Epy Quizon puzzled by issue on Dolphy award given Vice Ganda

IMAGE ViceGandaOfficialPH on Facebook

Epy Quizon's request to peole questioning Vice Ganda as the first recipient of Dolphy King of Comedy Award: "Sana kung may mga issue man, ipansantabi muna yung mga issues na 'yun. Deserving naman talaga si Vice."

In this photo Epy (rightmost) and his nephew Boy 2 Quizon (leftmost) handed the award to Vice's mother, Rosario Viceral (in blue gown), and his sister, Dr. Tina Viceral (in green gown).


Para kay Epi Quizon, kaparapat-dapat at hindi dapat kuwestyunin kung si Vice Ganda man ang napili bilang kauna-unahang receipient ng Dolphy King of Comedy award sa katatapos na 66th FAMAS Awards night.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na binigay ang naturang award, kung saan si Epy at pamangkin niyang si Boy 2 Quizon ang nagkaloob ng award sa butihing ina ni Vice na si Ginang Rosario Viceral at ang doktora nitong kapatid na si Dr. Tina Viceral.

Sila ang naging representative ni Vice dahil hindi ito nakarating sa parangal ng FAMAS, na ginanap noong Linggo, June 9.

“Sorry di ko alam ‘yung issue, nagulat lang din ako,” ani Epy sa panayam sa kanya ng ilang entertainment reporters.

“Sa akin naman, I don’t know kung saan nagsimula yung issue, pero para sa akin deserving naman talaga si Vice.

“Kung tutuusin mo, itong taon na ito, siya yung mayroong box office hit, PHP500 million ba? Parang ganun.

“Sobrang ridiculous, ridiculously good for the industry, that alone, di ba?”

Matatandaan na isa sa PEP Troika ang tila kumuwestiyon sa paggawad ng kauna-unahang Dolphy Award kay Vice.

Sa palagay noon ni Gorgy Rula, mas deserving na mabigyan muna si Vic Sotto bago si Vice.

Sa pananaw ni Epy, “Wala namang issue, kaya nga nandito kami ni Boy 2 to award the first Dolphy Comedy King Award.

“Actually it’s supposed to be Eric [Quizon] but, unfortunately, he’s in the States. He has a work in the States.

“He actually called me pa today to make sure that we go to the award and award Vice today.”


Stories We Are Tracking

Vice Ganda says he harbors no ill will towards columnist
Vice Ganda says he harbors no ill will towards columnist

Sa huli, nakiusap si Epy na sana ay isantabi na lang ang mga isyu at irespeto ang naging desisyon ng pamilya nila at ng FAMAS sa pagkakapili kay Vice.

“Yes, di ko alam kung ano ang nangyari sa botohan.

“Actually, ako ay napagsabihan lang ni Eric na mag-award.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, personally, wala naman akong contention dun sa naging desisyon.

“Sana kung may mga issue man, ipansantabi muna yung mga issues na ‘yun.

"Deserving naman talaga si Vice,” pagtatapos ni Epy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN