JM de Guzman blames no one but himself for drug relapse

IMAGE Noel Orsal

JM de Guzman blames no one but himself for his drug relapse: "Di ko puwedeng sisihin si Jessy dun kasi lahat naman ng tao nagdadaan sa ganung problema. Sinisisi ko sa lahat ng maling choices na nagawa ko to deal with problems."


Iginiit ni JM de Guzman na walang kinalaman ang dating nobya niyang si Jessy Mendiola sa pagkalulong niya sa droga sa pangalawang pagkakataon, na naging dahilan ng kanyang muling pagpasok sa rehab.

Marami kasing netizens na isinisisi sa paghihiwalay nina JM at Jessy noon ang pagbalik ni JM sa dati niyang bisyo.

Sa nakaraang grand prescon ng seryeng Araw Gabi sa 9501 restaurant ng ABS-CBN, nilinaw ni JM na mga maling desisyon niya sa buhay ang rason kung bakit nagkamali siya sa natahak na landas.

Pagklaro niya, "Di ko puwedeng sisihin si Jessy dun kasi lahat naman ng tao nagdadaan sa ganung problema.

“Sinisisi ko sa lahat ng maling choices na nagawa ko to deal with problems."

Read: JM de Guzman opens up about past drug abuse issue

Ayon kay JM, ngayong darating na July ay matatapos na ang two-year recovery program niya.

Lahad niya, "Monthly nagre-report ako, yung counselling naman everyday.

“Lagi akong in contact with my counsellor.

"Hanggang July ga-graduate na ako, mapapalitan yung group namin as graduate group."

HAPPY FOR LUIS AND JESSY. Sa isang interview kay JM ay nabanggit nito na boto siya kay Luis Manzano para kay Jessy.

Ayon nga sa aktor ay madalas silang magkita at magbatian ni Luis sa ASAP, pero hindi pa raw sila nagkakausap ni Jessy.

Kuwento niya, "Nagkakausap kami [ni Luis] lagi, nagkikita kami sa ASAP, nagbabatian.

"Jessy? No, walang opportunity. Nagkita pero sa restaurant, nakita niya ako, nakita ko siya.

“Pagdaan niya, nakaupo ako sa table, sabi ng mga friends ko, 'Uy, si Jessy tumingin dito sa table natin, nakita ko.'

“Sabi ko, 'Ah, siya.' Di kami nagtagpo."

Nagpahayag naman uli ng kasiyahan si JM sa balitang malapit na rin ang engagement nina Luis at Jessy.

Saad niya, "Masaya ako dun, kung saan siya masaya."

DEALING WITH BASHERS. Sa isang post ni Angelica Panganiban kasama si JC Santos ay nabanggit nito sa kanyang caption na kay JC na lang siya gagawa ng movie dahil minumura siya ng mga tagahanga nila JM at Carlo Aquino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pabor dito si JM.

Hinaing niya, “Medyo hindi maganda sa feeling na kailangang ganun kasi magkakaibigan kaming lahat.

“Sana wag umabot sa ganun.

"Oo, kahit naman kaninong gawin, pangit talaga."

Pagdating naman sa kanyang mga bashers ay natutunan na raw ni JM na balewalain na lang ang mga ito.

“Mayroon pero minsan tinatawanan ko na lang kasi expected ko na yun.

“Naubos na energy ko sa pagre-retaliate, so okay lang sa akin ang mga 'yan,” kibit-balikat ni JM.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN