Joshua Garcia, Julia Barretto sweet moments caught on cam

IMAGE Instagram @rbchanco

Joshua Garcia and Julia Barretto show affection for each other in between takes at their movie set.


Tila hindi nabawasan ang pagiging sweet sa isa't isa ng rumored couple na sina Joshua Garcia, 20, at Julia Barretto, 21, sa kabila ng kontrobersiyang kinasangkutan nila isang buwan na ang nakararaan.

Base na rin ito sa short video clips kung saan makikitang nagkukulitan ang dalawa habang break time sa set ng pinagbibidahan nilang pelikula, ang I Love You, Hater.

Sa unang video, tatlong beses na masuyong hinalikan ni Joshua sa kanang pisngi ang nakangiting si Julia.

Sa sumunod na video ay minamasahe naman ni Julia ang balikat ni Joshua.

Kulitan moments #joshlia #joshuagarcia #juliabarretto IG story: @rbchanco

A post shared by Roxy Coco (@roxycoco12) on

Kuha ang mga ito mula sa Instagram stories ng make-up artist ni Julia na si RB Chanco.

THE MISUNDERSTANDING. Nagkaroon ng "misunderstanding" sina Joshua at Julia dahil sa pag-iwan ng direct message ng binata sa isang female netizen sa social media noong March 12.

Sa April 10 episode ng Tonight With Boy Abunda, mariing sinabi ni Joshua na wala silang anumang ugnayan ng female netizen at nabigyan lang umano ng malisya ang pagkomento niya sa litrato ng dalaga.

READ: Joshua Garcia, iniyakan ang balitang break na sila ni Julia Barretto

Nag-isyu rin ng pahayag ang female netizen, na kinilalang "Dane," na wala silang palitan ng mensahe ni Joshua maliban sa komento ng binata na "art photo" at thumbs up emoji sa swimsuit photo ng dalaga.

Gayunman, aminado si Julia na nasaktan siya sa kontrobersiyang kinasangkutan ni Joshua.


Stories We Are Tracking

Julia Barretto admits rough patch with Joshua Garcia
Julia Barretto admits rough patch with Joshua Garcia
Female netizen clarifies private message from Joshua Garcia
Female netizen clarifies private message from Joshua Garcia
Julia slams third-party rumor involving Joshua
Julia slams third-party rumor involving Joshua

Sabi ni Julia sa April 19 episode ng Tonight With Boy Abunda, “It was a rough patch, but I didn't put whatever we built in our partnership to waste.

"So, up to this day, Tito Boy, he's still trying to gain my trust and that's the truth."

CALM AFTER THE STORM. Ngunit pagsapit ng April 30, siniguro ni Julia na nalampasan na nila ni Joshua ang pagsubok sa kanilang relasyon.

Base ito sa Instagram post ni Julia kung saan ibinahagi niya ang larawan nila ni Joshua na kuha mula sa kanyang 21st birthday party noong Marso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kalakip nito ang caption na nagsasabing, "After a storm comes a calm."

After a storm comes a calm.

A post shared by Julia Barretto (@juliabarretto) on


Stories We Are Tracking

Julia slams basher accusing her of using Joshua
Julia slams basher accusing her of using Joshua
Kris tells Joshua:
Kris tells Joshua: "Can you please behave?"
Joshua Garcia, Julia Barretto get over third-party issue
Joshua Garcia, Julia Barretto get over third-party issue


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN