Ara Mina accused of having an affair with an engaged government official

IMAGE Arniel Serato

A PEP.ph source clarifies some details about the incident where the fiancée of a government official discovered the alleged affair of her fiancé with actress Ara Mina.


Nagsimula sa blind item ang report tungkol sa aktres na nadiskubre ang diumano’y lihim na relasyon sa isang government official.

Ito ay dahil sa cell phone na ipinahiram niya sa misis ng lalaki na kanyang inimbitahan sa stage para mag-duet sila.

Ayon sa blind item, hindi alam ng misis ang kanta kaya ipinahiram ng aktres ang cell phone nitong naglalaman ng lyrics.

Pero habang umaawit sila, biglang nagpadala ng text message ang government official, na dahilan para malaman ng misis ang secret relationship nila ng showbiz personality.

Sinabi sa blind item na nangyari ang insidente sa isang event na imbitado ang aktres para magbigay ng entertainment, at ang misis ng government official ang tinawag niya mula sa audience at pinaakyat sa stage para kumanta kasama siya.

Read: Misis ng government official, nabuking ang relasyon ng kanyang mister sa aktres

Nagsanga-sanga na ang blind item hanggang pangalanan sa mga showbiz gossip column, online news, at radio program ang aktres na kinilala bilang si Ara Mina.

Isa ang talent manager at entertainment columnist na si Lolit Solis sa nag-post sa kanyang Instagram account tungkol sa insidente at nagsalita na kakausapin niya si Ara para malaman ang totoong istorya.

“Kaloka ang confrontation dahil friend pala ang turing ng babae kay Ara.

“Sana naman hindi totoo dahil, di ba, parang iyong kuwento, sinisira ni Ara ang pagsasama ng mag-asawa?

“Lalo pa ngayon, may anak na si Ara at akala ko, magkakabalikan sila ni Mayor Patrick Meneses,” bahagi ng Instagram post ni Lolit.

Naawa naman ako Salve kay Ara Mina dahil sa kumakalat na kuwento tungkol sa kanya. According sa kuwento, invited si Ara para kumanta sa isang affair, then kumuha siya ng audience para kasama niya. Ayaw daw ng babae pero napilit ni Ara nang sabihin niya na iyon lyrics ng kanta nasa phone niya. Habang kumakanta at binabasa ang lyrics sa phone may pumasok na text na nakita nang kinuhang kumanta ni Ara. So pagkatapos kumanta, bumaba iyon babae at tumuloy sa CR binasa ang text na galing daw sa asawa ng babae. Confront daw ng babae si Ara dahil bakit text dito ang dyowa? Bongga Salve, ‘di ba ganda coincidence kung totoo, parang script ha. Part 2 ng istorya Salve, kaloka ang confrontation dahil friend pala ang turing ng babae kay Ara. Sana naman hindi ito totoo dahil ‘di ba parang iyon kuwento sinisira ni Ara ang pagsasama ng mag-asawa? Lalo pa ngayon na may anak na si Ara at akala ko magkakabalikan sila ni Mayor Patrick Meneses. Kausapin ko si Ara para malaman ang totoong istorya Salve, promise. #instatalk #lolitkulit?? @therealaramina

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

THE REAL STORY? Isang nakakaalam sa kuwentong ito ang nagparating sa PEP.ph (Philippine Entertainment) ng tunay umanong nangyari.

Ayon sa PEP.ph source, nangyari ang insidente sa 39th birthday party mismo ni Ara sa isang café sa Quezon City.

Hindi pa rin daw misis ng government official ang babae dahil ikakasal pa lamang sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang sa mga invited guest sa party ni Ara ang fiancée ng government official.

Paalis na raw sa party ni Ara ang babae, pero inimbitahan siya ng aktres na kumanta muna sila.

Dahil hindi alam ng babae ang lyrics ng kanta, ipinahiram daw ni Ara ang cell phone nito.

Habang kumakanta ang dalawa, biglang pumasok ang mensahe ng government official.

Kinumpirma ng source na shocked na shocked ang girlfriend ng government official sa text message na nabasa.

Kaya kahit hawak pa niya ang microphone, tinanong niya si Ara ng: “Are you having an affair with my boyfriend?”

Sinagot daw siya ng aktres ng: “Let me explain.”

Hindi na umano binigyan ng babae ng pagkakataong makapagpaliwanag pa si Ara.

Tumakbo na siya sa loob ng comfort room ng coffee shop at nagkulong para basahin ang thread ng kumpletong palitan ng mensahe ng kanyang fiancé at ng aktres.

Dahil sa sobrang sama ng loob, nag-collapse ang fiancée ng government official sa loob ng comfort room.

Pero sa kabutihang-palad, kasama niya ang kanyang anak na tumulong sa kanya.

Upang patunayang totoo ang kanyang mga sinasabi at magkakilala si Ara at ang fiancée ng government official, nagpadala ang PEP.ph source ng mga larawan kung saan magkasama ang dalawa.

Sinadya ng PEP.ph na takpan ang mukha ng fiancée ng government official upang maproteksyunan ito.


Ang kaliwang larawan ay kuha raw sa isang event sa Laguna na inorganisa ng fiancée ng government official at dinaluhan ni Ara.

Ang kanang larawan naman ay kuha sa birthday party ng aktres kung saan imbitado ang fiancée ng government official.

Ngayong Martes ng hapon, May 29, nagpadala ng mensahe ang senior staff writer ng PEP.ph na si Arniel Serato kay Ara, sa pamamagitan ng text messaging, upang kunin ang kanyang panig sa isyung ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaagad na ilalathala ng PEP.ph ang panig ni Ara kapag natanggap na namin ang kanyang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN