila sa dulo around 3:30 am....

“WALA NAMAN TALAGANG ISSUE, kaso since Saturday yung ibang fans makadirect message samin nagtatanung anu daw ba ang nangyari?

“Sino daw yung sinampal? Bakit daw namin dinidikitan si James? May mga pananakot pa… since Saturday hindi nila kami tinitigilan they jump into conclusion na naimbyerna samin ang JaDine when in fact na 3 times silang bumalik sa table namin at ini-invite pa kami manuod ng event nila sa Cove Manila.

“Andami ng nadadamay kahit yung wala naman sa video or sa mga picture ginagawan ng issue and yung kulitan namin na ilalabas ko yung buong video ‘pag nagkagipitan, IT WAS A JOKE.

“Ako nga ni walang pic at video ng mga ‘yan dahil my sariling mundo ako pinatulan nyo yang usapan namin…

“And calling us pokpok etc., para lang pagtangol niyo idol niyo, e, wala namang naging issue kayo lang ang nagpalaki at gumawa ng istorya sa makikitid nyong utak…

“Tanggol kayo ng tanggol keso kawawa si Nadine, wala kaming respeto, duhhhh diba public figure sila so kung may nagpa-pic na hindi sinasadya na maidikit ang boobs aawayin nyo na???

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman na rape si James. Next time paganahin niyo muna utak niyo bago kayo mag tatalak!!!!!

“At ung sinisigaw nilang baby ang tinatawag nilang baby si Nadine at yung hilaan ng kamay kay James kulitan yun !!!

“Even Chanty nag-sorry na sa relatives ni @karen Gonzaga… kahit anu pa ang sabihin namin ibabash at ibabash niyo pa din kami kasi para sa inyo ang diyos niyoy ung JaDine nakakatawa lang kasi kung sila nga walang saying, kayo na wala naman dun nagpapakamatay kayo gumawa ng kuwento…

“Next week ‘pag nagkitakita kami ulit pagtatawanan na lang namin itong issue na ito na ginagawa niyo.

“Hindi namin kasalanan kung kumalat at binigyan ng ibang caption yung mga vids sa igs namin... huwag niyo isisi samin lahat may mas malaking problema ang Pilipinas huwag puro JaDine.”

 


(Burado na ang post na ito sa timeline ni Darline pagkatapos ng tatlong oras.)

“WALANG MAY INTERESADO KAY JAMES.” Ang nag-upload naman sa kanyang IG story ng video ng pagtapik ni Nadine sa isang fan ay si Karen Gonzaga, kasamahan ni Darline.

May mga nagsasabing JaDine fans na diumano ay nalabag ang privacy ng magkarelasyon dahil daw sa pagbakod nila kay James.

Pero mariin itong pinabulaanan ni Karen sa kanyang Facebook post kagabi, April 16.

Sabi niya, “Guys table po nmen 'yan!! Anong sinasabi niong d cla nagenjoy sa party at walang privacy? Eh table nga nmen yan.

“Cla ang nagpunta sa table namen. Dko sure kung ilang beses pero sure n sure ako na hndi lng isa, dlawa o tatlong beses cla bumalik sa table.

"Come on Jadine fans, wla kmeng bad intention jan.

“Were just having fun that night!!! C James at Nadine cool lng cla after that night, meaning wla nmang issue.Ung post ko sa ig story wala kong tinag don kundi mga friends ko lng.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And story ko un! Kung lumabas man yan sa public ay dhil saniong fans n gusto palakihin ang issue!

“Ung mga girls nga khit minumura nio n kme at nilalait lait sa message dna nga sumasagot para lng matapos n yan pero pinalaki nio pa yan at kayo ang nagpublic.

“Im not Jadine fan pero hndi din ako hater nla.

"Inuulit ko masaya lng tlaga kme that night at walang may interesado kay James Reid!!!!”


“THANK YOU PO, I AM HUMBLED.” Ang nag-upload naman ng video sa Facebook na si Cy Aldana ay katakut-takot din na bashing ang inabot.

Mayroon nang 1.5 million views ang video nina Nadine at James na may caption na “Wag nyo galitin.”

Matapos nito, sunud-sunod na ang mga private messages na kanyang natatanggap sa Facebook at DM sa Instagram.

“TANTANAN NA.” Ayon naman kay Kay Shivaun, tigilan na ng JaDine fans ang pamba-bash nila dahil wala  silang alam sa nangyari.

Sabi ni Kay sa kanyang post ngayong araw, “Eto na ang finale jan sa JaDine issue na 'yan kaya tantanan na! 'Wag na mandamay ng pamilya at kung sino sino pa dahil wala kayong alam. 

"Masaya kame at nag-enjoy kame bday ko yun walang nangyaring gulo. At lastly magaganda kame hahaha charot! Peace tayo lablab... laro nalang tayo ng ROS! #peaceout... good morning! Spread love."


Wala pang sagot ang panig nina James at Nadine tungkol sa isyu.

Gayunpaman, mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa maaaring ihayag ng dalawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN