Tourism Secretary Bernadette Puyat orders suspension of TPB's Buhay Carinderia

IMAGE Gorgy Rula (left)/Facebook photo of Department of Tourism (right)

"I cannot continue with the program kung may anomaly," says Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat about Buhay Carinderia project of Tourism Promotions Board, which is currently headed by actor Cesar Montano.


Ipinasususpindi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang proyektong Buhay Carinderia ng Tourism Promotions Board (TPB), na pinamumunuan ng aktor na si Cesar Montano.

Sa panayam ng dzBB sa bagong-talagang kalihim ngayong Huwebes ng umaga, May 17, sinabi nitong hiniling niya sa Commission on Audit (COA) na suriin ang mga proyektong inilunsad ng TPB.

Hangga't wala ang resulta ng imbestigasyon, hindi muna magpapatuloy ang proyektong inilunsad noong Abril.

“I cannot continue with the program kung may anomaly,” sabi ni Secretary Puyat.

Isa sa mga anomalyang nabanggit kaugnay ng proyekto ay ang hindi pagkakaroon ng proper bidding.

Sa kolum ni Boo Chanco sa The Philippine Star na may pinamagat na “Berna must clean tourism”, nabanggit na umabot sa PHP80-million government sponsorship ang na-issue na tseke bilang kabayaran para sa proyekto.


Stories We Are Tracking

DOT to probe Cesar about P80M payment for Buhay Carinderia
DOT to probe Cesar about P80M payment for Buhay Carinderia

Sa pakikipag-usap ni Secretary Puyat kay Cesar, ipinaliwanag umano ng aktor na sa halip na bidding ay sa sponsorship nakadepende ang Buhay Carinderia.

“Yun naman daw yung ginagawa talaga sa TPB, nagbibigay ng sponsorship,” sabi ng kalihim ng DOT.

Bagamat naniniwala siyang “in good faith” ang hakbang na ginawa ni Cesar, nais pa rin ni Secretary Puyat na masunod ang tamang proseso.

Aniya, “Maybe ganun talaga yung ginagawa nila sa TPB, pero sa akin, hindi ako kumportable.

“Kahit na one million [pesos] lang yan, dapat bini-bidding.

“Naniniwala naman ako sa kanila na yun ang ginagawa ng TPB and Cesar acted in good faith, kasi yun ang practice.

“Pero ako kasi, I have said it over and over again, lahat may bidding kasi public money yan.”

Giit pa niya, “Baka iba yung patakaran dun.

"Pero sa akin, ang gagawin kong patakaran, lahat transparent, lahat may bidding."

Ayon kay Secretary Puyat, ang PHP80 million ay naibayad na kay Linda Legaspi, president at CEO ng Marylindbert International.

Ang naturang kumpanya ang naatasang mangasiwa ng Buhay Carinderia, na may layuning i-promote ang local eateries.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay opisyal na inilunsad noong April 11, sa ilalim ng pamumuno ni dating Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo.

Kasabay ito ng pagpapakilala sa content creator ng programa na si Erwan Heussaff.

Sa kabuuan, nagkakahalaga umano ng PHP320 million ang Buhay Carinderia.



SHORT STAY. Napag-usapan din sa meeting nina Secretary Puyat at Cesar ang lumabas na balitang panandaliang pagdalo ng aktor sa isang event sa New York City, kung saan siya ay keynote speaker.

Ayon sa mga lumabas na balita, umabot lamang ng halos dalawang minuto ang itinagal ng talumpati ni Cesar, na ikinadismaya ng mga dumalo sa naturang event.

Pagkatapos ay umalis agad umano ang aktor para manood ng Broadway show na Hamilton.

Pero ipinaliwanag daw ni Cesar na matagal siyang namalagi sa event.

“Parang ang sabi niya naman sa akin, nandun naman siya nang matagal.

"'Tapos nung nagsalita siya, feeling niya medyo bored na raw yung audience,” kuwento ni Secretary Puyat sa dzBB.

Samantala, kaugnay ng kanyang hiling sa assistant secretaries at undersecretaries na maghain ng courtesy resignation, hindi na raw ito hiniling ng kalihim kay Cesar dahil, ayon sa batas, may bagong opisyal na maitatalaga sa kanyang puwesto sa susunod na buwan.


ABOUT THE AUTHOR

#MatabangReporter


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN