JM de Guzman clarifies use of butt double in Araw Gabi

IMAGE Noel Orsal

JM de Guzman on leading lady Barbie Imperial: "First time kaming nag-meet nung screen test, talagang lahat first impression—makulit, masarap kausap, at kaeksena."


Nilinaw ni JM de Guzman ang butt exposure niya sa bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Araw Gabi.

Noong nakaraang linggo ay isang body double ang nag-post sa Facebook ng mga larawan niyang kuha sa taping ng Araw Gabi.

Dito ay sinabi ng body double na siya ang gumawa ng eksena kung saan nakahubad ang karakter na ginagampanan ni JM.

Taliwas ito sa akala ng marami na mismong si JM ang nagpakita ng puwet sa teaser na ipinalabas ng ABS-CBN.

Read: Body double, umamin tungkol sa "butt exposure" ni JM de Guzman sa Araw Gabi

Ayon kay JM, may mga eksenang katawan talaga niya ang ginamit.

“May parts na ako, may parts na iba.

“Kaya kami nag-body double kasi may mga eksena na kailangang tumagal sa ilalim ng dagat, yun lang ang pinaka-reason.

“Sa Angelito [2011-2012], ginawa din namin yun nung mag-dive sa tubig si Angelito, siya rin yung body double namin."

Diin ng aktor, “Mayroong shots na puwet ko.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si JM sa presscon ng Araw Gabi sa ABS-CBN compound noong Lunes, April 23.

LEADING LADY. Ang dating Pinoy Big Brother 737 housemate na si Barbie Imperial ang leading lady ni JM sa Araw Gabi.

Puro papuri naman ang mga sinabi ng aktor sa bagong kapareha.

Ayon kay JM, “Natanong ako, gustung-gusto ko.

“First time kaming nag-meet nung screen test, talagang lahat first impression—makulit, masarap kausap, at kaeksena.”

Ayon naman kay Barbie, nasungitan siya nung unang mga araw kay JM dahil seryoso ito at hindi tumatawa sa set.

May paliwanag naman dito ang aktor.

Aniya, “Yun nga ang pinupunto ko, kasi kaya ganun, kasi yung character ko ay ganun.

“Pag nasa set, imbibe na rin sa sarili ko, yun lang yun.”

Sa presscon proper, pabirong nabanggit ni JM na gusto niya ay magkaroon sana sila ng something ni Barbie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero paglilinaw ng aktor, “Nadala lang ako ng impulse, kahit naman sino maghu-hope.

“Pero alam naman natin na mayroon siyang boyfriend, at kaibigan ko si Paul [Salas].”

Sexy, daring, at mature ang tema ng Araw Gabi.

Napaghandaan daw naman nina JM at Barbie ang sexy scenes dahil na sumailalim sila sa workshops.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN