Karla Estrada reaffirms friendship with Vice Ganda

IMAGE @karlaestrada1121 on Instagram

"Pag true friends talaga, kahit anong mangyari, lumipas man ang panahon, buo pa rin ang pagkakaibigan at samahan!" says Karla Estrada about her more than two decades of friendship with Vice Ganda.


Muling pinagtibay ni Karla Estrada ang pagkakaibigan nila ni Vice Ganda.

Naging sentimental si Karla nang muli niyang i-post ang dalawang larawan nila ni Vice, na nagpapakita ng malaking pagbabago matapos ang isang dekada.

Tila na-trigger ito nang muling mapanood ni Karla ang panayam kay Vice sa morning show nila nina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros, ang Magandang Buhay, noong November 2016.

Sa kanyang post, sinabi ni Karla, “Pag true friends talaga, kahit anong mangyari, lumipas man ang panahon, buo pa rin ang pagkakaibigan at samahan!

“Sarap panoorin ng video na ito kasi naaalala ko paano nagsimula friendship namin ni Vice!”

Sumagot naman sa post ni Karla ang kanyang matalik na kaibigang si Vice.

Sabi ng Kapamilya comedian-TV host, “I love you before and forever!!!”

Nagkomento rin si Vice sa larawan nilang dalawa, kung saan kitang-kita ang malaking pagbabago sa kanilang pisikal na kaanyuan.

Pabirong sabi ni Vice, “Di pako nakakaluwag luwag diyan! Ngayon ang luwag luwag ko na!!!”


Ang larawang ito ay nauna nang nai-post ni Vice sa kanyang Instagram noong 2017.

THE INTERVIEW. Sa panayam sa kanya noon sa Magandang Buhay, naikuwento ni Vice na nagsimula ang pagiging magkaibigan nila ni Karla noong nagsu-show pa siya sa mga comedy bar.

“Matagal [nang nabuo], sa comedy bars ko pa lang, kasi nagpupunta sila palagi.

"Kahit tapos na yung operation, dahil hanggang alas-tres lang naman kami, hindi sila umuuwi agad.

“Nandodoon pa sila, nag-iinuman pa sila, kumakanta pa sila. Siyempre kaming mga host doon sa ano, imbyerna na kami, 'Ano ba naman itong mga 'to, antok na antok na yung mga bakla, hindi makauwi.'

"Pero hindi kami makakaarte kasi bigay sila nang bigay ng pera sa amin.

"Papakantahin nila kami nang papakantahin, pero pag-uwi namin, marami kaming pera.

"Mabait siya. Mahal niya talaga yung mga bakla. Bibigyan niya talaga ng pera ang mga bakla.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento naman ni Karla, isang kaibigan ni Vice na naging kaibigan na rin niya ang madalas magdala sa kanya sa comedy bar na pinagtatrabahuan noon ng It's Showtime host.

“Nagulat siya na kaibigan ko na 'to [Vice] kasi panood nga ako nang panood, tuwang-tuwa nga ako diyan.”

Dagdag na biro naman ni Vice, “Laruan nila ako dati.”



ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN